Share

Chapter 4

“YOU'RE THE same woman as before…” saad ni Beckett sa isang malamig na tono bago pinasadahan ng tingin ang dalaga. “I told you to go home, didn't I?” dagdag niya pa, pero hindi kaagad sumagot si Vivianne.

Halos mapailing si Beckett dahil sa itsura ng babaeng nasa kan'yang harapan. Pumupungay na ang mga mata nito, at hindi na rin ito makalakad nang maayos.

Pero hindi iyon ang napansin niya. Napabaling ang tingin nito sa mga mumunting sugat na nasa braso ng dalaga. Maputi ang balat ni Vivianne kaya naman kahit kaunting higpit lang ng hawak sa kan'ya ay paniguradong mamumula kaagad ito nang husto.

And Beckett was certain on his hunch, too. He knew that someone gripped onto Vivianne's arm tightly, given the terror Beckett could see on her eyes, too.

'Fuck that guard. I told him to ensure the woman's safety,' Beckett thought as he clenched his fists, annoyed.

Pero kaagad na napalitan ng pagkagulat ang inis niya nang bigla siyang sinagot ni Vivianne. “Eh sa ayaw ko pang umuwi! Gusto ko lang naman mag-inom, bawal ba 'yon?” aniya sabay irap.

Beckett was astounded by Vivianne's sudden change of attitude. No one had made this kind of attitude to him, and he had mixed emotions about it. Naiirita siya na natutuwa.

Naiirita dahil ayaw sumunod ni Vivianne sa kan'ya, at natutuwa dahil itinuturing siya ni Vivianne na para bang ordinaryong mamamayan lang. For the first time, someone treated him like an ordinary person and not someone they must worship.

Parang kanina lang ay humihingi ito ng tulong sa kan'ya, tapos ngayon ay galit na ito. Napakunot tuloy ang noo ni Beckett dahil doon.

“Why does it seem like you're madder than I am—”

Hindi na natapos ni Beckett ang sasabihin niya nang bigla siyang itulak ni Vivianne pasandal sa kotse niya. Inilagay nito ang magkabilang kamay sa uluhan ni Beckett, habang naging matalim ang tingin nito.

“I don't have time for this, just so you know,” ani Vivianne bago ito nagkagat-labi, tila ay naiinis na kinakabahan. “Help me. I beg you.”

Sa isang iglap ay nagbago ang ekspresiyon ni Vivianne. Her stubborn attitude earlier suddenly changed into a pitiful one. Vivianne's eyes dazzled in awe, making Beckett stop breathing for a bit.

“And why would I help you?”

Tumaas ang kilay ni Beckett, kabaliktaran ng mga mata niya na bumaba mula sa mamula-mulang labi ni Vivianne papunta sa makinis nitong leeg. Nagtagal ang tingin ni Beckett doon hanggang sa mapalunok siya.

Mabuti na lang at naka-face mask siya kaya hindi nakikita ni Vivianne ang mumunting paggalaw ng labi niya.

Hindi sumagot si Vivianne. Imbes ay nagkagat labi ito saglit at umiwas ng tingin. Maya maya ay sumagot ito.

“Because I need help,” tiim-bagang na sagot ni Vivianne.

“Is that even a valid reason?” Beckett chuckled, his eyes playing with lust and admiration he felt for the first time. “Just because you need help doesn't mean I should help you.”

Given how drunk Vivianne was, Beckett could easily pin her down in a second. However, he was enjoying the scene. It's his first time to see someone taking on the masculine side—Especially on him.

Vivianne clicked her tongue, slightly annoyed and dizzy at the same time. Sigurado siyang may inilagay ang mga lalaki kanina sa inumin niya kaya kakaiba ang pakiramdam niya. Alam niyang hindi siya makakalaban nang maayos sa mga lalaking iyon kaya ay tumakbo na lang siya.

Aside from dizziness, she felt hot, too. Alam niya ang nangyayari sa kan'ya. She's a virgin and she won't let those crackheads take her body that she reserved for her future husband.

But she felt different with Beckett. Hindi maintindihan ni Vivianne ang sarili pero kakaibang init ang dulot sa kan'ya ng pagtitig ng lalaki.

Suddenly, Vivianne found Beckett strangely handsome, and he looked even more appealing up close. She wanted to see more... Gusto niyang makita ang kabuuan ng mukha nito, kaya naman nilagay ni Vivianne ang isa niyang kamay sa face mask ni Beckett.

"What are you doing?" nagtatakang tanong ni Beckett bago hinawakan ang palapulsuhan ng babae.

Pero hindi sumagot si Vivianne. Suddenly, she looked like she was hypnotized by something. Mas naging mapungay ang mga mata nito kanina, at umawang din ang labi niya. 

Napadako ang tingin ni Beckett doon, pero hindi rin nagtagal ay natauhan din siya. In one swift move, they switched positions. Vivianne was now the one pinned on the car, while Beckett was in front of him.

Marahas ang pagkakalapat ng likod ni Vivianne sa kotse kaya naman napangiwi ito.

“I'll repeat this since it looks like you didn't understand what I said earlier.” Inilapit ni Beckett ang labi sa tainga ni Vivianne. “Just because you need my help doesn't mean I need to help you.”

“Is that so?” Vivianne clicked her tongue. Kalmado lang siya kanina, pero nang makita niyang may mga lalaki nang naglalakad papalapit sa kanila ay naalerto siya bigla. “Well, then. I guess I need to force the help out of you.”

Vivianne's move was even faster than Beckett. Sa isang iglap ay nakuha nito ang susi sa kamay ni Beckett at mabilis na binuksan ang pinto ng kotse. And before Beckett even knew it, Vivianne was already on the driver's seat, waiting for him.

“Fuck?” Beckett grunted, confused and amused at the same time.

“Hop in before they come!” sigaw ni Vivianne sabay lingon doon sa mga lalaking hahabol na sa kanila, dahilan para mabilis siyang mabalik sa reyalidad. "Dalian mo! Kapag nahabol nila tayo ay magiging porkchop tayo!" dagdag niya, dahilan para matawa si Beckett nang kaunti.

Beckett didn't go to the passenger seat. Instead, he opened the car door toward the driver's seat and pushed Vivianne away.

“Wow, sobrang gentleman, ha?!” singhal ni Vivianne bago nito hinawakan ang ulo niya. Nauntog kasi ito sa bintana.

“Thank you,” Beckett answered sarcastically and started the engine.

Napairap na lang si Vivianne at hindi na sumagot. Humihingi nga pala siya ng tulong kaya sa ngayon ay magpapakabait na muna siya.

Beckett drove the car and left the place, but he didn't use the main exit that the common customers use. Mayroong ibang exit para sa mga VIP kagaya niya, at sinamantala ni Vivianne ang kaalamang iyon. Kapag doon kasi siya lumabas ay paniguradong hindi siya masusundan ng mga lalaki kanina.

At ganoon nga ang nangyari. Vivianne was able to escape safe and sound, but with Beckett, it was uncertain as he needed to settle things with the lady first.

Nang makakita si Beckett ng lugar kung saan kaunti lang ang tao ay itinigil niya ang kotse roon. He removed his face mask and cap, knowing that the car's window were tinted. Siguradong walang makakakuha ng litrato sa kan'ya.

“Bakit ka tumigil?” nagtatakang tanong ni Vivianne habang nakakunot ang noo.

Hindi pinansin ni Beckett ang tanong niya. Imbes ay kinuha niya ang kan'yang wallet at dumukot ng pera roon. "How much?"

“Ha?” Vivianne tilted her head, confused.

"How much do I need to give in exchange of hiding this secret?" paglilinaw ni Beckett sa tanong niya kanina. "Name your price."

"Hmmm... One hundred trillion pesos," Vivianne replied proudly.

"What the fuck?" Napataas ang kilay ni Beckett kasabay ng pag-awang ng labi nito. "Questa donna astuta." [This cunning woman.]

"Tatanong-tanong ka ng presyo tapos mumurahin mo ako sa ibang lenggwahe." Ipinagkrus ni Vivianne ang kamay niya bago ito umirap. "Saka nasa Pilipinas ka, kung hindi English, Italian naman ang binabanggit mo. Umamin ka, hindi ka marunong mag-Tagalog, ano?"

Beckett snapped his neck as he was losing patience. Tiningnan niya si Vivianne nang maigi bago ito sumagot. "Huwag mo akong gaguhin, babae."

Those words were short, but enough for Vivianne's fear to creep onto his body. Akala talaga ni Vivianne ay hindi ito marunong mag-Tagalog dahil puro Ingles lang ang sagot nito sa kan'ya, pero nagkakamali siya.

Beckett's words hit differently when he's speaking Tagalog. It wasn't funny or cringe like some foreigners, but there was something in his accent that could make a person shiver in fear in an instant.

Despite being a Filipino-Italian who almost spent his childhood in Milan, Beckett understood the Tagalog language. Iyon kasi ang salitang palaging ginagamit ng ina sa kan'ya na ipinagpapasalamat naman niya. Mabilis siyang nakapag-adjust sa Pilipinas dahil doon.

“Hey, akala mo ba ay madadala mo ang lahat ng tao sa pagiging artista mo?” tanong ni Vivianne na pilit pinapatapang ang sarili, dahilan para bumalik si Beckett sa reyalidad.

“Not because of me being an actor, but because of this.” Beckett raised the money in his hand. “If you can't save yourself from stupidity, it's better not to involve anyone about it.”

Sobrang lamig ng tono ng boses ni Beckett, at hindi lang basta malamig. It was harsh, causing Vivianne to blink twice due to disbelief. 

“I-Ikaw—”

Hindi na natapos ni Vivianne ang sasabihin nang biglang lumapit si Beckett sa kan'ya. Masama na ang tinging ipinupukaw nito. “Lady, just in case you're not aware, you're wasting my damn time. This is a warning. Don't tell anyone that you saw me today."

“Wala akong pagsasabihan tungkol dito—”

“Everyone says the same thing. I've heard that countless times,” Beckett interjected in a sarcastic remark.

’Ah… Tangina.'

Nagsisimula nang mairita si Vivianne. Hindi niya kaagad sinagot si Beckett dahil natatakot siyang makalimutan na isang sikat nga pala itong kupal na lalaking kausap niya. Hindi rin nakatulong ang alak na nananalaytay sa kan'yang katawan na kaya siyang patapangin nang biglaan.

Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang pinto sa gilid niya, senyales na bumukas ang pinto.

“Leave. Now,” utos ni Beckett. “If you don't want to accept the money, just get out of my sight,” he added, his words were rude and merciless.

Doon ay tila may pumitik sa ulo ni Vivianne. Ubos na ang pasensiya nito.

As her job was related to the showbiz industry, Vivianne always tried to think carefully and prolong her patience before speaking. Sa ganoong paraan kasi ay makakaiwas siya sa gulo.

Pero iba itong kay Beckett. Pakiramdam niya ay hindi siya matatahimik kung hindi siya makakaganti.

At mukhang hindi masasakit na salita ang maibabato niya sa binata.

“Fine,” saad ni Vivianne bago nito inunat ang dalawang kamay. “But let me give you a memory to remember, Beckett Clainfer."

Beckett raised a brow in response, confused about the woman's words. But before he even knew it, a strong punch landed onto his face. Sa sobrang lakas no'n ay tumama pa ang kabilang pisngi ni Beckett sa bintana.

Sinamantala naman ni Vivianne ang pagkagulat ni Beckett para sana tumakas, pero laking gulat na lang niya nang bigla siyang nahawakan ng lalaki sa kan'yang palapulsuhan.

“Don't let me see you again. I'll make your life miserable if you do," mariing saad ni Beckett, tila nagpipigil ng inis. "Lo ricordi, signora." [Remember that, lady.]

Pagkatapos no'n ay pinakawalan na ni Beckett si Vivianne, kasabay ng mabilis nitong paglabas ng sasakyan at pagtakbo palayo.

Alam naman niyang hindi siya makakayang habulin ni Beckett dahil iniingatan nito ang reputation siya... Dahil hindi lang naman ito basta artista at model. Isa ito sa mga pinakasikat sa Pilipinas.

Vivianne's heart thumped rapidly because of fear and excitement, knowing that she just punched the Nation's Perfect Guy's face.

At kung nasa matinong pag-iisip lang sana siya ngayon, malalaman niyang iyon na ang pinakatangang nagawa niya sa buhay niya at hindi ang paglalasing nang dahil kay Tristan.

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Iwaswiththestars
Sa true lang po, pati puso yata ni Beckett nasuntok niya kaya na-fall charot
goodnovel comment avatar
Bei
Hahaha..gndang remembrance nun mhirap tlgng mklimutn,ang gling nyang manuntok..
goodnovel comment avatar
Iwaswiththestars
Salamat po! mag-update po ako mamaya or bukas po ^^
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status