Share

KABANATA 70

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2024-10-14 16:53:43
Sinuklian din ni Drake ang ngiti niya. “Ako nga. Invited ka din ba sa launch?” May bahid ng pagtataka ang tono nito.

Mahirap para sa kaniya na isipin na a-attend si Natalie ng mga ganoong pagtitipon. Walang pakialam ang babae sa mga negosyo kaya ganon na lamang ang pagtataka niya.

“Oo, eh.” Tipid na sabi ni Natalie. “Naging pasyente ko ang may-ari ng Lobregat project.”

“Si Roberto Villamor?”

“Oo, isa siya sa mga naging pasyente ko.”

“Ah, I see.”

Tumunog muli ang cellphone ni Natalie. Hindi na niya iyon sinagot dahil alam niyang si Mateo iyon at mamadaliin lamang siya. Nagpaalam na siya kay Drake. “Mauna na ako.”

“Ingat ka!” Hindi na natuloy pa ni Drake ang iba pa sana niyang sasabihin dahil humahangos na si Natalie papasok. Nalungkot siya dahil gusto pa sana niyang makausap ang babae. “See you later, Nat.”

Si Isaac ang sumalubong kay Natalie. Hapong-hapo siya dahil sa pagmamadali niya. “Sorry, na-late ako!”

“No worries, Miss Natalie. May mga binabating tao lang si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Robelyn Miole
abot napod nis Irene na demonyog batasan amping nat nat
goodnovel comment avatar
Ashley ا
Patay..hehehe
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
Ganda Ng story..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 71  

    Hindi nakakapagtaka kung bakit naroon si Irene. Nobya ito ni Mateo kaya natural lang na naroon din ito. Kabaligtaran ang naging reaksyon ni Irene, parang nakakita ito ng multo ng makita si Natalie doon. “At anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sa kaharap. Ang lalong ikinaputok ng butsi ni Irene ay ang suot na gown nito. Hindi siya maaring magkamali dahi nakita niya iyon sa loob ng private room ni Mateo. Walang kalam-alam si Natalie kaya matipid na lang siyang ngumiti, “wala namang batas na nagsasabing hindi ako pwedeng pumunta dito.” Nasa isang malaking pagtitipon sila at walang balak si Natalie na pagbigyan ang pambubuska ng kapatid----bukod pa doon ay gutom siya. Sinubukan niyang iwasan si Irene sa pamamagitan ng pag-alis pero hinila siya nito pabalik. “Hindi pa tayo tapos!” Galit na sabi nito sa kanya. “Nahihibang ka na ba, Irene? Gusto mo talagang gumawa ng eksena dito? Bitawan mo ako!” Lalong hinigpitan ni Irene ang pagkakahawak sa braso niya. Nanlilisik ang mga mata n

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 72

    Parehong magaling lumangoy sina Mateo at Drake, kaya mabilis nilang nasagip sina Irene at Natalie. Nasa mga bisig ni Mateo si Irene, tinapik-tapik niya ang mukha ng babae. “Irene, okay ka lang ba?” Nagbuga ng maraming tubig si Irene, bumabalik na ang ulirat nito. Yumakap ito kaagad sa kaniya at umiyak. “Mateo! I was so scared! Grabe ang nangyari sa akin!” Samantala, wala pa ring malay si Natalie. Hawak siya ni Drake at pilit na ginigising ngunit wala pa ring nangyayari. Inihiga niya sa semento si Natalie. “Nat, Nat! Gising na! Sh*t! Bahala na kahit magalit ka pa sa akin, sorry na agad!” Bulong niya habang aktong gagawin na ang CPR. Hindi pa man siya nagsisimula ay may malakas na tumabig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Drake ng makita kung sino iyon. “M-mateo?” “Umalis ka dyan!” Utos nito sa kanya. Walang ekspresyon sa mukha nito pero may kung ano sa mga mata ni Meteo. Tinabig niya si Drake para malaya siyang makalapit kay Natalie. Lumuhod siya sa tabi nito, pinisil ang

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 73  

    Habang nagsasalita si Irene, sinenyasan niya ang ina para tumigil na ito sa pag-arte at kalmahin ang sarili. Naintindihan naman kaagad ni Janet ang nais iparating ng anak kaya itinigil na niya ang ginagawang pang-aaway kay Mateo.Bago sila umalis para mag-usap, napansin ni Mateo si Drake. “Sino ka naman?” Natama ang mga mata ng dalawang lalaki at pareho silang nakaramdam ng tension na tila ba may pinaglalabanan sila. Sumimangot si Drake pero magalang pa ring sinagot ang tanong sa kanya. “Drake Pascual, kaibigan ako ni Natalie.” Tinitigan siya ulit ni Mateo, pilit niyang kinakalkal sa isipan kung saan niya nakita ang lalaki. Biglang bumalik sa kaniya ang alaala kung saan iyon. Natatandaan na niya----gabi iyon. Sigurado na siya, sa Tagaytay. Ito ang lalaking nakasalubong niya sa kusina. Ito din ang lalaking tinutukoy ng kitchen staff na nagluto ng bulalo. Pinagtagpi-tagpi ni Mateo ang lahat…para kay Natalie ang bulalong iyon. Napaisip din siya kung gaano kalalim ang pagkakaibiga

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 74

    Naguusap pa sina Irene at Mateo ng mag-ring ang cellphone niya. Si Isaac ang tumatawag sa kanya. Maagap naman niya itong sinagot. [Sir, gising na po si Miss Natalie.] “Okay,” tipid ang naging tugon niya bago binaba ang tawag. Tinitigan niya si Irene, “gising na siya, titingnan ko lang kung maayos na ang kalagayan niya.”  “Teka,” nagmamadaling habol ni Irene sa lalaki, agad siyang pumulupot sa braso nito. “Sasama ako sayo.” Determinado siyang huwag bigyan ng pagkakataong magsolo sina Natalie at Mateo. Napansin niyang sumimangot ng bahagya si Mateo. “Don’t worry, hindi ako makikipagtalo sa kanya. Naniniwala ako na may mga rason ang mga babae para sa lahat ng bagay, mapag-uusapan naman namin ang lahat.” Ramdam ni Irene na may pag-aalinlangan pa rin ito dahil saglit siyang tinitigan ni Mateo na para bang iniisip kung ano ang tamang gawin. Matapos ang ilang segundo pumayag din ito. “Fine.” … Sa loob ng kwarto kung nasaan si Natalie, naroon din si Drake. Kanina pa niya pinagm

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 75

    Natagpuan ni Natalie ang sarili niyang nakaupo sa isang batong upuan sa tapat ng magarang building na iyon. Nagbook na siya ng taxi dahil pagkatapos ng mga nangyari ngayong gabi, wala ng saysay ang manatili pa doon. Yun nga lang, parang paborito na yata si Natalie ng kaguluhan dahil walang plano ang mag-inang Janet at Irene na tigilan siya. Malayo pa lang ay nagsisigaw na si Janet. “Natalie! Natalie! Ikaw nga! Ikaw pala ang haliparot na pumilit kay  Mateo para pakasalan niya! Wala na ba talagang natitirang hiya dyan sa katawan mo? Nobyo siya ni Irene!” Kinisap ni Natalie ang mga mata niya, hindi siya makapaniwala na nalaman na nila. Talaga ngang walang sikretong naitatago habangbuhay at totoo ngang napakabilis kumalat ang balitang kagaya ng kanya. “Janet,” nagawa pa ding ngumiti ni Natalie. “Sa lahat ba naman ng tao na pwedeng tumawag sa akin ng walang hiya, ikaw talaga ang nagkaroon ng lakas ng loob? Nakakalimutan niyo yata na kayo ang reyna ng mga walang hiya. Kung hindi dahil

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 76

    [Sir, sabi po ni Alex,” pagpapatuloy ni Ivan, [nasa private room niyo po si Miss Irene kanina. Pinapasok na niya, pero hindi naman daw po nagtagal. Nainip daw yata dahil natagalan kayo.] Naging mas malinaw kay Mateo ang lahat----nakita ni Irene ang damit kanina. Iyon ang dahilan kung bakit hinila niya si Natalie. Natural na manlalaban si Natalie kaya nahulog sila sa pool. Numipis ang labi niya, nag-init ang tenga niya dahil sa napag-alaman. Hindi na nagpaalam pa si Mateo sa mga kausap niya, dire-diretso na niyang nilisan ang venue. Mabilis ang mga hakbang niya gaya ng pagtaas ng dugo niya. Hindi pa man siya nakakalayo ay nakasalubong na niya si Irene. Mabilis na pinulupot ni Irene ang sarili sa kanya, “saan ka ba nagpunta? Aray!” Hindi na naituloy ng babae ang pag-angkla kay Mateo dahil tila bakal ang kamay nito na pinigilan siya. Tsaka lamang napagtanto ni Irene na may mali sa mga oras na iyon. Kapag kasama niya si Mateo ay bihira ito kung ngumiti pero kakaiba ngayon, may galit

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 77  

    “Bakit mo pinatay? Si Mateo yun, diba? Mukhang nagaalala siya sayo.” “Ha? Wala lang ‘yon,” sagot ni Natalie sabay ngiti. “Gaya ni Mr. Roberto Villamor, pasyente ko din si Mateo Garcia. Alam mo naman ang mga mayayaman. Kunwari, concerned. Naalala mo ba yung nangyaring pananaksak na nabalita sa TV? Si Mateo ang biktimang tinutukoy nila. Ako ang attending physician niya that time.” Tumango-tango si Drake. “Ah, ganon pala ang nangyari.” Kahit na ganon ang sinabi niya, batid ni Drake na interesado si Mateo kay Natalie. Lalaki din siya at kabisado niya ang galawan ng isang lalaking may interes sa isang babae. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. “Nat, sa tingin ko concerned talaga siya sayo----baka nga gusto ka ‘non.” Namilog ang mga mata ni Natalie. “Huy! Umayos ka nga! Ano-anong pinagsasabi mo dyan. Buti na lang walang nakakarinig sa 'yo dito. May girlfriend yung tao. Si Irene.” Nagbuga ng hangin si Drake. Napangiti ito dahil naginhawaan siya. “Oo nga, ano? O.A lang tala

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 78

    “Justin!! Anong nangyari? Diyos ko po…” Humahangos si Natalie pabalik, napatigil siya dahil  nakita na niya kung ano ang gumawa ng kalabog na iyon.Itinapon ng bata ang cellphone at pinulot iyon ni Drake. Tinitigan niya ang screen at ipinakita kay Natalie ‘yon----nagalit marahil ito dahil natapos na niya ang buong laro. Hindi malaman ni Natalie kung paano ipo-proseso ito. Magulo ang utak niya at hindi niya alam kung anong emosyon ang uunahin.“Alam kong alam mo na ito, pero sasabihin ko pa rin, may maliit na percentage ng mga batang may autism ang may extraordinary talents sa isang specific na talent. Palagay ko, ganon si Justin, Nat.”Tinakpan ni Natalie ang bibig niya, maiiyak siya. Kailan man ay hindi niya inakala ang ganito, buhat ng ma-diagnose si Justin ng autism, ang pinagtuunan lang niya ang ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. Hindi sumagi sa isip niya ang higit pa roon.Ngayon ay nakokonsensya siya. “Kung totoo yan…ibig sabihin, pinagkaitan ko ang kapatid ko ng mga pagka

    Huling Na-update : 2024-10-14

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 200

    Nagkibit-balikat si Natalie. Namangha siya sa reaksyon ng kaibigan. “Wala namang nakakagulat. Tulad ng inaasahan ko, pinili niya si Irene." Ikinuwento niya ng maikli kay Nilly ang naging pag-uusap nila ni Mateo at kung paano ito kakalmado at walang emosyon ang tono. “Iyon nga ang nangyari…tapos na ang lahat.” “Anong karapatan niya?!” biglang sigaw ni Nilly, namumula ang mukha sa galit. “Akala ba niya pwede ka niyang kunin kapag gusto niya at itapon kapag ayaw na? Paano nagagawa ng isang tao na maging ganito kasama?” “Okay lang, Nilly. Tanggap ko naman.” Habang iniisip niya ito, lalo siyang nagagalit. “Hindi ito katanggap-tanggap! Sobra na ito!” “Teka. Saan ka pupunta?” Hinawakan ni Natalie ang braso ni Nilly nang makita niyang papalabas ito. “Para komprontahin siya, syempre!” sagot ni Nilly na para bang ito ang pinaka-normal na bagay na pwede niyang gawin sa mundo. “Akala ba niya, dahil mayaman siya, may karapatan siyang paglaruan ang mga tao ng ganito?” “Hayaan mo na…”

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 199 

    Mabilis na lumapit si Natalie sa kanyang ama, ngunit huminto siya para may sadyang agwat sa pagitan nila. “Ano ang kailangan mo?” malamig niyang tanong. “Wala, wala…” natatawang sagot ni Rigor, halatang kinakabahan. Inabot niya ang dalang bag sa anak. “Bumili ako ng mga paborito mong meryenda. Tanggapin mo sana.” Ayaw sanang kunin ni Natalie, ngunit mapilit si Rigor. Ipinilit nito ang bag sa kanyang mga kamay. Maraming taong abala sa paligid, kaya’t ayaw ni Natalie ng eksena. Sa huli, napilitan siyang tanggapin ito. “Mga meryenda lang naman, bulong niya sa sarili. “Wala naman sigurong masama.” Kitang-kita ang ginhawa sa mukha ni Rigor ng tanggapin niya ang bag. Ngumiti ito nang malapad habang mabusising tinitigan si Natalie. “Ang payat mo na. Kailangan mong kumain ng maayos. Nag-aaral ka pa para sa mga pagsusulit, tama? Huwag kang magpapagod—” “Tama na.” Hindi na kinaya ni Natalie. Pinutol niya ang sinasabi nito sa mabagsik na tono, ang ngiti sa kanyang mukha’y puno ng pang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 198

    Umiling si Natalie. “Hindi, hindi pwede.” Natigilan si Mateo, para bang tinusok ang kanyang puso ng karayom. Hindi niya matanggap ang sagot nito sa kanya. “Galit ka ba talaga sa akin?” tanong niya, ang boses niya ay puno ng sakit. “Hindi naman,” mahinang sagot nito at bahagyang tumawa ng mapait. Ang tono niya ay magaan, tila nagpapaliwanag. “Alam mo naman—hindi kami magkasundo ni Irene. Para na rin sa kapakanan mo, mas mabuti kung hindi tayo magkaibigan. Sa totoo lang, mas okay kung hindi na tayo magkikita pa.” Saglit tumigil si Natalie, tsaka nagdagdag, “Kung magkita man tayo, magpanggap na lang tayong hindi magkakilala.” Mahinang kumaway siya. “Paalam, Mateo.” “...s-sige,” sagot ni Mateo, bagama’t tila nakabara sa kanyang lalamunan ang salitang iyon. Nanatili siyang nakatayo, nakatanaw habang umaalis si Natalie ng walang alinlangan. Inasahan niyang ganito ang kalalabasan, ngunit hindi niya inakala na aalis siya ng ganoon kabilis, ganoon katatag. May bahagi sa kanya na gusto

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 197

    Nanatiling matigas si Natalie sa yakap ni Mateo, ang kanyang mga kamay nakalaylay lamang sa kanyang tagiliran. Hindi niya tinutugunan ang yakap, ngunit mahina siyang tumawa. Mahinahon niyang sinabi na, “sige. Tinatanggap ko na ang paghingi mo ng tawad.” Kahit labag sa kanyang kalooban, pinilit ni Mateo na bitawan siya. Iyon na ang huling yakap nila. Pagkatapos ay hindi na muling mangyayari iyon. “Nat,” muling simula niya, ang boses niya ay kalmado ngunit ang kanyang puso’y hindi mapakali. “Tungkol sa alimony… Ang bahay sa Antipolo ay ililipat sa pangalan mo. May kasamang pera at iba pang mga ari-arian—” “Haha!” Natawa ulit si Natalie. Si Mateo naman ngayon ang nagtaka. “Ano’ng nakakatawa?” “Pasensya na,” sabi niya. Pinipigilan nitong huwag tumawa. “Hindi ko lang inaasahan na magkakaroon ng alimony. Hindi mo kailangan ibigay sa akin ang kahit ano. Tutal, tayo…” Bigla siyang tumigil, balak sanang sabihin na ang kasal nila ay hindi kailanman nag-ugat sa pagmamahal, kundi sa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 196 

    “Nat, gusto kong humingi ng tawad.” Ang mga salitang iyon ay payak at alam ni Mateo na kailan man ay hindi iyon sasapat para sa lahat ng nagawa niya. Gayunpaman, hindi niya maaring hayaan na hindi iyon masabi. Napatingin lang si Natalie sa kanya. Nakaawang ang bibig ngunit walang boses na lumalabas. Marahil ay nagulat sa biglaang sinseridad ni Mateo. Hindi sigurado si Natalie kung ang hinihingi ng tawad nito ay tungkol sa huling insidente nila. Hindi niya masabing ayos lang siya dahil hindi. Ang alaala ng ginawa ni Mateo sa kanya ay nananatili pa rin at nagdudulot ng galit kahit ngayon. Nakasimangot siya, ang boses ay puno ng hinanakit at sakit. Kailangan din ni Natalie na magtanong. “Bakit mo ako kailangang tratuhin ng ganoon?” Isa itong tanong at reklamo na may halong pagkadismaya. “Dahil isa akong masamang tao,” amin ni Mateo, ang mga mata ay malalim na nakatingin sa kausap, habang ang dibdib niya ay tila pinipiga sa sakit. Walang nakakaalam kung gaano kahirap para sa ka

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 195

    Dahil sa takot na baka umalis muli si Natalie, dinala siya ni Mateo sa sariling hospital suite at tinawagan ang doktor ng internal medicine upang doon na ito suriin. “Wala namang seryosong problema,” sabi ng doktor matapos ang pagsusuri, habang sinusulat ang reseta para sa intravenous fluids. “Ang episode na ito ay dulot ng naputol na gamutan niya. Ilang araw na tuloy-tuloy na IV fluid intake ang kailangan niya para maging okay ang pakiramdam niya.” Bahagyang yumuko si Mateo na tila nag-iisip, bago muling nagtanong, “Kailangan ba niyang sumailalim sa regular na gamutan sa hinaharap? May posibilidad bang lumala ito?” “Sa ngayon, mahirap sabihin,” matapat na sagot ng doktor. “Pero kung maingat na babantayan at aalagaan si Natalie, hindi naman dapat magkaroon ng malaking komplikasyon sa kalusugan niya at ng sanggol.” “Salamat,” malamig na tugon ni Mateo at nagpapahiwatig na tapos na ang usapan. Pagkaalis ng doktor, naupo siya sa tabi ng kama ni Natalie. Tahimik niyang pinagmamas

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 194 

    “S-sir Ivan? Ano kasi…” nanginginig ang boses ni Marie habang nagsasalita. “Pakisabi kay Mr. Garcia na sobrang sama ng pakiramdam ni Natalie. Kailangan siyang dalhin sa ospital, pero hindi ko siya kayang buhatin!” [Papunta na kami,] agad na sagot ni Ivan, halatang nag-aalala din ito. [Salamat sa pag-abiso.] “Pakibilisan po!” Pagkatapos ibaba ang tawag, nagbukas si Marie ng isang kendi at maingat na nilagay ito sa bibig ni Natalie. “Heto, lagay mo lang ito sa bibig mo. Makakatulong ‘yan kahit papaano. Darating agad sina Mr. Garcia, Nat!” Hindi makakilos si Natalie, kaya tumango lang siya ng mahina. Nanatili si Marie sa tabi niya, habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo gamit ang isang tuwalya, bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito. ** Samantala… Kaagad na iniulat ni Ivan ang tawag kay Mateo na kasalukuyang tumatanggap ulit ng IV dahil sa naantalang gamutan bunsod ng kanyang punong iskedyul. Nasa ospital sila ulit. “Sir,” maingat na simula ni Ivan “ako na ang p

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 193 

    Naunang natapos ang pag-install ng air conditioner sa Room 502, at unti-unting lumipat ang ingay ng mga manggagawa sa mga katabing silid habang ipinagpapatuloy nila ang trabaho. Pagkatapos palayasin ang mga usisero, isinara ni Marie ang pinto at binuksan ang kurtina ng kama ni Natalie. Nakangiting masigla, tinanong niya ang kaibigan. “Gusto mo ng honey water? Nagpadala si Mr. Garcia ng imported, additive-free honey. Gagawa ako ng isa para sa’yo.” “Sige, salamat,” mahina ngunit maayos na sagot ni Natalie. Inihanda na ni Marie ang honey water at iniabot ito kay Natalie. Habang iniinom ito, napabuntong-hininga si Marie at napatingin sa kwarto at medyo nanginig pa ito. “Ang lamig na rito ngayon. Ang sarap!” Walang sinabi si Natalie at nanatiling nakatuon sa kanyang iniinom. “Nat,” simula ulit ni Marie, ang tono nito ay naging seryoso. “Talagang mabait si Mr. Garcia sayo. Ang swerte mo. Tingnan mo na lang lahat ng ginawa niya.” Matapos ang sandaling pag-aalinlangan nagpasya na s

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 192

    “Ha?” Halatang na gulat si Marie. Agad niyang ikinaway ang kanyang mga kamay bilang pagtanggi. “Hindi na kailangan talaga. Bukod sa kaklase ko siya, kaibigan ko si Nat. Responsibilidad ko na alagaan siya—” “Tama na,” malamig na putol ni Mateo, halatang nawawalan na ng pasensya. “Kung hindi mo ibibigay ang detalye mo, hahanapin ko na lang mismo. Huwag mong sayangin ang oras ko. Ikaw ang nag-aalaga sa kanya at ayaw kong magkaroon kami ng utang na loob sayo. Tama lang ito.” “Ah… s-sige po,” pag-ayon ni Marie na halatang nag-aalangan. “Ibibigay ko na lang po. Salamat, Mr. Garcia.” “Mag-ingat ka,” maikling sagot ni Mateo bago ito lumabas. Sa labas ng dormitoryo, sandaling tumigil siya at tumingin pabalik sa lumang gusali. Malalim siyang nag-isip bago lumingon kay Ivan. “May ipapagawa ako sayo. Gawin mo kaagad.” “Naiintindihan ko, sir.” Mabilis na sagot ni Ivan.  ** Sa dormitoryo. Makalipas ang ilang oras, abala si Marie sa pag-akyat-baba sa hagdan, habol ang hininga dahil sa

DMCA.com Protection Status