Umupo si Mateo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang bahagyang panginginig ng mga mahahabang pilikmata ni Natalie, na pilit pinipigilan ang pagngiti. “Nat, gising na.” “Mm...” Nagkunwari si Natalie na nagising, unti-unting binuksan ang mga mata, ngunit hindi ito tumingin sa kanya. Pinigil niya ang labi ng ilang saglit, ngunit hindi pa rin nagsalita. “Dahil gising ka na, bumangon ka na at maghanda. Naghihintay na si Grandpa para mag-agahan tayo.” “Opo.” Tumango si Natalie, tinitigan siya ng may pag-asa. Nang hindi siya gumalaw, nagmadali siya. “Kailangan ko pang magbihis, baka pwede ka nang umalis.” Ang dalawang pangungusap na iyon ay sapat na para mag-init ang kanyang mga pisngi. Natawa si Mateo. Nag-aalala pa rin ba siya na makita siya? Matapos ang lahat ng nangyari kagabi, may natira pa ba sa kanya na hindi niya nakita? Hindi lang nakita... Hmm, at nahalikan pa. At marami pang iba... Ngunit sumunod siya, tumayo. “Sige, aalis ako.” Habang isin
Namayani ang katahimikan sa kotse.Walang ekspresyon si Mateo habang pinagmamasdan niya si Natalie, madilim at matalim ang kan’yang mga tingin sa dalaga na para bang binabasa ng binata ang iniisip nito. Ang babaeng ito, ipinanganak upang pahirapan ang buhay niya!Noong ayaw niyang magpakasal sa dalaga, galit na galit ito. Ngayon namang magkasama na sila, galit pa rin ang babae!Ginawa na niya ang lahat ngunit hindi pa rin maintindihan ni Natalie kung ano ang sinabi nitong mali sa kan’ya.Hindi naman siya galit sa babae kaya bakit hindi pa rin ito masaya?"Nat," tawag niya sa dalaga.Pigil na pigil siya na makaramdam ng galit sa kan’yang dibdib para ba itong sasabog na. Ngunit biglang tumunog ang kan’yang telepono. Ang kan’yang Lolo pala ang tumatawag at pinapamadali sila. "Nasaan kayo? Hindi ba’t napagkasunduan natin na tayo ay maghahapunan?" "Lolo, malapit na kami." Pagkatapos niyang ibaba ang telepono, pumasok ang kotseng sinasakyan nila sa bayan ng Antipolo at bum
Kinagat ni Natalie ang kan’yang labi’t nagsalita ng may pag-aalinlangan. "Alam mo na ang tungkol sa aking nakaraan, ‘di ba?”Ang tinutukoy ng dalaga ay ang pagiging komplikado ng nakaraan niya. Malinaw na malinaw pa sa kanyang alaala kung gaano siya kinamumuhian ni Mateo noon.Dumilim ng bahagya ang mata niya. Kung sasabihin ng lalaki na wala naman itong pakialam sa nakaraan ng dalaga ay tiyak na magsisinungaling lamang siya ngunit ano ang magagawa niya? Mahal niya si Natalie."Lahat naman tayo ay may nakaraan, Mayroon ka at mayroon din ako. Pareho lang tayo."Hindi niya na kailangang alamin pa ang nakaraan ni Natalie at hindi rin niya hahatulan ang nakaraan niya. "Hindi, hindi tayo pareho.” Umiling si Natalie habang ang boses ng dalaga ay nanginginig.Nagsimulang mainis si Mateo, umigting ang panga ng lalaki at nagtanong ng mariin, "Anong naman ang kaibahan ng nakaraan nating dalawa?""Ako... ako..." Dahan-dahang inilapat ni Natalie ang mga kamay sa tiyan. "May anak ako..."
"Ano?" Laking gulat ni Natalie nang marinig ang sinabi nito. Agad na dumilim ang ekspresyon ng binata at kalmadong nagsalita. "Mag-asawa naman na tayo sa mata ng batas, ikakasal din tayo at tanggap iyon ng mga taong nakapaligid sa atin. Kaya, ano naman ang problema kapag matutulog tayo sa iisang kama?""Uh, oo. Wala ngang problema,” sagot ni Natalie ngunit hindi pa rin matanggap ang nangyayari. "Kung ganoon, matutulog tayo ng magkatabi sa iisang kama."Tumaas naman nang bahagya ang mga labi ni Mateo saka ngumiti, "Mauna ka ng matulog. Mayroon pa akong mga kailangang ayusin, nandiyan lang ako naman ako sa study room.""Okay sige." Nahihiyang tumango si Natalie. Nang makaalis ang binata sa silid, ilang minutong nakatingin lamang si Natalie sa malaking kama, nag-aalangang siyang humiga roon. Nakatulog naman na siya sa kama na nasa harapan niya ngunit matulog ng kasama ang binata ay ibang usapan na iyon. Bagamat may nangyayari na sa kanila, ang pagtulog sa kama ay tila masyado
“Alalahanin mo ito, Natalie. Simula ngayon, akin na ang batang ‘yan kaya dapat lagi kang nag-iingat.” Natigilan si Natalie, tsaka yumuko na parang batang nahuli sa nagawang pagkakamali. “Napakaseryoso mo naman,” sabi ni Mateo habang hawak pa rin ang kamay niya. Banayad niya itong minamasahe. “Nasabi ko lang naman iyon dahil nag-aalala ako. Nagagalit ka na kaagad diyan. Sorry na. Hindi ako dapat magsalita ng ganoon. Kailan ka bakante, Nat?” Nagisip pa si Natalie sandali bago ito sagutin. “Medyo maluwag ang schedule ko ngayong araw dahil patapos na ang internship ko…pero kailangan ko pa ring magpunta ng ospital.” “Okay.” Tumango si Mateo. “Mamaya, susunduin kita. Kapag nakarating na ako ng ospital, tatawagan kita ulit.” “Sige, ayos lang.” Pagkatapos nilang mag-agahan, inihatid n ani Mateo si Natalie sa ospital. Bumaba pa ang lalaki ng kotse para samahan siya hanggang sa bungad ng gusali ng surgery department. “Mateo, okay na ako. Pwede ka nang umalis.” Sabi ni Natalie haban
Kumunot ang noo ni Mateo at hindi agad nakasagot.Ang sinabi ng binata ay kalahating totoo at kalahati namang hindi. Gusto niyang makasama si Natalie ngunit ang ugat ng lahat ng ito ay hindi dahil sa dalaga, kundi dahil sa kanya mismo.Napalunok ng mariin si Mateo at nagsalita ng mariin, "Problema ko ito at wala kinalaman dito ang iba."Isa iyong responsableng sagot ngunit para kay Irene, hindi ito nakapagpagaan ng loob.Tinitigan ng dalaga si Mateo. “Sige, sabihin na nating problema mo nga. Pero paano na ang mga pangako mo sa akin? Paano mo basta-basta na lamang i-cancel iyon? Hindi ba’t kailangan ko pa rin ng paliwanag?”Nanatiling tahimik si Mateo, ni hindi alam kung ano ang sasabihin sa babae. "Wala kang makukuhang paliwanag. Pasensya na."Ang pagtataksil ay isang pagtataksil pa rin. Walang paliwanag na makakapagbago roon.Para bang huminto ang mundo ni Irene, hindi siya makahinga’t ang mga mata ng dalaga ay nanunubig habang nakatingin sa binata. “Ibig sabihin, tapos na an
Nagmamadali namang nilapitan ni Natalie ang kanyang matalik na kaibigan. "Nat, anong nangyari?" tanong nito. "Wala..." Kinakabahan na sagot ni Natalie, "Wala ka bang ginagawa ngayon?" dagdag pa niyang tanong sa dalaga. "Oh!" Para bang biglang may sumagi sa isip ni Nilly kung kaya’t tiningnan nito ang telepono, "Kailangan ko na pa lang pumasok sa trabaho! Aalis na ako! Mauna na ako, Nat! Paalam!" Iwinagayway naman ni Nilly ang kamay sa dalawa at nananakbong lumayo at pumasok sa loob ng ospital. Agad na tumalikod si Mateo at mabilis na naglakad patungo sa kabilang bahagi ng kalsada.Kumunot naman ang noo ni Natalie at mabilis na sinundan ang binata. Pagpasok nila sa kotse, nanatiling tahimik lamang si Mateo, ang kamay nito ay nakapatong sa manibela ngunit hindi pa rin pinapaandar ang kotse.Alam ng dalaga na galit ito ngunit wala siyang ideya kung paano nga ba ipapaliwanag sa lalaki ang lahat nang hindi ito nagagalit. Ni hindi niya alam kung paano suyuin ang lalaking nas
Naubusan na ng pasensya si Mateo, mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Natalie at pilit tinitingnan ang mukha ng babae. "Mag-usap nga tayo."Halatang namumula ang pisngi ni Natalie habang ang kilay nito ay magkasalubong. "Pwede pag-usapan na lamang natin ito sa labas? Hindi ka ba nahihiya?"Mabilis na siniko ni Natalie si Mateo at tumakbo palabas ng silid ng doktor. Agad namang sinundan nito si Natalie nang mapansing nahihiya ito. Mabilis ang mga hakbang ng babae gano’n din siya at nang matangay ni Mateo ito at ay agad na nagpupumiglas ang babae sa kan’ya. "Huwag ka ngang magpupumiglas!"Tumawa ng mahina si Mateo at nagsalita, “Isa ka namang doktor at normal lang naman sa’yo ang tanong ko ‘di ba? Ano'ng nakakahiya roon?""Alam ko, pero bakit tinatanong mo pa 'yon?" Agad na sinamaan ng tingin ni Natalie si Mateo. "Sige na, hindi na ako magsasalita pa,” sukong saad nito, ngumiti ito at hinalikan siya sa tuktok ng ulo. "Ang dali mo namang mahiya,” dagdag pa n
Ang mapanuyang mga salitang binitawan ni Natalie ay umalingawngaw sa loob ng tahimik na silid. Ang madilim at tahimik na pasilyo ay sumasalamin sa bagyong namumuo sa mga mata ni Mateo. Siya na rin ang unang bumitaw sa titigan nila, gayunpaman, sinubukan pa rin niyang maghanap ng kahit na anong palatandaan na maaaring magpalambot ng pagkakait ni Natalie ng emosyon.“Nat,” bungad niya ng puno ng depresyon. “Kailangan ba talaga na sa isang lalaking may asawa ka makipagrelasyon?”Bumigat lalo ang tensyon sa pagitan nila. Isang malamlam at mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi ni Natalie, inasahan niyang may isasagot sa kanya ang babae pero nanatili itong tahimik at lalo lang itong nagpaliyab sa apoy ng galit ni Mateo.“Hindi mo ba ako narinig?” Sumabog na ng tuluyan ang inip at galit nito, sabay hakbang palapit. Ramdam ni Natalie ang init ng hininga nito sa sobrang lapit. “Ano na ba ang naibigay niya sayo? Sagutin mo ako! Ano man ‘yon, kaya kong ibigay ng doble o kahit isang daang beses pa
Ang larawang natagpuan niya sa pitaka ng ama ay parang kidlat na tumama kay Natalie. Ang babaeng nasa larawan ay puno ng sigla at saya at ang kanyang maliwanag na ngiti ay pamilyar ngunit bahagi na lang ng isang magandang alaala nila pareho.Si Emma Natividad, ang kanyang pinakamamahal na ina ang babaeng nasa larawan. Minsan na niyang nakita ang larawan na hawak niya ngayon sa pitaka ng ama pero matagal na iyon. Maraming taon na ang nakalipas. Ngunit bagong kopya ito ngayon. Parehong larawan, pero ang nakita niya noon ay luma na. Ang larawang nasa kamay niya gayon ay isang replica. Sa teknolohiya ngayon, madali na lang ang restoration process ng isang lumang larawan. Ang hindi lang malinaw sa kanya ay kung bakit naroon pa iyon at bakit pinabayaan ni Janet na maiwan ang larawan ni Emma sa pitaka ng asawa gayong para itong sinisilaban sa tuwing nababanggit ang pangalan ng yumaong ina.Ang una rin nitong ginawa noong unang dating ito sa bahay nila ay tanggalin ang lahat ng bagay na may k
Habang hawak ni Justin ang remote control ng laruan, tinapunan niya ng mabilis na tingin si Rigor na may halong pag-aalinlangan. May bahagyang panginginig ang kanyang maliliit na daliri. Halatang kinakabahan ang bata at panay ang tingin sa ate at sa lalaking nagbigay sa kanya ng eroplano.“Ate?”“Ano ‘yon?”“Pwede ba natin siyang yayain na maglaro kasama natin?” Mahinang bulong ng bata sa kapatid.Lumuhod si Natalie sa tabi ni Justin at inayos ang medyo magulo nitong buhok. Ang banayad na ngiti ay nagbigay kaagad ng lakas ng loob sa kapatid. “Justin, lumalaki ka na. Pwede ka ng magdesisyon para sa sarili mo.”“Oh,” dahan-dahang tumango ang bata, pagkatapos ay tumingin kay Rigor ng seryoso. “Uncle, laro tayo!”Natigilan si Rigor, nanlaki ang mga mata na sinundan ng panginginig ng labi. May gusto siyang sabihin pero nagpipigil. Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapagsalita na siya ulit, sa pagkakataong ito, puno na ng emosyon ang tinig. “S-sige…pero, Justin…hindi uncle ang dapat na itaw
“Pare, ano ba talaga ang nararamdaman mo?” Hindi pa rin nagpaawat si Leo.Nanatiling tahimik si Mateo habang ang tanong na iyon ng kaibigan ay parang patalim na tumatagos sa pilit niyang pagtanggi sa katotohanan. Hiniwa rin nito ang manipis na pader ng kang tunay na emosyon at iniwang hubad ang kanyang nararamdaman. May maliit na bahagi ng pag-unawa sa kanyang kaisipan, ngunit hindi ito mabuo-buo.“Pakinggan mo ako,” dagdag ni Leo. “Lagi mong sinasabi na wala kang ibang gusto kundi ang kabutihan ni Natalie. Na gusto mo siyang makausad, pero sa tuwing nakikita mo siyang nagiging malapit sa ibang lalaki---nagkakaganyan ka. Isang tingin lang mula kay Natalie, nawawala na ang kontrol mo.” Paliwanag nito. “Kaya kung ako sayo, tanungin mo muna ang sarili mo kasi mas alam mo ‘yan---ano ba talaga ‘yang nararamdaman mo?”Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Mateo at pilit niyang nilunok iyon. Nagsimulang manginig ang kamay niya at wala siyang maisagot kay Leo.Para kay Leo naman, sapat
Pilit na pinakalma ni Mateo ang bagyong nag-aalab sa kanyang kalooban sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Ang kanyang emosyon ay binubuo ng magulong mga alon ng selos, pagkabigo at isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Sa pamamagitan ng mahahaba niyang hakbang, nakalapit siya muli kay Natalie at ang boses niya at matalas at puno ng awtoridad.“Tumigil ka na sa kakaiyak!” Bagamat may bahid ng desperasyon, may bahid din iyon ng galit. “Para isang cake lang---ibibili kita ng bago. Kahit ilan pa ang gusto mo. Para ‘yan lang!”Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang tumayo si Natalie. Hindi man lang siya nito tiningnan, tumalikod na ito at naglakad palayo.Nagpalitan ng hindi komportableng tingin sina Alex at Tomas. Wala silang balak makialam at mas gugustuhin pa nilang maglaho na lang para hindi na nila nakita ang nangyari.Nagtiim ang panga ni Mateo, nasapol ang kanyang pride dahil sa pagwawalang-bahala sa kanya ni Natalie. Hinabol niya ito at hinawakan sa braso, pilit niyang pin
Umalab ang galit ni Mateo, ang hawak niya sa kahon ng cake ay lalong humigpit, halos masira na ito. Ang matalim niyang tingin ay sinalubong ang matapang na tingin ni Natalie. Ang bawat hibla ng kanyang kalamnan ay puno ng tensyon.“Paano kung sirain ko ‘to? Kung itapon ko’ to?”Hindi natinag si Natalie kahit pa katakot-takot na ang ekspresyon sa mukha ng kausap. “Inuulit ko, akin na ang cake na ‘yan. Ibigay mo sa akin. Hindi ako nagbibiro.”Ang pinapakita nitong tapang ay lalo lang nagpaningas ng galit ni Mateo. “Bakit? Bakit napakahalaga ng cake na ito para sayo, Natalie?”Ang katanungang iyon ay dumagdag lamang sa napakaraming tanong niya. Hindi niya maiwasang isipin na niloko siya---hindi lang ni Natalie kundi ng buong sitwasyon. Isang mapait na tawa ang tumakas mula sa mga labi ni Mateo habang lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kahon.“Mukha bang nagbibiro rin ako? Malalaman natin ngayon kung gaano kahalaga sayo ang cake na ‘to.”Pagkatapos ideklara iyon, sa pamamagitan ng i
“Copy, sir,” mahinahong tugon ni Alex sa utos ng boss niya habang inaanyayahan si Natalie na sumunod sa kanya papunta sa naghihintay na sasakyan.Umugong ang makina at dahan-dahang umalis ang sasakyan. Hindi maitatangging tahimik ngunit nanatiling mabigat pa rin ang hangin. Kinuha ni Alex ang karton ng cake kay Natalie at nagpaalam kung pwede na sa trunk compartment na lang iyon ilagay. Pumayag naman siya para makapagpahinga naman siya. Napapikit si Natalie dahil sa dami ng nangyari ngayong gabi.Habang papalayo ang sasakyan ni Natalie, nakahinga na ng maluwag si Irene. Nanumbalik din ang ngiti nito sa labi. Dahil wala na ang itinuturing niyang pinakamalaking banta sa pwesto niya sa buhay ni Mateo---nabawasan ang kaba sa dibdib niya.Samantala, nananatiling walang emosyon si Mateo habang pinapanood ang kotseng sinasakyan ni Natalie. Malinaw niyang inuulit sa isipan ang mga nangyari kanina sa loob ng restaurant. Pagkatapos ay siniguro niyang maayos na nakasakay sa isa pang sasakyan ang
Nakatuon ang atensyon ni Natalie sa natitirang piraso ng cake sa kanyang plato. Bagamat pabago-bago ang gana niya sa pagkain nitong mga nakaraang araw, ang saktong tamis at creamy texture nito ay nagdulot sa kanya ng kakaibang ginhawa sa gitna ng tensyon sa silid na iyon.Napansin ni Rigor ng simutin niya ang laman ng platito gamit ang kutsara. Napapikit pa si Natalie sa sobrang ligaya. “Mukhang nagustuhan mo nga ang cake.”“Mm, masarap. Sakto ang tamis.” Sagot ni Natalie habang maingat na inilalapag ang kutsara.“Nat, marami pa,” udyok nito sa kanya. “Gusto mo bang ipaghiwa kita ulit?”Hindi sumagot si Natalie pero nang tingnan niya ang cake, parang inaanyayahan siya nitong kumain pa. Napalunok siya ng laway. Nakangiting pinagmasdan ni Rigor ang anak kaya hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Sapat na ang mapungay na mga mata ni Natalie na nakatutok sa cake. Naghiwa siya ng panibago at inilagay sa platito ng anak. Ang kaniyang maamo at maalagang kilos bilang ama ay hindi akma sa
“Naku, hindi mangyayari ‘yan, Dad.” Malambing na pagtutol ni Irene sa sinabi ng ama. “Paano naman mangyayari ‘yon? Hindi ko mapapantayan ang regalo ni mommy sayo dahil gawa iyon ng may pagmamahal---isang bagay na hindi kailanman nabibili ng pera. Hindi ba, Dad?”Humagalpak ng tawa si Rigor, tumango ito habang tinitingnan ang sweater na bigay ng asawa. “Tama ka, wala itong katumbas.”“Suotin mo, Dad, para makita natin kung bagay sayo.” Mungkahi ni Irene.“Sige,” maingat na sinunod ni Rigor ang mungkahi ng anak at tinanggal ito sa kahon. Sinuot niya ang relo at inikot-ikot sa kanyang kanang kamay para pagmasdan ang ganda at pagkapulido ng gawa nito. “Napakaganda. Ito ang unang Rolex ko. Maraming salamat, anak.”“You’re welcome, Dad,” sagot ni Irene. May pagmamalaki ito sa boses at sinadyang lakasan ang boses. “Ang mahalaga, nagustuhan mo ang regalo ko.”Ang lahat ng mga mata ay lumipat kay Mateo na tahimik lang sa kanyang pwesto kanina pa. Wala pa ring mababasang ekspresyon sa mukha nit