Share

Four

MJ Krisela

The waiting is over! This is my turn!

Iyon ang mga salitang hihigit na nagbigay sa akin ng lakas ng loob at tapang para harapin ang napakalaking oppurtunidad na ito.

To show the beauty I've got!

To win the crown of this coming Mutya ng St.Luke University!

To stunned the world in exact! Hehe. Kidding!

I smiled as I turn around in front of a standing tall, semi-circle mirror. I also begin dreaming myself bearing the crown into my head, smiled at everyone while waving my hands proud and confidentially beautiful with a heart!

Nucks! Pia Worstbatch este Wurtzbach pala, ikaw ba yan?

Muli akong napangiti nang muli kong sinipat ang sarili ko at pinagmasdan sa harap ng mahabang salamin. Muli kong ipinagpatuloy ang aking naudlot na daydreaming.

"Contestant number three!" Malakas na wika ng M.C ng nasabing pageant. Sinulyapan ko ang number na nakasabit sa aking beywang knowing kung numero ko ang susunod. Mahirap na at baka sumablay pa ako dahil doon. Naroon pa ako sa backstage at nalingunan ko si Naomi taglay ang numerong number four.

Nagtama ang mga paningin namin at pakiramdam ko ay nagsa-Charles ako sa pelikulang X-Men ng Marvels film. Wala siyang nababasa sa isipan nito ng kahit na ano, maliban sa kabulukan ng pag-iisip nito.

Nakita ko kung paano ito plastik na ngumiti at may halong pangungutya.

Hindi ko na ibinalik ang ngiti ko rito.

'Bahala siyang maging toxic, duhh!' wika ng isip ko dahil parang nagkaroon ng koneksiyon sa pagitan ng mga isip namin. Waring nag-uusap ang aming mga isip!

Wala naman sa ugali ko ang magtaray. Kaswal lang ang kilos ko maging ang facial expression ko ay natural na natural.Sanay na ako sa pakikisama at pakikipag usap na mayroon ang impaktitang iyon. To the point na parang normal na ang lahat sa akin.

Sa hindi naman ako naaapektuhan dahil ayukong mag paapekto!

Binalewala ko na lamang iyon at hinintay na matawag ang numero nito. Alam ko na kung sino na ang susunod.

Nang muling magsalita ang M.C at tawagin ang numero nito, nakaismid pang dumaan ito sa gawi ko at pinandilatan ako ng mga mata.

"Ihanda mo na ang sarili mong matalo!" Mayabang na wika nito sa akin na nakapameywang na tinabig ako. "I'll assured you, ako ang mananalo at akin ang korona. Stop dreaming!" Dagdag pa nito at tuloy-tuloy na humakbang para magpose sa mga manonood.

Gusto kong manggigil sa babaeng ito pero pinigil ko na lamang ang aking sarili sa pamamagitan ng pagkagat ng aking pang-ibabang labi.

'Napakatoxic talaga ng babaeng iyon!' inis na sabi ko ko ngunit sarili ko na lang ang nakarinig. Wala pa man ay masyado nang kumpiyansiya ito sa sarili.

Muli, pinalis ko na lamang ang pagkainis na iyon sa aking isipan. Makakasira lamang iyon sa aking poise at diskarte.

'We will see it, Naomi.' pagpapakalma ko sa sarili ko.

Dumating na rin ang pinakahihintay ko. Ang numero ko na ang itinawag. Lima lang kaming contestant ang nakikipagsapalaran. Kung ano ang dahilan, iyon lang ang di ko na alam.

Ako, si Naomi, si Cheska na Computer Engineering , si Valen sa BS in Education at si Mary Claire na BS in accountancy.

Kilala si Naomi Baltazar dahil sa madalas nitong pagmo-modeling. Hindi ko naman iyon itinatanggi. Kahit black beauty, madalas itong kinukuha bilang commercial artist ng mga sikat na beauty products. Idagdag pa na kilala din ang Mommy nito bilang isang beauty artist at may sariling Beauty and Wellness Shop na pinakamahalaan mismo ng Mommy nito.

Sikat at kilala ang business nito lalo pa't isa ding commercial model ang Mommy nito noong kapanahunan nito.

Iyon lang ang nasagap kong chismis , este pam-iimbestiga. Hindi ako naging interesado sa kahit na sinong tao pero mas mabuti kong may pabackground check ako sa aking makakalaban.

Isang malaking advantage iyon sa akin lalo na at lagi ako nitong pinupulaan.

Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang dugo nito sa akin. O baka naman kasi ay sakit na talaga nito iyon kapag may nakikilala itong mas magaling rito o sa tuwing ito ay nasasapawan.

Matapos na ang production number, sports wear, casual wear at isinunod na ang talent portion.

Liban sa pagsasayaw, wala na akong maipagmamalaki pang talent. Siguro, iyong manguha ng impormasyon ng kalaban o mag-spy. Haha.

Drama ang napiling talent ni Naomi. The thing I hate most!

Ewan ko, but I got really dismayed those kind of talent. Lalo na iyong iyakan? Shit! Mapapamura talaga ako ng malutong gaya sa Crispy fried chicken.

Parang nakokornihan ako, nababagot 'pag ganoon na ang ganap. Something I can't explain!

Ah Basta! I really really hate dramas, especially those dramatic people.

Natapos din ang nakakabagot na talent ni Naomi at sinundan ng mga natitirang kandidata.

isinunod na ang talent portion. Nakatayo na kaming lahat noon at may kaniya-kaniyang styling poise.

Sinulyapan ko si Naomi na nasa third right after me na bunga ng aming choreo. Napansin kong parang namamawis ito, parang di mapakali.

Kumibit-balikat na lamang ako na lihim na napangiti.

'Ayy, yung mayabang, tinatablan din pala ng kaba?'

Alam ko na kung bakit kinakabahan ito ngayon.

Alam ko kung ano ang kahinaaan nito, ang English.

Hindi naman sa paninira pero sa totoo lang ay mapurol ang ulo ni Naomi sa English.

Mapa-grammar usage, pronunciation, spelling, definition at vocabulary ay bagsak na bagsak ito. Advantage para sa kaniya.

'The moment na hindi na nais pang maganap ni Naomi.

Bago pa man mangyari ang inaasahan ko, bigla na lamang akong ginising sa aking daydreaming ng isang malakas na ring ng cellphone ko.

_______________

Jarred Lloyd

...At dumating na nga ang pinakahihintay ko...at ni Lance Jericho.

Kapwa hinintay naming dalawa ng buong pananabik ang mga sandaling ito...

Ang sandaling hihirangin ang isa sa amin ni Lance ang magiging captain ball ng team na ilalaban sa Del Salle University ng La Union.

and here we are!

Me against Lance in the court. Who will win?

Pormal ang anyong nasa isang tabi lang ako at nagwa-warm up sandali. Nakailang jumping jacks lang ako at napahinto saglit upang mag normal breathing.

Hindi naman ako hiningal pero ewan ko at bakit ganito ang pakiramdam ko.Para bang may masamang mangyayari onwards or afterwards.

'Wew! Ano ako, manghuhula?' protesta ng sarili kong isip. 'Pero pwede namang sabihing malakas ang pang-amoy ko pagdating sa panganib'.

Natatawa ako sa nagaganap na tunggalian at sagutan ng aking sariling isip.

Nasulyapan ko si Lance na ganoon din ang ginagawa. Wala si Coach Eric sa paligid ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta.

Ang paalam nito kanina ay may aasikasuhin lang na importanteng bagay para daw sa preparasyon.

Abala si Lance sa pag-practice at wala itong pakialam sa mga nakapaligid dito.

Napalingon ako nang magsalita si Coach Eric mula sa aking likuran.

"Kumusta? Ready ka na ba?"

Naramdaman ko na naman ang kamay niya sa mga balikat ko.

"Oo Coach." Tugon ko na kaswal na ngumiti rito. "Medyo kinakabahan lang."

"Ano ka ba? Selection pa lamang ito,hindi actual na laro." Natatawang wika ni Coach.

"Kahit na Coach, hindi ko pa rin maiwasan." Katwiran ko. "Pero kung talagang di ako papalarin, okay lang naman sa akin. At least I did my best."

"Hey, ano ka ba." Pagco-comport nito sa akin. Tinapik-tapik pa nga nito ang balikat ko. "Don't say that, believe in yourself. You can do this, I am counting on you."

Pilit akong ngumiti kay Coach. Alam ko, ramdam ko na kahit hindi man sabihin nito ay alam kong mas pabor ito sa akin kesa kay Lance.

"Salamat Coach."

Ngiti na lang ang naging tugon nito.

"O pa'no,maiiwan na kita. Ihahanda ko na kayo sa isang game. I-ready mo na ang sarili mo."

Isang tango ang itinugon ko at nasundan ko na lang ng tingin si Coach habang papaalis.

Habang papalayo ito ay marami at samu't saring kaisipan ang pumapasok sa utak ko. Iniisip ko na mag give up sa selection mamaya at hayaan na lang si Lance na mapili.

For what reason somehow ay hindi naman kawalan sa kaniya kung hindi siya mapili na captain ball.

Marami namang ibang oppurtunidad ang naghihintay sa akin like singing in our band. Hindi naman sa pagmamayabang pero taglay ko din naman ang boses ni Dad na mala-Eric Santos.

Kaya I do not care kung matalo man ako.

By the way, nakalimutan ko nga pala sabihing mahina talaga ang utak ko sa English.

Kita niyo naman, never pa ako nagsalita sa English. Mas gusto kong Tagalog lang ang lingguwahe ko.

Hindi ko alam kung bakit. Minsan ay naiisip ko na ampon ako. Ang Mommy ko kasi ay magaling sa English. Palagi nga nitong kino-correct ang mga grammar ko kapag narinig ako nitong magsalita.

Bukod sa pagatul-gatol ang pagsasalita ko ay hindi ako marunong mag-construct ng words.

Para pa akong nagulat nang biglang magsalita si Coach Eric na di ko namalayang nasa harap ko na.

"O para ka namang nakakita ng multo?" natatawang wika nito nang makita ang reaksiyon niya. "Shall we proceed na? Hinihintay ka na ni Lance. Ready na siya, ikaw na lang ang hindi. "

"H-ha e, sorry Coach." tugon ko na napakamot ng ulo. "Marami lang gumugulo sa isip ko ngayon."

"Naku! babae ba iyan?"

"Hindi Coach. Personal na problema lang."

"O sige, sinabi mo e." napapailing na sagot nito. Tena, at baka mainip ang iba."

Tumayo na ako para di na ako kulitin ni Coach. Alam ko ang ugali nito, hangga't may bagay itong nais malaman mula sa akin, hinding-hindi nito ako titigilan.

______________

Lance Jericho

Pagod ang katawang nahiga ako sa malambot na kama ko nang gabing iyon. Matapos ang dalawang game ng matching at selection sa pagitan namin ni Jarred, sa wakas ay nakapagpahinga na din.

Isinalya ko ang tila mabigat kong leeg sa malambot na unan na nababalutan ng bughaw at nature designed na unan.

Parang mag kaka stepneck yata ako, hinala ng sarili kong isip.

Hinilot ko saglit ang nananakit kong sentido pati na rin ang dalawa kong paa na parang namanhid.

Normal na talaga itong nangyayari after a game. Nasanay na ako kaya halos saulo ko na ang gagawin ko. Hindi ko na rin inabala pa si Yaya Marie dahil kaya ko rin naman. Idagdag pa na tiyak na nagpapahinga na ito sa mga oras na iyon.

Kinuha ko ang isang ointment na kabibili ko lang nitong nakaraang araw. Ito na ang palagi kong ginagamit nitong past few weeks dahil sa napapadalas na ang practice ko as a preparation.

Mabisa daw itong pain reliever ayon sa kaibigan ko. Salamat sa buhay ni Kent Villabarcia.

Isa ito sa mga circle of friends ko. Lima kami na I will discuss later ang mga pangalan nila. Lahat kami ay parehong nasa upmost na uri ng mga kabataan as of these days.

May vlogger, isang band member, may artist at isang commercial model. Panglima sa kaniya na buhay bola ang inaatupag.

It was just a minute ago nang hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng panaginip ngayon.

~~~

Eric John's Past

I was die! I know, I had been murdered an hour ago!

But where I am now? Nasa heaven na ba ako? O nasa empiyerno na?

Nagpalinga-linga ako sa paligid ko. May hinahanap ang mga mata ko. Hindi ko mapangalanan. Pakiramdam ko ay isang bahagi ng kaalaman ko ay nawala.

Puwera sa puso ko na alam ang nararamdaman. Na kahit walang ala-ala ay patuloy na tumitibok para sa isang tao. Na nananatiling kilala kung sino ang nais makita at hinahanap.

My heart felt a trembling yet fiery soul of anger for what I have been seen! In second reason, a compassion for what happened to her!

Parang madudurog ang puso ko lalo na nang makita ko siya. Punit ang damit, duguan at parang lantang gulay.

Alam ko ,ramdam ng puso ko na galit siya, sumisigaw ang kaluluwa niya! Hustisya at katarungan sa walang awang paglapastangan sa pagkatao niya.

Tahimik kong pinanood ang pagdurusa niya. Wala akong magawa upang tulungan siya.

Ni hindi ako makagalaw, ni hindi makapagsalita.

Sinubukan kong atakihin ang isa sa kanila upang pigilan ito sa masamang tangka sa babaeng walang iba kundi ang aking nobya.

Pero sa huli, lumusot lang ako at nagmistulang hangin.

Noon ko natiyak na isa na akong kaluluwa. Isang ligaw na kaluluwa na naghahanap ng katarungan.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Ayaw kong makita ang mga susunod na mangyayari na alam kong ikakagalit ko.

Lumipas ang mga sandali nang hindi ko namamalayan. Nang muli kong imulat at igala ang mga mata ko ay nakita ko si Edcel.

Masaya at nakangiti habang nakatingin sa akin.

Wala na akong mababakas na takot sa mukha niya katulad nang kanina ay nakita ko siya.

I saw how terrible she is, pale, helpless and hopeless earlier. but how she smiled at me right now, was really different and yet full of peace.

Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay dahan-dahang lumapit sa akin.

"E-edcel!" Banggit ko sa pangalan niya na halos lumabas sa bibig ko. Niyakap ko siya ng buong higpit.

"Ngayon ay malaya na tayong magmahalan sa walang hanggan. Wala nang hahadlang pa sa ating pagmamahalan." Masiglang pahayag niya matapos makipagkalas sa akin. Ewan ko, pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya kesa sa sinasabi niya.

Ako man ay parang hinaplos ng malamig na hangin. Parang kinurot ng kung ano ang puso ko dahil sa mga naganap ilang sandali pa lang ang nakakalipas.

Pinatay ako sa pinakamalupit na paraan matapos pahirapan. Balewala iyon lahat sa akin, pero itong nangyari sa aking nobya ay halos humati sa puso at kaluluwa ko.

Halos madurog ang kaluluwa ko na nasaksihan ang malagim at kahabag-habag na kamatayan ni Edcel mula kay Kenneth Whin.

Matapos nitong pagsawaan ang katawang ng nobya, walang awa nitong sinaksak sa dibdib ang babae.

Nag-aapoy na galit at pagkamuhi ang sa akin ay lumukob.

Batid niya ang iniiisip ko. Maging ito ay hindi rin naging madaling tanggapin ang kapalaran at kinasapitan sa kamay ng sakim at mamatay-taong si Kenneth Whin Ballesteros.

"I'm sorry..." Wika ko sa kaniya na halos di ko mabanggit dahil kulang ako ng lakas ng loob. Idagdag pa na nadudurog ang puso ko hanggang ngayon.

Tiningnan ko ang mga mata niya. Sinubukan kong basahin kung ano ang nasa isip niya.

Una siyang umiwas ng tingin sa akin at napayuko.

"I-i did nothing to protect you from him.I-i am very sorry..." Muli kong wika na 'di naiwasang mapaiyak.

Muling umangat ang ulo niya at masaya akong nginitian kahit may luha ang mga mata.

"It's okay", matatag nitong tugon. "It is done, we can do nothing to change our fate."

Maging siya ay wala na ding choice kundi tanggapin ang katotohanan.

____________

Jarred Lloyd

11:55 PM.

Batid ko ang iniisip ni Coach. Alam kong ako ang gusto nitong maging captain ball ng team St. Luke Dragon Knights. Subalit pormal na idinaan sa matching at selection para mas accountable at kapani-paniwala ang game.

Kita ko ang lungkot sa mukha nito kanina dahil sinadya kong maglaro ng poor performance dahil ayuko nang magcompete pa kay Lance.

Madali naman akong kausap. Kaya binibigay ko na kay Lance ang sitwasyon at pagkakataon.Masaya ako na makawala sa team at hayaang maghari si Lance. Aabangan ko din at panoorin kung paano siya matalo at mapahiya.

Sa mga skills at attidude nito sa paglalaro, klaradong matalo ang St.Luke sa darating na Inter-campus Ball League Competition.

Well then, I will got my revenge!

Nuks.. Nakaenglish na din. Teka, ano bang ibig sabihin noon? Kinuha ko lang iyon sa isang latest film na pinapanood ko kamakailan.

Napakamot na lang ako ng ulo habang nakahiga at malalim na nag-iisip.

Kanina pa ako nakauwi at nasa kwarto. Kanina pa din ako palipat-lipat ng puwesto sa higaan pero di pa rin ako dalawin ng antok.

'Utang na loob, espiritu ng antok ngayon ay sumanib! Gusto ko nang makatulog.'

Iyon ang hiyaw ng isip ko pero kanina pa ako naiinip kahihintay ng antok ay di pa rin ako nito nagawang dalawin.

Hanggang sa naisipan kong mag open ng mobile legend ko. Namiss ko na rin magmobile games at gamitin ang paborito kong si Gusion at si Eudura.

____________

Lance Jericho

Tigmak sa luha na napamulat ako ng mga mata matapos ang tila teleseryeng panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit, pero tila may malaking koneksiyon ako sa mga tauhang iyon.

Ilang linggo na itong mga wierdong panaginip ko. At hindi ko alam kung saan napulot ng isip ko ang mga pangyayaring iyon.

Hindi ko kilala ang mga nakita kong persona na iyon. Wala akong matandaang may nakilala ako na ganoon ang mga pangalan.

Ang alam ko lang, nasasaktan ako sa Hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko kasi ay ang laki-laki ng koneksiyon ko sa dalawa sa panaginip.

Saglit ko munang inalis sa isip ko ang mga bagay tungkol doon. Nag-inat muna ako at minasahe ang leeg.

Sinulyapan ko din ang suot na wristwatch. Noon ko nalaman na alas-dose pa lang ng gabi. Hindi na din ako nakapalit ng damit at nakajersey pa din ako ng mga oras na iyon. Siguro ay sa sobrang pagod ay di ko na nagawa pang makapagpalit. Idagdag pa na gabi na natapos ang selection. Kung hindi ako magkamali ay alas dyes na iyon.

Maging nga ang mga tao sa bahay ay nagpapahinga na ng mga oras na iyon liban kay Mang Jose na night guard ng mansiyon namin.

Wala ngayon dito ang Mom at Dad ko hanggang sa weeekend. It was Wednesday and my parents took a short vacation. Gusto sana akong isama ng mga ito pero tumanggi ako.

Sinabi ko na tinatamad ako at walang gana. Isa pa, try outs namin ngayon. Hindi na nila ako napilit dahil alam nila kung gaano kahalaga sa akin ang basketball.

Bukas pa din malalaman ang results ng selection. Gusto ko sana ay ngayon na kaagad malaman pero tumanggi si Coach Eric dahil anito, pagod na sila pareho ni Jarred at ng iba pang mga players.

Nakaismid akong umalis kagabi. Hindi naman sa nanghuhusga ako pero alam ko, ramdam ko na mas pinapaboran nito si Jarred kesa sa akin.

Hindi din lingid sa kaalaman ko na bi si Coach. Kitang-kita ko palagi kung paano nito tingnan si Jarred at kung paano nito itrato ang huli.

Hindi ko alam kung ano ang meron kay Jarred. Liban sa gwapo ako, matangkad, mestiso at hmmm.. syempre famous, ano at si Jarred pa rin ang nakikita nito?

I don't have this feeling jealous, I just wondered.

Kung sa size ay jumbo naman itong sa akin ah?

Lihim akong napangiti dahil sa mga iniisip ko. Bakit iyon ba ang pumasok sa isip ko? E ang usapan kanina ay tungkol lang sa results ng selection?

'O pwede naman mas mahilig si coach sa mga juts?'

Napabuga na lamang ako ng hangin matapos mapailing ng sunod-sunod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status