Share

APKF-38

Jheanne's Pov

Nanatili akong nakatitig sa pintong nilabasan niya. Kanina pa siya nakaalis pero heto ako't nakatayo pa rin sa kinatatayuan ko at patuloy na tumutugtog sa isipan ang sinabi niya.

Hahanapin niya raw ako.

Mapait akong napangiti. Gagawin niya ba talaga iyon para sa akin?

Pero papaano kung mauubos ako? Paano kung sa paghihintay ko sa kaniya na maalala ako ay ako naman itong makalimot sa kaniya?

Bumuntonghininga ako. Ang bigat sa dibdib nitong mga natuklasan ko. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na magmamahal ako ng isang pulubi, pagkatapos ay malalaman kung may amnesia pala ito, at iiwan na lang ako bigla dahil burado na ako sa isipan niya nang bumalik ang tunay niyang alaala. Akala ko sa pelikula lang iyon nangyayari, pero hindi pala.

Muling naglaglagan ang mga luha ko. Ang sakit na, pero talagang mahal ko si Carlos. Ganoon naman talaga siguro kapag nagmahal ka, kailangan mong magsakripisyo para sa taong mahal mo, kailangan mong umintindi sa abot ng makakaya mo, at ma
Chapitre verrouillé
Continuer à lire ce livre sur l'application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status