Habang kaharap ang galit na galit na si Carmen, sumagot si Charlie na para bang wala siyang paki, “Malapit na ang New Year at sa halip na manatili ka sa Eastcliff para maghanda sa okasyong ito, pumunta ka pa sa Aurous Hill para lang guluhin ang buhay ko. Sinubukan mo pang tuksuhin ang biyenan ko para paghiwalayin kami ng asawa ko. Dahil ginawa mo ang lahat ng ito, bakit naman hindi kita pwedeng lokohin?”Nanigas ang ekspresyon sa mukha ni Carmen. Pagkatapos, nagngitngit ang kanyang ngipin saka siya nagsalita, “Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kapakanan mo! Tignan mo naman ang asawa mo! Masyadong mahirap ang pamilya niya at mababa ang kanyang pinagmulan. Paano naman siya magiging karapat-dapat sa isang gaya mo?!”Malamig na tumugon si Charlie, “Hindi mo na ako kailangang pagsabihan kung karapat-dapat ba ang asawa ko sa akin o hindi. Nga pala, isang maliit na leksyon lang ang bagay na ito. Kung alam mo ang nakakabuti para sa iyo, bumalik ka na agad ng Eastcliff. Kung hindi, sisigur
“Carmen?!” Napabulalas si Jeremiah mula sa kabilang linya, “Kumusta ka na? Hindi ka naman napahamak?!”Nagsimulang umiyak si Carmen, “Gusto akong ikulong ni Charlie. Sabi niya hindi ako pwedeng bumalik ng Eastcliff para ipagdiwang ang New Year! Papa, walang respeto ang batang ito sa mga nakatatanda! Napaka-arogante niya rin! Kailangan mo akong tulungan!”Napatanong si Jeremiah sa sorpresa, “Anong nangyayari?! Bakit kayo nagkaroon ng away ni Charlie?”Sa pagkakataong ito, hinatak ni Charlie ang cellphone pabalik mula kay Carmen saka siya nagsalita nang malamig, “Sinubukan niyang bigyan ng pera ang biyenan ko nang hindi ko alam para mapilit niya ang asawa ko, si Claire, na hiwalayan ako. Ganito ba makitungo ang pamilya Wade? Ito ba ang paraan niyo para solusyunan ang mga problema niyo?”Nagitla si Jeremiah. Nag-alangan siya sa loob ng ilang sandali at napabuntong hininga siya, “Charlie, kahit ano pang mangyari, tita mo pa rin si Carmen.”Muling nagsalita si Charlie, “Ano naman? Ibig
Galit na galit si Carmen sa pagkakataong ito.Nagngalit ang kaniyang mga ngipin at sumigaw, “Charlie! Huwag mong isipin na pwede mo akong paglaruan! Mas mataas ang posisyon ko sa pamilya Wade kaysa sa iyo. Kaya naman, mas mabuting magpakita ka ng respeto sa akin!”Hindi siya pinansin ni Charlie. Bagkus, tiningnan niya si Albert bago tinuro ang bakanteng upuan sa tabi ni Carmen.Kaagad na naintindihan ni Albert ang intensyon ni Charlie, at hinatid niya si Donald sa upuang nasa tabi ni Carmen.Pagkatapos nito, nilahad ni Charlie ang kaniyang kamay bago alisin ang itim na spit hood sa ulo ni Donald. Pagkatapos nito, bahagya niyang nginitian si Donald at sinabing, “Hello, Mr. Webb. Nagkita ulit tayo.”“Char...Charlie?!”Labis na nabigla si Donald sa pagkakataong ito!Hindi niya inakalang lilitaw si Charlie sa harapan niya!Posible bang…Posible bang si Charlie ang nasa likod ng lahat ng nangyari ngayong araw?!Paano siya nagkaroon ng ganoong kalaking kapangyarihan?!Nang makita
Paanong hindi niya malalaman ang naghihintay na kapalaran para sa pamilya Webb?Siguradong makikipaglaban sa kaniya si Carmen.Dagdag pa rito, siguradong kakampihan siya ng pamilya Wade at susuportahan din siya.Kahit na noong nasa kalakasan pa ang pamilya Webb, hindi nila magagawang kalabanin ang pamilya Wade. Mas lalo na ngayon na natalo nang malubha ni Charlie ang pamilya Webb. Sa oras na ito, ang pamilya Webb ay hindi maituturing kahit na hamak na langgam lamang sa harapan ng pamilya Wade…Pakiramdam ni Donald ay maaari pa siyang pahirapan ng pamilya Wade hanggang sa maghirap at masira ang pamilya Webb.Habang naiisip niya ito, kaagad na humikbi si Donald at nagmakaawa, “Mr. Wade, Madam Wade, wala talaga akong alam at hindi ko rin alam ang ginagawa ko. Sana ay maging mapagbigay-loob kayo at patawarin ako…”Sukdulan na ang galit ni Carmen kay Charlie ngayon, pero hindi siya naglakas-loob na magalit at maubusan ng pasensya sa kaniya. Kaya naman, tinuon niya na lang ang lahat ng
Pakiramdam ni Carmen ay tinapak-tapakan ni Charlie ang kaniyang dignidad dahil sa mapaglaro nitong ekspresyon sa mukha!Nagngangalit ang kaniyang mga ngipin habang sumisigaw, “Siyempre! Sa tingin mo ba ay nakikipagbiruan ako sa iyo? Kung hindi mo alam kung anong mabuti para sa iyo, at kung mag-alinlangan kang gawin ang tama hanggang sa mapilitan kang gawin ang mas malala pang bagay, masisigurado ko sa iyo na hindi magtatagal ay katapusan mo na! Hindi lang ikaw ang mag-isang magdurusa, pero pati ang asawa mo, ang biyenan mo, katapusan na ng lahat ng taong nasa paligid mo!”Puno ng galit si Carmen habang siansabi ito. Patuloy siya sa pagsigaw na parang isang baliw na babae at sinasabi, “Hayaan mong sabihin ko ito sa iyo. Maswerte ang mga magulang mo noon, at pinayagan pa rin silang mailibing sa ancestral grave ng pamilya Wade pagkatapos nilang mamatay! Gayunpaman, kung mamamatay ka balang-araw, wala kang anumang kwalipikasyon para makapasok sa ancestral grave ng pamilya Wade!”Dumilim
Si Yule na nasa huling stage na ng pancreatic cancer ay biglang gumaling at bumalik ang buong lakas. Dagdag pa rito, para bang bumata ng sampung taon si Yule. Lahat ng nasa upper-class society ng Eastcliff ay gustong-gustong malaman ang dahilan sa likod ng bagay na ito, at gusto nilang malaman kung anong magandang oportunidad ang natagpuan ni Yule.Gayunpaman, walang makakuha ng anumang epektibong impormasyon kahit na matagal itong inimbestigan ng lahat.Nang biglang banggitin ni Charlie ang lahat ng insidenteng ito, hindi mapigilan ni Carmen na magtanong dahil sa takot, “Ibig mo bang sabihin lahat ng bagay na iyon ay mayroong kinalaman sa iyo?!”Malamig na suminghal si Charlie bago sabihing, “Anong ibig mong sabihin sa ‘mayroong kinalaman sa akin’? Lahat ng iyon ay ginawa ko, ni Charlie Wade!”Sa pagkakataong ito, kahit si Donald ay nagulat at hindi alam ang sasabihin.Ang pagkamatay ng The Big Eight ay naging dahilan upang mawalan ng malaki ang pamilya Webb. Gayunpaman, hindi al
Sa sobrang takot ay hindi naglakas-loob pa si Donald na tumingala matapos pagalitan ni Charlie.Alam niya ang mga bagay na iyon tungkol kay Kian.Akala niya noon na ang bagay na ito ay sa pagitan lang ng kaniyan anak at ng ibang dalaga. Kahit na talagang nanakit nga ng ilang babae ang kaniyang anak, hindi sinaktan ni Kian si Charlie o ang mga taong nasa paligid ni Charlie. Kaya bakit ginawa iyon ni Charlie sa kaniyang anak?Gayunpaman, nang makita ni Donald kung gaano katindi ang galit ni Charlie sa sandaling ito, napagtanto niya na ang malakas na paniniwala ni Charlie sa hustisya ay higit pa sa kaniyang inaasahan!Nakatitig si Charlie kay Donald ngayon bago malamig na sabihing, “Donald, noong una ay iniisip kong bigyan ka ng daan para makatakas, ngunit mukhang hindi mo natutunan ang leksyon mo! Kung ganito ang sitwasyon, ayaw ko na ng apatnapung porsyento ng assets ng pamilya Webb. Hahayaan ko na lang ang pamilya Wade na itapon ka kung paano man nila gustuhin!”Umiyak bigla si Do
Tumingin nang masama si Carmen kay Charlie, at may gusto siyang sabihin para ipagtanggol ang reputasyon niya, pero wala siyang masabi kahit na dumating na sa mga labi niya ang mga salita.Napagtanto niya na ang pagkatao ni Charlie ay masyadong katulad sa kanyang ama, iyon ay walang iba kundi ang pangalawang kuya niya, si Curtis.Bakit sikat na sikat si Curtis dati?Marahil ay mukha siyang isang mahinang iskolar, pero madali niyang mapapatunayan ang kanyang lakas at abilidad sa harap ng isang hukbo.Basta’t nagpasya na siya, hinding-hindi siya susuko o mabibigo sa kanyang misyon.Kahit na kalaban niya ang buong mundo, lalaban pa rin siya at uukit ng daan para sa sarili niya.Dati, may kasabihan sa upper-class society sa Eastcliff.‘May anak sa pamilya Wade na isang Totoong Dragon!”Sa tuwing binabanggit si Curtis, kahit ang mga kalaban ay bibigyan siya ng thumbs up.Sa oras na iyon, si Curtis ang pinakamagaling na bayani sa pamilya Wade.Biglang napagtanto ni Carmen na nakikit
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter