Share

Kabanata 892

Author: Crazy Carriage
“Uhm…”

Natulala si Thea.

Hindi niya alam kung anong isasagot niya.

Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, ngumiti siya at sinabing, "Narinig ko na may isang magandang babae na mula sa mga Caden na nagngangalang Maxine. Ngayong nakita ko siya, totoo pala talaga ang mga kwento tungkol sa kanya."

"Narinig mo ang tungkol sa'kin?" Puno ng pagdududa ang ekspresyon ni Maxine.

Maliban sa ilang mga pamilya na nagsasanay ng martial arts, kaunti lang ang mga tao sa Capital na nakakaalam ng tungkol sa kanya. Kanino narinig ni Thea ang tungkol sa kanya?

Samantala, hindi na nag-usisa pa si James. Tumingin siya kay Thea at nagtanong, "Bakit ka nandito?"

Nakangiting nagsalita si Thea, "Empleyado mo si Tiara at isa siyang tagapagsilbi ng mga Callahan. Nasaktan siya dahil sa'yo, kaya hindi na nakapagtataka na puntahan at kamutahin ko siya, hindi ba?"

Tumingin si James kay Quincy.

Nagkibit-balikat si Quincy at sinabing, "Huwag ako ang tingnan mo. Wala akong sinabing kahit ano."

Pagk
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 893

    Totoong alam na ni Thea ang lahat. Siya na ngayon ang binibini ng God-King Palace. Maliban sa taong mas mataas sa kanya, si Thomas, siya ang pinaka prominenteng awtoridad sa God-King Palace. Maging ang Four Great Protectors ay nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Subalit, paulit-ulit siyang binalaan ni Thomas na huwag ipapaalam ang impormasyong ito sa iba, lalong-lalo na kay James. Alam ni Thea kung nasaan si James nitong mga nakalipas na ilang araw at gusto niya siyang tulungan. Habang may nagmamakaawang ekspresyon sa kanyang magandang mukha, sinabi niya na, "Mahal, hayaan mong tulungan kita. Hindi ako walang kwenta at marami rin akong kakayahan.""Anong alam mo?" Tumingin si James kay Thea ng nakasimangot. "Kasi…" Nag-alinlangan si Thea. Gusto niyang sabihin kay James ang totoo ngunit hindi niya magawa. "Niyuko ni Thea ang kanyang ulo at bumulong siya, "M-May nagsabi ng impormasyon sa'kin.""Sino?" Nagtanong si James. "H-Hindi ko alam." Umiling si Thea. "Hindi ko

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 894

    "Oo." Tumango si Daniel at sinabing, "Magpapadala ako agad ng email sa'yo. Tingnan mo kung natanggap mo na."Nilabas niya ang kanyang phone, binuksan ang mailbox, at pinadala niya ang impormasyon kay James. "Huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa nangyari. Tungkulin nila ‘yun bilang mga sundalo. Kahit na sinakripisyo nila ang mga sarili nila, nailigtas nila ang buhay mo. Ngayong napatay mo na ang Emperor, sigurado ako na matatahimik na sila.”Umiling si James at sinabing, “Iba ito. Namatay sila dahil sa personal kong problema. Utang ko ito sa kanila.”Hindi na nagsalita pa si Daniel. Alam niya na wala ring mangyayari kahit na ano pang sabihin niya.Nilabas ni James ang kanyang phone at nakita niya ang email.Binuksan niya ito at binasa niya ang profile information ng mga sundalo. Pagkatapos, tinawagan niya si Quincy. "Anong problema, James? May nangyari ba?" Nagmula ang boses ni Quincy sa phone. Nagtanong si James, "May personal savings ka ba? Pahiram ako ng pera.""Mag

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 895

    Sinuring maigi ni Maxine ang problema sa pagitan nila James at Thea mula sa pananaw ng isang babae.Binigyan niya si James ng isang komprehensibong paliwanag.Ang Thea sampung taon na ang nakakaraan ay matapang at malakas.Subalit, ang isang tao na nakaranas ng sampung tao ng kahihiyan at panghahamak ay siguradong magbabago kahit na gaano pa siya katapang at katatag noon.Sa kabila nito, hindi nagpatalo si Thea, at kahanga-hanga iyon."Isa siyang disenteng babae, na karapat-dapat sa pagpapahalaga ng ibang tao. Huwag mong hintayin na mawala siya sa'yo. Kahit na si Quincy ang first love mo na naghintay ng sampung taon para sa'yo at naging mabuti siya sa'yo, minaliit ka din niya noong ikaw pa ang live-in son-in-law ng mga Callahan. Nagsimula lang siya na alagaan ka noong nalaman niya ang pagkatao mo. "Samantala, isa namang aksidente si Tiara. Hindi ba gusto ng tatay niya na ipakulong ka bago niya nalaman ang pagkatao mo? Galit siya sa'yo, pero nagbago 'yun pagkatapos niyang malaman

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 896

    Tanghali na, at hindi pa nagsisimula ang mga klase. Karamihan ng mga estudyante ay nagtipon upang magkwentuhan, nagkwentuhan sila tungkol sa buhay ng ibang mga estudyante at mga guro. "Yvette, pumunta ka dito ngayon mismo!" Umalingawngaw ang isang boses. Kasunod ng mga sigaw, isang binata ang galit na galit na naglakad kasama ang ilang mga kaklase niya. Samantala, isang dalaga na may mahaba at itim na buhok na nakasuot ng puting damit ang nakikinig ng tugtog sa kanyang headphones. Nakaupo siya sa huling hilera ng silid aralan. Umiindayog ang kanyang ulo kasabay ng tugtog. Bigla siyang nakaramdam ng panganib at inangat niya ang kanyang ulo. Noong nakita niya ang grupo ng mga estudyante na palapit sa kanya, bahagyang dumilim ang kanyang ekspresyon. Tinanggal niya ang kanyang headphones, binuksan ang bintana, at tumalon siya palabas. Pagbaba niya, agad siyang tumakbo paalis. Galit na nag-utos ang lalaking estudyante na nasa unahan, "Sumunod kayo sa'kin! Papatayin ko ang pu*a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 897

    Alam ni Yvette ang ugali ni Hugo.Isa siyang bully na bumuo ng isang grupo ng mga estudyante at palaging pinagmamalaki ang kanyang kapangyarihan. Alam ni Yvette na mapapahamak siya kapag nahuli siya ni Hugo. Prayoridad niya ngayon ang makahanap ng paraan para makatakas. Para naman sa kung paano niya siya haharapin sa hinaharap, saka na lamang niya iyon pag-iisipan. "Pu*angina ka, ang lakas ng loob mo na mangialam sa mga balak ko!" Sumigaw si Hugo habang naglalakad siya palapit kay Yvette. Tinitigan niyang maigi ang mukha at katawan ni Yvette. Totoong maganda si Yvette, at kontento siya sa kanyang nakita. "Dahil mukhang bukal sa loob mo ang paghingi mo ng tawad. Bibigyan kita ng pagkakataon na pasayahin ako. Papatawarin kita kapag nasarapan ako sa'yo.""S-Sige, Mr. Doyle." Masayang ngumiti si Yvette. Pagkatapos niyang sabihin 'yun, agad niyang tinulak ang isa sa mga lalaking estudyante at tumakbo siya palayo. Sa kasamaang palad, hindi niya nagawang takasan ang grupo ng mga

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 898

    Agad na hinablot ni James ang braso ni Hugo at hinawakan niya ito ng mahigpit.Nagpumiglas si Hugo ngunit hindi siya makawala. Agad na namula ang kanyang mukha sa sobrang hiya, at sumigaw siya, "Bitawan mo ako, g*go!" Binitawan siya ni James ngunit inangat niya ang kanyang paa upang sipain si Hugo. Tumalsik ng ilang metro si Hugo, at humampas sa lupa ang kanyang katawan. Umungol siya sa sakit. Nagulat ang mga kasama niya sa nangyari. Masyadong malakas ang kalaban nila. "Bakit nakatayo lang kayo diyan? Umatake kayo at patayin niyo siya!" Sumigaw si Hugo mula sa lupa. Agad na nahimasmasan ang ibang mga estudyante at nilabas nila ang kanilang mga patalim upang takutin si James.Subalit, bigla silang sinugod ni James. Paglipas ng ilang segundo… Nakahiga na sa lupa ang mga estudyante, at sumisigaw sa sakit. Tumingin si Maxine kay James ng may kakaibang ekspresyon at napaisip, 'Talagang napakahusay niyang lumaban. Nagawa niyang pabagsakin ang ilang tao ng ganun kadali.'"S

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 899

    Kumuha ng maraming selfie si Yvette kasama si James noong makilala niya kung sino siya. Sa mga huling selfie nila, halos naglalambitin na siya sa katawan ni James. Nakakatawa at mainit ang posisyon nila. "Oo nga pala."Pagkatapos kumuha ng mga selfie, biglang may naalala si Yvette at nagtanong siya, "Bakit mo nga pala ako hinahanap?" "Nandito ako dahil sa kapatid mo."Sinisi ni James ang kanyang sarili sa nangyari sa mga sundalong iyon. Napakabigat ng kanyang konsensya. Pinuntahan niya ang mga pamilya ng mga sundalo at pinaliwanag niya ang sitwasyon. Pumayag din siya na gawin ang halos lahat ng kahilingan nila. "Humanap muna tayo ng lugar para makapag-usap tayo ng masinsinan.""Sige." Tumango si Yvette.Magkakasamang umalis ang tatlo. Sa isang cafe malapit sa Sunleigh High School. Umupo sila sa isang private room. Sinimulan ni James na ipaliwanag kung ano ang tunay na nangyari sa kweba. "Namatay ang kapatid mo dahil sa'kin. Pinuntahan kita dahil gusto kong malaman k

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 900

    Pagkatapos siyang mabugbog, agad na tumawag si Hugo sa bahay nila upang papuntahin ang kanyang mga bodyguard at tulungan siya.Ang mga bodyguard ng kanyang pamilya ay puro mahuhusay sa pakikipaglaban, at ang bawat isa sa kanila ay kayang lumaban sa higit sa isang dosenang tao ng mag-isa.Kahit na gaano pa kagaling si James, sisiguraduhin niya na luluhod siya at magmamakaawa.Naglakad papasok si Hugo, tumingin ng masama kay James, at tumuro sa lupa, at sinabi niya na, “G*go! Lumuhod ka, at palalampasin ko ang ginawa mo, kung hindi, siguradong magsisisi ka…”Nagtago si Yvette sa likod ni James at bumulong, “Mula siya sa mga Doyle. Isa silang maimpluwensyang pamilya sa Sunleigh City at higit sa sampung bilyon ang halaga ng ari-arian nila. May kinalaman sila sa parehong legal at ilegal na mga negosyo.”Bahagyang tumango si James. Alam niya na hindi titigil si Hugo sa panggugulo kay Yvette kapag umalis siya ng hindi inaayos ang tungkol dito.Wala ring mangyayari kahit na bugbugin niya

Pinakabagong kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4064

    Bagama't makapangyarihan ang Seveth Stage ng Omniscience Path, partikular itong kahanga hanga sa Greater Realms.Isang respetadong Space Race elder ang nagkomento, "Bagaman siya ay nasa Seventh Stage pa lang, nagawa niya iyon habang ang Omniscience Path ay pinipigilan. Ito ay tiyak na mahirap isipin."Marami sa mga Elder ng Space Race ang nagtipon at nagbahagi ng kanilang mga opinyon tungkol kay James.Samantala, umalis na sina James at Dahlia sa Space Realm. Ang dalawa ay bumalik sa Soul Realm at kaagad na nakarating sa Chaos sa labas ng Soul Realm.Sa isang lugar sa Chaos, pinakawalan ni Dahlia si Balchae. Ang cultivation base ni Balchae ay selyado pa rin at hindi pa siya nagkamalay.Tumingin si Dahlia kay James at nagtanong, "Paano natin siya haharapin? Dapat ba natin siyang patayin o panatilihin siyang buhay?"Sabi ni James, "Hindi pa natin siya kailangang patayin. Baka may soul lamp siya sa Hopeless City. Kapag namatay siya, mamamatay ang soul lamp. Kapag nangyari iyon, masi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4063

    "Naabot ko na sa wakas ang Seventh Stage ng Omniscience Path at mas malakas na ako ngayon kaysa sa Nine-Power Macrocosm Ancestral God Rank. Naabot ko na rin ang Quasi Acme Rank."Huminga ng malalim si James. Ang pagsasanay sa Omniscience Path ay napakahirap. Naabot lamang niya ang Seventh Stage pagkatapos ng labis na pagsisikap at paglaan ng maraming oras. Ayon sa alam ni James, ang pinakamataas na yugto sa Omniscience Path ay ang Ninth Stage.Ang isang taong nakarating sa Sixth Stage ng Omniscience Path ay si Haestra. Walang sinuman sa Greater Realms ang may kakayahang pumatay sa kanya. Ang pinaka magagawa nila ay iseal siya sa isang lugar.Pinakalat ni James ang kanyang aura at tinanggal ang formation. Itinulak niya ang gate at lumabas ng mansyon. Habang naglalakad siya palabas, nakita niya ang isang makapal na babae na nakatayo sa kanyang harapan at galit na galit na nakatingin sa kanya.Napakamot ng ulo si James at nagtanong, "Anong problema? May maitutulong ba ako sayo?"“Ika

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4062

    Ang Ten Great Races ay nagsama sama upang limitahan ang potensyal na cultivation ng Human Race. Bilang resulta, maaabot lamang ng mga tao ang Third Stage ng Omniscience Path.Matagumpay na nakapasok si James sa Ikaapat na Yugto ng Omniscience Path sa tulong ni Thea. Pagkatapos, nakuha niya ang Light of Acme sa Ecclesiastical Restricted Zone at naabot ang Fifth at Sixth Stage.Simula noon, ang kanyang pisikal na lakas ay lumago sa isang glacial rate at nadama ni James na walang gaanong pag unlad. Ngayong mayroon na siyang Fruit of Life, umaasa siyang maaabot niya ang mga bagong taas.Ang kanyang Blood Energy ay umuuga at ang kanyang istraktura ng buto ay nagsimulang magbago. Kasabay nito, ang kanyang mga selula ng kalamnan ay nasira at paulit ulit na binago ang kanilang mga sarili. Sa buong proseso, unti unting tumaas ang kanyang pisikal na lakas.Dumadaan sa pagbabago si James.Lumipas ang oras bawat minuto.Ang lakas ni James ay lumago nang husto. Dahan dahan niyang nirefine a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4061

    "Sasabihin ko sana sa Heaven-Eradicating Sect's Lord ang tungkol sa prutas, ngunit dahil nakapulot ka na nito, kung gayon bahala na.""Dahlia, hintayin mo ako dito. Kailangan ko maghanap ng lugar dito para mag cultivate," Sabi ni James bago mabilis na iniwan siya."Itong lalaking ito..." Napasimangot si Dahlia.‘Hindi ba siya dapat bumalik sa Soul Realm para iligtas ang aking mga villager? Bakit siya biglang aalis para mag cultivate?’ Isip ni Dahlia.Gayunpaman, wala siyang pagpipilian kundi hintayin siya dahil nakaalis na si James.Hawak ni James ang Fruit of Life at nagpakita sa isang espirituwal na bundok sa isang lugar sa domain ng Space Race. Ang Empyrean Spiritual Energy doon ay sagana.Isang manor ang nakatayo sa tuktok ng espirituwal na bundok. Diretsong lumapit si James sa gate ng manor. Isang babaeng nakasuot ng puting damit ang biglang lumabas ng mansyon.Sa sandaling siya ay lumabas, siya ay pinalipad ng isang malakas na pwersa at siya ay bumagsak sa lupa sa malayo.

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4060

    Sa pamamagitan ng kanilang simpleng pag uusap, nalaman ni James ang tungkol sa pangkalahatang kasaysayan ng Space Race. Nalaman din niya ang tungkol sa Empyrean herb na iniwan ng isang powerhouse ng Human Race matagal na ang nakalipas sa plantasyon ng Space Race. Walang nakakaalam ng pangalan ng taong ito, ngunit may mga talaan tungkol sa kanya sa mga sinaunang aklat ng Space Race na tinatawag na Holy Emperor.Sa kasamaang palad, ang Empyrean herb sa kanilang plantasyon ay hindi maubos ng Space Race.Napabuntong hininga si Haestra at sinabing, “Maganda raw ang isang mahiwagang Empyrean herb na tumutubo sa aming taniman. Gusto naming hintayin itong ganap na mag mature bago makipag ugnayan sa mga powerhouse ng Human Race. Binalak naming ibalik ito sa kanila. Sa hindi inaasahan, ang Soul Race ay nakatutok dito at nagpadala ng isang hukbo upang salakayin kami. Kanina pa kami nagtatanggol sa kanila. Marami na tayong nasawi at marami sa ating mga natitirang sundalo ang nasugatan.”“Anong

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4059

    "Isang karangalan na makilala ka, Sir."Kaswal na inihagis ni James si Balchae sa lupa at itinanim pa siya ng ilang sigil. Agad na nawalan ng malay si Balchae. Pagkaraan, bumalik si James sa kanyang orihinal na anyo.Marami sa mga powerhouse ng Space Race ang nakatitig kay James sa gulat.“S-Sino ka?” Naguguluhang tumingin si Haestra kay James.Si Youri, ang Dakilang Elder ng Doom Race, ay biglang nagbago bilang isang hindi kilalang tao. Ang pagkakasunod sunod ng mga kaganapan ay nabigla sa Lord ng Space Race.Bago makapagsalita si James, humakbang si Dahlia, hinawakan ang kanyang mga kamay at sinabing, "Ako si Dahlia Laoise mula sa Human Race."“Mga tao?”Tinitigan ng mga powerhouse ng Space Race sina James at Dahlia.Tumango si Dahlia at sinabing, "Nabalitaan ko na may problema ang Space Race at dumating para tumulong.""Kung gayon, sino ang lalaking ito?" Maingat na tinignan ni Haestra si James.Naramdaman niya ang Chaos Power ni James at sigurado siyang galing siya sa Doo

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4058

    Humakbang si Balchae at dire diretsong nagpakilala.Si James ay nagsuot ng isang mahigpit na ekspresyon at sinabi ng palihim, "Ang Soul Race ay tiyak na lumalampas sa kanilang mga hangganan. Sinusubukan ba ninyong kontrolin ang Space Realm?"Naguguluhan, mabilis na sumagot si Balchae, “Sir, pakiusap hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi ito ang iniisip mo. Natuklasan namin na ang Space Race ay lihim na nakikipagsabwatan sa Human Race, kaya nagtipon kami ng isang hukbo upang gumanti.""Ako mismo ang mag iimbestiga sa bagay na ito. Iseal kaagad ang iyong cultivation base. Ibabalik kita sa Soul Race at hihingi ng paliwanag sa Lord nila,” Sabi ni James.“O-Opo, Sir.”Hindi nangahas na tanggihan ni Balchae ang utos ni Youri. Si Youri ang Dakilang Elder ng Doom Race, maging ang kanyang amo ay manginig sa harap niya. Bagama't inutusan siya ni Waspen na kunin ang isang kayamanan, wala siyang pakialam dito ngayon.Agad na tinatakan ni Balchae ang kanyang cultivation base. Pagkasunod niya, n

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4057

    Di nagtagal, dumating si James sa labas ng espirituwal na bundok kung saan sumiklab ang isang matinding labanan. Dalawang malalaking hukbo ang nakikipaglaban sa isa't isa at daan daang sundalo ang nakibahagi sa labanan. Ang paligid na lugar ay wasak sa bituka.Agad na nakilala ni Dahlia ang lugar at sinabing, “Malamang ito ang base ng Space Race. Nagdala si Balchae ng isang hukbo mula sa Soul Realm upang kunin ang damo ngunit hindi siya makalusot sa pagbuo ng bundok ng Space Race.""Ginagawa nitong mas simple ang mga bagay."Pinagsama ni James ang kanyang mga palad at naghanda na tumalon sa labanan. Bago siya makakilos, hinila siya ni Dahlia pabalik at pinaalalahanan siya, "Hindi ka dapat kumilos ng walang ingat."Malungkot na sinagot siya ni James, “Anong problema? Nagdududa ka pa ba sa akin? Isa lang siyang pinakamataas na Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Maaari ko siyang sirain sa loob ng ilang minuto."Bagama't walang tsansa si James na manalo laban sa isang Quasi Acmean, t

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4056

    Ang headquarters ng Space Race ay nakabase sa Yeimiz. Mabilis na naglakbay sina James at Dahlia patungo sa Space Realm. Ang istraktura ng Greater Realms ay katulad ng universe kung saan nagmula si James. Mayroon din silang mga universe, bituin at kalawakan.Sa kalaunan, nakatagpo sila ng spatial rift. Mula sa malayo, tila ang espasyo sa paligid nito ay hiniwa ng espada ng powerhouse.Tinuro ni Dahlia ang lamat at sinabing, “Iyan ang Yeimiz. Matatagpuan ito sa pinakagitnang rehiyon ng Space Realm. Ang tamang pangalan nito ay Starry Yeimiz."“Nakikita ko.” Kinuha ni James ang paliwanag niya.Mabilis na umabante ang dalawa. Habang papalapit sila, nagsimulang lumaki ang spatial rift. Sa pamamagitan ng lamat, nakita ni James ang hindi mabilang na mga bituin. Ang bawat bituin ay napakalaking laki at nag imbak ng saganang enerhiya mula sa langit at lupa. Ito ay isang angkop na lugar upang manirahan.Dumating ang dalawa sa labas ni Starry Yeimiz.Habang nakatayo siya sa hangganan nito, n

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status