Tumingin siya sa inaantok na si James, tinuro ang wheelchair, at nagsabing, "Umupo ka rito." Natawa si James. "Seryoso? Sobra naman ang tingin mo sa kondisyon ko. Kaya ko pang maglakad." Seryosong nagsalita si Quincy, "Wag matigas ang ulo. Umupo ko na ngayon din. Sabi ng doktor, hindi inaasahan ang kondisyon mo. Hindi ka pwedeng kumilos maliban na lang kung talagang kailangan. Patuloy na hinihigop ng virus sa katawan mo ang enerhiya mo. Kung kaya't habang lalo kang kumikilos, mas nagiging aktibo ang virus cells." Tumango si James. Kagaya ng hula niya ang pahayag ng doktor. Umupo siya mula sa kama. Mabilis na lumapit si Quincy at sinuportahan siya na makaupo sa wheelchair. Pagkatapos, tinulak niya ang wheelchair ni James palabas ng ospital. Sa labas ng ospital… Nagtanong si Quincy, "Saan ka pupunta?" Tinignan ni James ang mataong siyudad. Naguluhan siya. Pakiramdam niya ay walang espasyo para sa kanya ang lungsod na ito, sa kabila ng laki nito. Bumuntong-hininga si J
Pagkatapos paglaruan ang Crucifier nang ilang sandali, initsa ito ni James sa mesa at kinuha ang phone niya para tignan ang oras. Hating-gabi na. Kumain siya ng alas-otso ngunit nagugutom na naman siya. Kung kaya't kinuha ni James ang phone niya at nagpadala ng message kay Quincy na nasa kabilang kwarto. [Nagugutom ako.]Pagkalipas ng ilang segundo matapos ipadala ang message, bumukas ang pinto ng kwarto niya. Pumasok si Quincy suot ng pajama. Ang puti niyang pajama ay manipis at ang hubad niyang katawan ay medyo nakikita, na nagbibigay ng mapang-akit na aura. Basa pa ang buhok niya dahil kakatapos niya lang maligo. "Anong gusto mo? Magoorder ako ng food delivery." "Karne," sagot ni James. Dahil nalason siya, napakalakas ng gana ni James sa pagkain, lalo na sa karne. "Sige."Kinuha ni Quincy ang phone niya at nagsimulang umorder ng food delivery para sa kanya. Pagkatapos umorder ng pagkain, umupo siya at tumingin sa nagkalat na karayom sa mesa. "Para saan ang mga to
Nabigla nag lahat. "Magtatakas ka ng tao sa kulungan?" "James, anong pakay mo sa misyong ito?" Nagtataka tumingin ang lahat kay James. Tumingin si James kay May at nagtanong, "Lumaki ka sa Dark Castle at dati kang SSS-ranked assassin, tama? Siguro naman kilala mo na ang founder ay si Blake, tama?" "Oo." Tumango si May. Nang narinig niyang mabanggit ang pangalan ni Blake, kaagad na naging seryoso ang mukha niya at nagsabing, "May kaunti akong pagkakakilala sa kanya. Gumagamit si Blake ng mababangis at walang awang paraan para makuha ang gusto niya. Ang mga hindi sumunod o nangtraydor sa kanya ay nakaranas ng masaklap na kamatayan. Sa huli, nahuli siya ilang taon ang nakalipas." Pagkatapos ng paliwanag, hindi siya makapaniwalang tumingin kay James. "James, wag mong sabihing balak mo siyang iligtas?" Tumango si James at kinumpirma ang nasa isip niya, "Ganun na nga. Kailangan ko siyang iligtas. Nalason ako, at kaagad niya itong natukoy bilang Gu. Sinabi niya na alam niya ku
Tahimik na lumipas ang gabi. Sa sumunod na araw… Dumating si Gloom nang maaga. Sa kwarto. Pinag-usapan nina James at Gloom ang detalye ng misyon nila nang ilang sandali. Gusto niyang ipagawa kay Gloom na ilagay ang Elite Eight sa Red Flame Army at iistasyon sila entrance. Ang Red Flame Army ang responsable sa kaligtasan ng Capital. Ang isang sundalo ay dapat na dumaan na napakaraming reviews bago masuri ng General ng Red Flame Army. Pagkatapos lang ng ilang sunod-sunod na assessment, doon lamang sila matatanggap bilang opisyal na miyembro. Si Gloom ay ang personal bodyguard ng Hari pero wala siyang military rank at nanatili siyang nakatago. Sa kabila nito, napakalaki ng awtoridad niya. Siya ang matatawag na representative ng Hari. Hindi mahirap para sa kanya na ilagay sina May at ang iba pa sa Red Flame Army. Ang totoo, masasabi na sisiw lang ito para sa kanya. "Sige, ako nang bahala." Tumango si Gloom. Tumingin siya sa nanghihinang si James at nagsabing, "Kailang
"Naiintindihan ko." Tumango si May at mabilis na lumabas. Napagod si James at sumandal uli sa kama. Natulala siya sa pag-iisip. Bigla na lang, lumapit si Quincy at umakyat sa kama. Minasahe niya ang binti ni James nang may nag-aalalang ekspresyon sa maganda niyang mukha. "Pagod ka na nga pero ang dami mo pang ginagawa. Dapat nagpapahinga ka na." Nahimasmasan si James at kumaway, sabay nagsabing, "Sige, tama na yan. Mainit dito sa hotel. Pwede mo ba akong ilabas para makalanghap ng sariwang hangin?""Sige." Tumango si Quincy. "Bigyan mo ko ng ilang minuto. Kailangan kong magpalit ng damit." Nagmadali siyang umalis at bumalik sa kwarto niya para magpalit ng damit. Nakasuot na siya ngayon ng dress at nakatali na ang buhok niya. Sa isang iglap, nagbagong anyo siya bilang isang marangal na babae. Pagkatapos nito, tinulak niya ang wheelchair ni James palabas ng hotel. Umaga pa lang. Malamig ang simoy ng hangin ng taglagas nang dumampi ito sa balat nila. "James, saan mo g
Sinadya ni James na makipagkita sa Emperor para subukan siya. Malakas ang reaksyon ng Emperor sa mga salita niya. May hula si James tungkol sa motibo ng Emperor. May malapit siyang relasyon sa Gu raisers. Dagdag pa roon, may sikretong research facility sa Cansington, Lily City. Maski ang intelligence network ni Jake ay hindi ito kayang pasukin. May kutob si James na ang konektado ang research facility na ito sa parasitic venom. "Mag-ikot tayo," utos ni James kay Quincy. "Sige." Tumango si Quincy at tinulak si James para mag-ikot-ikot sa lungsod. Sumakay ang Emperor sa kotse at kaagad na nagmaneho ang driver. Nakaupo siya sa likod nang may seryosong ekspresyon. Hindi niya inasahan na napakatalino ni James para mapagtagpi-tagpi ang lahat pagkatapos niya lang malason. Isa itong kasaysayan ng isandaang taon ang nakalipas na matagal nang nakalimutan. Karamihan sa mga nakakaalam ng sikretong iyon ay matagal nang patay. Paanong natuklasan ito ni James? Isa nang imbalido si
Pagkatapos niyang mabusog, humiga siya sa kama at nagpahinga habang nililinis ni Quincy ang kanyang kinainan.Sa buong araw na iyon, nanatili siya sa loob ng hotel.Nakakabagot sa loob ng hotel, pero naging nakakatuwa naman ito dahil sa mga biro ni Quincy.Mabilis na lumipas ang oras.Hindi nagtagal, dumating na ang araw ng kanilang misyon. Kinagabihan. Tumayo si James sa may balkonahe at tiningnan ang maliwanag na siyudad sa kanyang harapan.Nilapitan siya ni Quincy na may hawak na malaking coat at pinatong ito sa kanya at pinaalalahanan siya, “Taglagas na, at lumalamig na ang panahon. Sa kasalukuyan mong kondisyon, hindi ka dapat magkasipon. Binalaan ka ng doktor na magiging delikado para sayo kapag nagkasakit ka.” Natutuwa si James sa tanawin ng siyudad sa gabi.“Tingnan mo, ang Capital ay nakakamangha sa gabi.”“Hindi ako makapaniwala na nasa mood ka pa din na mag-senti. Ang mga tauhan mo ay kikilos ngayong gabi. Kapag nabigo sila, kamatayan lang ang naghihintay sa kan
Ininom ni Blake ang lason na gawa ni James. Alam n James na malakas si Blake, at magiging isang malaking delubyo kapag walang makakapigil dito kapag nakalabas ito ng kulungan. Ayaw niya na gumagawa ng isang bagay ng walang kasiguraduhan.Kapag itinakas niya si Blake, dapat ay hawak niya ang buhay nito.Ngayon, may mabusising plano si James at may malinaw na pagkakahati ng mga gawain.Ang ilan ay gagamitin ang routine daily inspection para makapasok sa kulungan, habang ang iba naman ay responsable sa pagpatay sa kuryente para mamatay pansamantala ang mga surveillance cameras.Hindi nagtagal, dinala ni May si Blake sa lugar kung nasaan ang iba pang mga sundalo ng Red Flame army na walang malay.Tinuro ni May ang walang malay na sundalo na nakahandusay sa lapag at inutos, “Hubaran mo ang isa sa kanila at suotin mo ito, Bilisan mo.”Nanatiling tahimik si Blake at kaagad na hinubaran ang isa sa mga sundalo at mabilis na sinuto ang uniporme nito. “Tara na.”Mabilis silang umalis u
Nanatili si James sa loob ng cottage at nakausap ng mas matagal si Karglain. Pagkatapos ng kanilang pag uusap, mas nalaman ni James ang tungkol sa matandang lalaki.Si Karglain ay isang tao na nakaligtas sa Primordial Realm Era. Noon, nasa Sage Rank lang siya at napakahina.Bagama't ang Ten Great Races ay hindi ganap na nilipol ang mga tao sa Greater Realms noong Primordial Realm Era, ang sangkatauhan ay nasa pinakamababang punto nito. Bilang resulta, ang iba pang mga pangunahing lahi ay walang awa na nanghuli ng mga tao.Ang mga taong nakaligtas ay nagsama sama at lihim na itinatag ang Heaven-Eradicating Sect. Ang mga miyembro ng Heaven-Eradicating Sect ay nakakalat sa bawat pangunahing teritoryo sa Greater Realms.Ang nayong ito ay isa sa mga base ng Heaven-Eradicating Sect sa Soul Realm at si Karglain ang pinuno ng nayon.Mataimtim na sinabi ni Karglain," "Si Bruce Jensen ang pinakamalakas na tao sa aming nayon. Ang kanyang mga magulang ay nagsilbi sa isang pamilya ng Soul Race
"Nakarating ako sa pormasyon ni Soren Plamen nang dumating ako sa Greater Realms. Hindi ko alam kung sino ang umalis sa daanan. Hindi rin ako sigurado kung nagkataon lang o binalak ng mga ninuno. Gayunpaman, nakilala ko si Soren."Natuwa ang lahat sa silid matapos marinig ang tungkol kay Soren Plamen.Lumakad ng ilang hakbang ang matandang lalaki at nagtanong, “Talaga?”"Wala akong sinasabi kundi ang totoo."Tumango si James, saka kinuha ang susi na nakuha niya sa Cloud Race.“Hiniling sa akin ni Soren na hanapin ang mga susi na binabantayan ng Ten Great Races. Hanggat sa makuha ko ang lahat ng sampung susi, pwede ko siyang palayain mula sa formation."Ng dumating ako sa formation sa likod ng Cloud Race, ang Cloud Race ay inatake ng Bug Race. Nag disguise ako bilang Great Elder ng Doom Race, Youri Dalibor at nakuha ko ang tiwala ng Cloud Race. Tinaboy ko ang Bug Race at nakuha ko ang susi ng Cloud Race."Ipinaliwanag ni James kung ano ang nangyari ng magpakita siya sa Greater Re
Mayroong higit sa sampung tao sa cottage. Lahat sila ay nakadamit tulad ng mga magsasaka, ngunit sa sandaling ito, lahat sila ay nagpakita ng kanilang mga sandata at naglalabas ng malalakas na aura.Kahit na ang pinakamahinang tao ay umabot sa Fifth-Power Macrocosm Ancestral God Rank.Tumingin sa maputlang Dahlia, ngumiti si James at sinabing, “Kung hindi kita sinunod, paano ko mahahanap ang lugar na ito?”“Atake!” Agad namang naglabas ng utos ang matanda.Pagkasabi na pagkasabi nung lalaki, lahat ng tao sa cottage ay sinugod si James."Sandali..." Agad na sigaw ni James. Parang kulog ang sigaw niya. Nagulat ang lahat sa cottage. Ang mga tao sa labas ng cottage ay hindi rin nangahas na kumilos nang walang ingat. Masyadong malakas ang aura ni James, na ikinasindak nila.Pinaandar ni James ang kanyang kapangyarihan at inilabas ang kanyang aura. Ang kanyang aura ay bumulaga sa lahat sa cottage at sa buong village.Tinitigan ni James ang matandang lalaki.Nakasuot ang matandang lal
Sabi ng babae, "Hindi ko sinabing lalaki ako."Nakamaskara siya bago ito at nagsalita sa panlalaking boses. Ngayon, nagsalita siya sa kanyang orihinal na boses at mukhang kaaya aya.“Anong pangalan mo?” Tanong ni James.“Dahlia.” Direktang sinabi ng babae kay James ang pangalan niya."Kung wala na, pwede na ba akong umalis?" Tumingin siya kay James at sinilip.“Sige.” Bahagyang iwinagayway ni James ang kanyang kamay.Walang pag aalinlangan, tumalikod si Dahlia at umalis. Gayunpaman, sa sandaling lumingon siya, pinitik ni James ang kanyang daliri at isang hindi nakikitang sigil ang lumipad sa kanya, lihim na dumapo sa kanyang likod.Hindi ito naramdaman ni Dahlia.Pagkaalis ni James, mabilis siyang umalis sa lugar. Natatakot siyang sumunod sa kanya si James kaya nag iingat siya. Nanatili siyang alerto sa kanyang paligid at patuloy na lumihis. Lumihis siya ng ilang araw at sa wakas, nakarating siya sa isang lugar na walang Empyrean Spiritual Energy.May isang maliit na nayon kun
Kumilos si James at iniligtas ang taong ito mula sa Human Race.Hindi niya alam ang pagkakakilanlan ng taong iyon, ngunit dahil nasa isang lugar na malayo sa tahanan at nakikipagkita sa isang tao mula sa Human Race na may problema, paano niya hindi matutulungan ang tao?Mabilis na umalis si James. Matapos niyang makalayo sa lugar at matiyak na walang buhay na tao ang humahabol sa kanila, huminto siya.Sa isang bakanteng lugar sa isang bulubundukin, ibinaba ni James ang taong nakaitim na damit. Ang tao ay nagdusa ng mga pinsala, ngunit hindi sila malala.Mapagmatyag, tumingin siya kay James habang ang isang namamaos na boses ay tumunog mula sa ilalim ng maskara. “Sino ka? Bakit mo ako niligtas?”Ang Doom Race ay isa sa pinakamakapangyarihang karera sa Greater Realms. Ang Chaos Power of the Doom Race ay kakaiba at halos lahat ng powerhouse ay alam iyon. Dahil ginamit ni James ang Chaos Power, alam din ng taong nakaitim na damit na siya ay mula sa Doom Race.Nataranta siya. Bakit si
Puno ng pag aalala si James.May natitira pang tatlong buwan, kaya hindi siya nagmamadali. Nagpasya siyang manatili muna sa lungsod. Nakahanap siya ng isang bahay tuluyan sa gitna ng lungsod at nanirahan doon.Sa gabi, nakaupo si James sa kama na naka-cross legs. Nakatuon siya sa pag cucultivate at pag unawa.Sa sandaling ito, naramdaman niya ang hindi pangkaraniwang pagbabago bago ng aura.Agad niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita niya ang isang anino na dumaan sa bintana. Mabilis ang takbo ng anino. Nawala ito sa isang kisapmata.Naglaho rin ang katawan ni James sa lugar ng mabilis niyang hinabol ang anino.Lumabas siya ng Hopeless City at pumasok sa isang hindi pantay na hanay ng bundok. Malawak ang bulubundukin. Matapos ang mahabang panahon na habulin ang anino, narinig niya ang tunog ng matinding labanan.Dose dosenang mga armadong bodyguard ang umaatake sa isang taong nakasuot ng itim na damit.Nakasuot ng itim na roba ang taong iyon at may itim na maskara sa mu
Sa sandaling dumating si James sa pasukan ng lungsod, nakita niya ang maraming buhay na nilalang na nagtitipon doon. Nagkaroon sila ng diskusyon.Nalaman din ni James ang sitwasyon.Lumalabas na pinatay ng Heaven-Eradicating Sect ang prodigy ng Soul Race na lumabas para sa cultivation, na ikinagalit ng Soul Race. Kaya, gusto ng Soul Race na habulin ang mga tao ng Heaven-Eradicating Sect na pumatay sa prodigy.Naglakad si James papunta sa entrance ng lungsod. Ilang mga paunawa ang nakadikit sa dingding. May portrait ng isang tao.Ang tao sa portrait ay isang binata. Mukha siyang madumi na may intensyong pumatay.Nalaman ni James na ang tao ay si Bruce Jensen.Si Bruce ay isang buhay na nilalang ng Human Race. Isa siya sa mga pinuno ng Heaven-Eradicating Sect at malakas. Naabot na rin niya ang tuktok ng Ninth-Power Macrocosm Ancestral Rank, isang hakbang lamang ang layo mula sa Acme Rank.Sa hindi mabilang na mga taon, naglakbay siya sa dilim at pinatay ang maraming kababalaghan n
Pagkatapos ng ilang panahon na linangin sa pag-iisa, ginawang perpekto ni James ang kanyang kapangyarihan.Sa isang lugar sa Cloud Realm, sa tuktok ng isang bundok, tumayo si James, iniunat ang kanyang likod, at niluwagan ang kanyang mga kalamnan. Nararamdaman niya ang pisikal na kapangyarihan sa kanyang katawan. Makikita sa kanyang mukha ang kaligayahan habang bumubulong siya, “Pagkatapos magbinyag, lumakas ang aking pisikal na kapangyarihan.”“Ngayon, kailangan kong mag-isip ng paraan para makapasok sa Seventh Stage Omniscience Path. Kung maabot ko ang Ikapitong Yugto kasama ang aking Chaos Power, kahit na hindi ako mapapantayan sa Greater Realms, iilan lang ang makakatalo sa akin.""Sa Greater Realms, ilang powerhouses ng Human Race ang naiwan. Ang mga powerhouse na ito ng Human Race ay bumuo ng Heaven-Eradicating Sect. Ang aking lakas lamang ay hindi sapat sa Greater Realms. Kailangan kong mahanap ang taong namamahala sa Heaven-Eradicating Sect at makipag alyansa sa kanila. Sa g
Upang maging eksakto, ang Chaos Power ay kapaki-pakinabang, ngunit ang katayuan ng Youri ay.Bilang elder ng Doom Race, si Youri ay may mataas na prestihiyo sa Greater Realms. Kaya, ang Bug Race ay hindi nangahas na saktan siya. Ang pagkakasala sa kanya ay katumbas ng pagkakasala sa Dooms.Kung nagalit ang Dooms, ang Bug Race ay madaling mapapawi. Gayunpaman, nagtagumpay si James sa pag arte bilang Youri dahil sa Chaos Power.Ang kanyang Chaos Power ay hindi mahina. Ito ay makapangyarihan. Kahit na hindi pa niya naabot ang Acme Rank, nalampasan niya ang Nine-Power Macrocosm Ancestral God Rank.Sa sobrang lakas ng Chaos Power at sa kanyang pagkakakilanlan, walang buhay na pinaghihinalaan siya."Layas," Nagdilim ang ekspresyon ni James habang malamig na sinabi niya, "Sa loob ng sampung Epoch, ang Bug Race ay hindi maaaring lumitaw sa teritoryo ng Cloud Race. Pagkatapos ng sampung Epoch, maaari mong gawin ang anumang gusto mo."“Oo.” Ang powerhouse ng Bug Race ay natakot. Sabay saba