Share

3 - Out Of Control

"Sana lang talaga hindi ako pagalitan ng kuya Hervey mo," sambit ni Helly habang inaayos ang buhok nito.

Hindi ko siya pinansin at nilibot lang ang buong tingin sa maliit na isla na karugtong rin ng Hariente.

This is the first time that I am here. Matagal ko nang gustong pumunta rito, pero palagi akong pinagbabawalan ni Kuya kahit na hindi naman na ako menor de edad. He said that this island is full of dangerous people at marami raw tukso rito. I just don't get it, maraming tukso, pero palagi rin naman siya rito.

"Please lang, Carrie. Huwag mong dalhin rito ang pagka playgirl mo. Just enjoy the night and have some conversation, pero sana ay huwag lumagpas doon," paalala niya ulit nang makarating na kami sa pangpang.

Instead of paying attention to him, I just went down first. From where I was standing, I could see people dancing in the distance. They are dancing as if it's their freedom. Parang wala silang pakealam sa paligid nila.

Dangerous place? Full of dangerous people, Tukso? Tumigil ang tingin ko sa lalakeng prenteng nakaupo at may kausap, medyo malayo ang kinaroroonan nila, pero hindi ko alam kung bakit sa pagtungga nito ng alak na nasa harap niya ay nakuha agad ang atensyon ko.

Kitang kita ko na mas matanda ito, pero kahit na ganoon ay kitang kita ko mula sa kinaroroonan ko ang malalagkit na titig ng nga babaeng nakapalibot sa kanya, ang ilan nga sa kanila ay kaedad ko.

Ilang taon na kaya siya? Hmm well, I don't care. Halos nakagat ko ang labi nang mapansin ang titig nito sa'kin, or ewan, hindi ko sure.

Tuwing may nakatitig sa'kin ay nasisiguro ko agad na ako ang tinititigan, pero ngayon ay hindi ko masabi kung ako nga ba o hindi.

Bata pa ako, and I know na ang gaya niya ay mature ang gusto at may karanasan, hindi gaya ko. Halos mapamura ako nang doon ang tinungo namin. Lihm kung sinulyapan si Hally na ngayon ay nakangiti na. Seryoso ba siya? Napairap ako, pero natigilan rin nang masigurado na saakin nga ang titig ng lalake kanina pa.

For the first time, I felt nervous because of the man. Even though I was nervous, I glanced at him, I wanted to show that he had no effect on me, but when I glanced at him, I just wanted to curse. Kitang kita naman na mas matanda ang lalakeng 'to sa'kin, pero bakit ang lakas ng dating niya.

"I'm Ian, you are?" Tanong nito at inilahad pa ang kamay niya, pero ang tanging nagawa ko ay titigan iyon.

"Ayoko sa matatanda," sambit ko. Halos murahin ko ang sarili ko. Hindi ko kasi alan kung para sa kanya ba ang pangungusap na 'yun o para sa sarili ko, para paalalahanan na dapat ay ayoko sa matanda .

 "What did you say?" Natatawang tanong nito. Napalunok ako nang makita ko sa mukha niya ang pagkabigla.

"Do I look old to you? Ilang taon ka na ba?" Tanong nito

Hinding-hindi ko sasabihin ang totoo kong edad dahil baka alisin nito ang atensyon sa'kin. Hindi ako kawalan. Maraming babaeng mas maganda ang katawan at mas may karanasan dito.

Kahit kabado ay ginawa ko pa rin ang lahat para ngumiti. "My age doesn't matter. In regards to your first question, hmmm, you do not look old in my eyes, but..." Tumigil ako at tumayo. Lumapit ako sa upuan sa tabi niya at hinarap niya.

"But?" He ask.

"Yung noo mo po. I don't know what your age is, pero iwasan mo ang ikunot ang noo mo, nakakatanda iyon," sambit ko habang nasa noo na niya ang kamay ko. I bit my lips. Naiinis ako sa noo niya dahil nakakadagdag pa 'to sa kagwapuhan niya.

Natigilan lang ako nang napagtanto ko ang ginawa. What am I doing? Then he ask my name. Nagtalo bigla isip ko kung sasabihin ko ba ang totoo kung pangalan, pero napagdesisyonan ko na lang na huwag nang sabihin. Siguro naman ito ang una at huli naming pagkikita.

Ian, that is his name.

"Are you planning to get drunk?" He asked when he saw me drinking alcohol in one shot.

Bago ko siya sagutin ay s******p ko muna ang lemon dahil subrang pait at ang init sa lalamunan ng alak na 'yun. "Yes, para naman may lakas na loob akong halikan ko," malakas na loob na sagot ko.

Ito ba ang tukso na sinasabi ni kuya? Bumuntong hininga ako. Lasing na ako. Nilasing ko ang sarili ko para may dahilan ako kapag nagkita kami ng hindi inaasahan sa labas ng isla na 'to. Kapag nagkita kami ay sasabihin ko na hindi ko maalala ang nangyare.

I can't believe that I am thinking this! Kung hahalikan ko siya ngayon, hindi ito ang magiging unang halik ko. I'm a playgirl at nakahalik na ako ng ibang lalake, pero bakit ngayon ay kailangan ko pa ng alak para n*******n siya? I bit my lips. Dahil ba hindi ako sigurado kung magaling ba kung humalik? Na what if hindi niya magustuhan at maghanap ng ibang babae rito para halikan?

"Stop, Miss," sambit nito nang pagtuloy akong gumiling sa harapan niya. He tried to stop me.

Nagpipigil ito. Kanina ko pa siyang hinihintay na halikan ako, pero parang wala itong balak. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko. Hilong hilo na ako dahil ilang baso ng alak ang ininum ko. Sa inis ko ay dinala ko siya rito sa gitna ng dancefloor. Nahihilo ako, pero alam ko ang ginagawa ko.

Mapungay ang mata kong tumingin sa kanya, pero bumaba lang iyun papunta sa labi niya

"Ako pa ba ang unang hahalik?" Halos hindi ko na makilala ang boses ko nang sambitin iyon.

Para akong uhaw na matikman ang labi niya. Ano bang nangyayare sa'kin?

 

Napangiti ako nang makita ko ang paglikot ng mata niya  "You are drunk. I will kiss you if you are not drunk--" Bago pa niya matapos ay hinalikan ko na siya, pero mabilis lang 'yun para tignan ang reaksyon niya. Namumungay ang mata ko na nakatingin sa kanya na ngayon ay nakatitig na rin sa labi ko.

Ngingiti na sana ako sa pag-aakala na hahalikan na niya ako, pero-

"I'm Ian, you are?" Tanong nito

"Latina. I'm Latina," malambing ko nang sambit.

"Sampalin mo ako kapag hindi ka na lasing bukas, because I know, I deserve it," sambit nito na nagpatigil sa'kin. Sunod na ginawa niya ay ang pag-angkin sa labi ko at pumukaw ng atensyon ko.

Nawalan ako ng control sa katawan ko sa gabing 'yun. Ang tanging nasa isip ko ay ang paghalik niya at paglakbay ng kamay niya sa katawan ko. Ang nasa isip ko ay ang init at apoy na nagliyab dahil sa kanya.

Pinaramdam niya sa'kin ang hindi ko pa naramdaman. All I know is I want more. Kuya Hervey is right. Ang lugar na 'to ay maraming tukso. This place is dangerous at kasamaang palad sa unang pagpunta ko rito ay na tukso ako.

Pagkagising ko at hindi ko magawang magalit sa sarili ko.

"Bakit hindi ka nag-iisip," mahinang sambit ko lang sa sarili.

He is still sleeping while I am staring at him. He got my first. I can't believe na binigay ko sa taong kakakilala ko lang. Hindi ako makapaniwala na hinayaan siya ng katawan ko at walang pagsisi sa'kin.

Mabilis akong nagpalit. Hindi lang ako gaanong makagalaw dahil subra sakit pa ang nasa gitna ko. Sigurado ako na hinahanap na ako ngayon ni Helly, at kapag nagtanong siya ay hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Natigilan lang ako nang tumunog ang phone niya na nasa lamesa sa gilid. Dahil ayoko siyang gisingin at gusto kong umalis doon nang hindi namin napag-uusapan ang nangyare ay lumapit na ako sa phone niya.

Plano ko iyong patayin dahil baka magising pa ito kapag patuloy itong tumunog, pero napakurap kurap ako nang makita ang pangalan ni Kuya Hervey. Napalunok ako. Hindi naman siguro si Kuya 'to no? Marami namang Hervey sa mundo, Carrie.

Plano kong patayin 'yun, pero may nag udyok sa'kin na sagutin. At halos manghina ako nang marinig ang boses ni Kuya.

"Bro, bakit 'di kayo nagsabi na pumunta kayo diyan?" Boses iyon ni Kuya. Dali-dali ko iyong pinatay sa taranta.

Damn! Hell! Anong gagawin ko? I gave my first to this stranger, and the worst? He knows my brother, and my brother knows him. Iniisip ko nga kahapon na ito na ang huli naming pagkikita, pero ano 'to, This is fucking insane!

Paanong magkakilala sila ng kapatid ko. Gaano ba kaliit ang Hariente?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status