Share

4

BABALA! MEDYO SPG ALERT!

****

"Elaisa, gising." Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, ang sakit ng ulo ko.

"Nasaan ako?"

"Nasa bahay na tayo. Kailangan mong magbihis." Sabi nya sa malambing na boses. Lasing na nga talaga ako.

"Hindi ko kaya. Masakit ang ulo ko." Isinandal ko ulit ang ulo ko sa upuan.

"Basang-basa ka. Let me help you." Naramdaman kong itinaas nya ang kili-kili ko at ibinaba ang zipper ng dress.

"T-Teka lang." Makikita nya ang katawan ko. No way!

"Wag ka ng mag inarte, para namang hindi ka sanay maghubad sa harap ng tao." Mapanlait na sabi nito.

Wala na akong nagawa. Hinayaan ko na lang syang hubaran ako, mas pinili ko na lang na ipikit ang mata.

"You're not wearing bra. Always ready."

Naramdaman ko na lang na nakapanty na lang ako, binuhat nya ako at ihiniga sa kama. Kinapa ko ang kumot, pero wala. Pagdilat ko ng mata, nakita ko si Jared na nakatitig sa katawan ko.

"N-Nasaan ang kumot?" Kailangan ko ng takpan ang katawan ko dahil hindi ko kinakaya ang titig nya.

"No wonder, marami kang customer. You look so fvckable." Kinilabutan ako sa sinabi nya. Unti-unting bumaba ang labi nya papunta sa labi ko.

Nakakalasing ang halik nya, dahan dahan lang,  para bang iniingatan nya ako. Hindi nya tinigilan ang labi ko habang nakakapit sya sa bewang ko. Maya-maya lang ay bumaba na ang labi nya sa leeg ko, pababa sa dibdib ko. He look at it.

"Ilan na ba ang nakahawak dito?" Walang kahit anong emosyon akong nakita ng sabihin nya 'yun.

"W-Wala pa."

"Sinungaling." Hinawakan nya ang dalawang dibdib ko at pinisil.

"Sht!" Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa sensasyon. Nakakabaliw.

He nibble my left nipple and caress the other. He left small kisses all over my body until he touch me down there.

"Ilan na ang nakapasok dito? Are you clean?" He said while touching me. Ilang beses ko ng narinig 'yan, pero hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. Napapagbintangan ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa.

Naiyak na ako sa sinabi nya. Tuloy lang sa pag agos ang luha ko. Akala ko itutuloy nya ang ginagawa namin, pero tumayo ito at ilang beses nagmura bago ako binato ng kumot.

"Matulog ka na." Masungit na sabi nito at binagsak ang pinto paglabas.

Sumandal ako sa kama at doon umiyak. Hindi ko talaga mababago ang isip nya kahit wala naman akong ginawa na mali. Oo, siguro mali nga na pumayag akong makasal sa kanya kapalit ng pera, pero nagawa ko lang naman 'yun para sa pamilya ko.

---

Tumingin ako sa wall clock, 4:25am. Bumangon na ako para makapaghanda ng pagkain. Three days na ang nakalipas simula ng gabing muntik may mangyari sa amin. Simula noon ay hindi nya na ako kinakausap.

Nilalapitan ko sya, pero lumalayo naman sya. Alam kong nandidiri sya sa akin. Masakit.

"Kumain ka muna Jared." Palabas na kasi sya ng bahay pero hindi pa kumakain.

"Wala akong gana." Hindi nya manlang ako nilingon.

"Kahit dalawang subo lang." Hinabol ko pa sya sa pintuan. Pero hindi nya ako pinansin at diretsong lumabas.

Ngumiti na lang ako ng mapait. Hanggang kailan ba kami ganito?

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig kong nagriring ang cellphone ko.

Unregistered number. "Hello?"

[Hi Elaisa, it's Nathaniel. Anong ginagawa mo ngayon?]

Napangiti ako. "Kakatapos ko lang magluto."

[Good. Nasa labas ako ng bahay nyo. Pwede mo ba akong samahan?]

"Ha? Saan?"

[Birthday kasi ng friend ko bukas, magpapasama sana ako bumili ng regalo.]

Saglit akong nag-isip, wala rin naman akong gagawin. "Sure. Magbibihis lang ako."

---

"Bag na lang kaya?" Suggestion ko, kanina pa kasi kami paikot-ikot sa mall. Dumaan din ako saglit sa Elaisa's closet.

"Great! Bag na lang!" Hinila nya ako papasok sa isang mamahalin na Bag Store. "Woa! Ang dami pa lang bag dito."

"Anong kulay ba ang gusto nya?" Tanong ko habang naghahanap ng bag.

"I don't know. Ikaw na lang ang mamili." Natawa na lang ako dahil mukhang sumasakit na ang ulo nya.

Pagkatapos naming bumili ng bag ay nagyaya syang kumain sa isang reataurant.

"Kamusta? Nawala kayo sa party ah." Nakatingin sa akin si Nathaniel.

"A-Ano, sumakit kasi ang ulo ko noon kaya nauna na kaming umuwi." Pagdadahilan ko.

"Okay. So how's life?" Pag iiba nya ng usapan.

"Ganun pa rin." Simpleng sagot.

"Battered wife pa rin ba?" Sinimangutan ko sya.

"Sige, mang asar ka pa." Inirapan ko sya.

"Biro lang. Anyways, designer ka pala?" Napatingin ako sa kanya.

"Hindi. Regalo lang sa akin ni tita yung store. Nag-aral ako, pero hindi ko natapos."

"You should continue that. I can help you, designer ang kapatid ko sa Korea." Nagliwanag ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"Talaga?"

"Yup. Sabihin mo lang kung kailan mo gusto." Nginitian ako ni Nathaniel. Ang swerte ko dahil naging kaibigan ko sya.

"What are you doing here?" Muntik na akong mabulunan ng makita ko sa gilid namin si Jared na masamang nakatitig sa akin.

"Pare nagpasama lang ako sa kanya."

"I'm not talking to you Nate, let's go Elaisa." Tinitigan nya ako, at base sa tingin nya ay bawal akong tumanggi.

"Elaisa, pag-isipan mo ang inaalok ko sayo." Narinig kong sabi ni Nathaniel bago ako hilain no Jared palabas.

Masasabi ko na malaki talaga ang pinagkaiba ni Jared kay Nathaniel. Si Nathaniel, pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse, si Jared tinutulak ako.

"Type mo ba talaga ang kaibigan ko?" Natigilan ako sa sinabi nya. "At ano? Inaalok ka nya na sumama sa kanya para makipagsex?"

"N-No. May kapatid daw sya na designer at pwede--" He cut me.

"Wag ka ng makipagkita sa kanya." Bigla nyang pinaharurot ang sasakyan.

"Bakit? Hindi pwede! Sya lang ang kaibigan ko." Hindi talaga tama yun!

"Shut the fvck up Elaisa! Kapag nalaman kong nagkikita pa kayo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Pagbabanta nya at alam kong tototohanin nya 'yun.

Napabuntong hininga na lang ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status