Share

AIJAN: 6

Cara

"Hey, sweetie! Good morning." Pagbati sa akin ng aking ama paglabas ko pa lamang ng aking kuwarto. Tiyak na may sasabihin na naman itong importanteng bagay kaya siya nandito.

Madalas kasi wala si daddy sa bahay dahil sa palagi itong abala sa kanyang trabaho. Ganoon din si mommy. Pero sanay naman na ako, dahil palagi naman silang bumabawi sa akin.

"Hey, dad!" Ganting pagbati ko rin sabay halik sa pisngi nito.

Sabay na kaming naglakad patungo sa dining room. Pinaghila ako nito ng upuan bago ito umikot sa kabila ng table para maupo na rin.

Tahimik lamang din na dumating si mommy, hinalikan muna ako nito sa aking ulo bago naupo na rin sa aking tabi.

"Morning baby." Pagbati niya.

"Morning mom."

Hindi ko mapigilan ang mapangisi ng nakakaloko habang naglalagay ng sariling pagkain sa aking pinggan.

"Mukhang may importante kayong sasabihin." Panimula ko. "What is it?" Dagdag ko pa.

Napatikhim si daddy bago marahan na pinunasan ang kanyang labi. "Nothing, honey. We just miss you."
Jennex

Pang anim na patikim! Ahe! ;)

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status