Share

CHAPTER SEVENTEEN : SHARP SHOOTER

“ANONG BALITA?”

“Sa radyo at tv?”

Dugtong ko sa tanong ni Khloe sa akin kaya sumama na naman ang tingin nito sa akin.

“Anong nangyari at bakit hindi ka pumasok kahapon? Hindi ko rin nakita sa office niya o dumaan man lang si Sir Maxence kahapon. Magkasama ba kayo?!"

Pagsususpetya ni Jenniecah sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako.

Kaibigan ko naman sila at alam kong mapagkakatiwalaan silang dalawa. Bakit nga ba hindi ko pa sinasabi sa kanila? Hindi naman siguro masama kung sabihin ko kung ano ba talagang namamagitan sa amin at kung ano nga ba talaga kami ni Xence ngayon.

“Huwag kayong maingay. Nakatira ako ngayon sa condo ni Xence.”

Pagsisiwalat ko at para na namang megaphone ang parehong bunganga nina Khloe at Jenniecah.

“Ano?!”

"Condo?!"

Exaggerated na sabi nilang dalawa. Napangiwi naman ako dahil napatingin ang mga ka-trabaho namin maging ang inspector na nandito pala pa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status