“Manong para po,” sabi ko sa driver nitong jeep na sinakyan ko. Tumigil naman ito at bumaba na ako. Tinanaw ko ang building na pinagtratrabahuan ko, medyo malayo ang pinagbabaan sa akin ngayon ni manong. Hindi kasi pwede magbaba sa tapat ng building namin baka daw magkaroon ng traffic. Ang daming alam, kahit saan ka naman pumunta ngayon ay traffic na. Nag-simula na akong maglakad dahil baka malate na naman ako, buti na lang at umayos ang pakiramdam ko habang nag-bibihis ako kanina. Habang nag-lalakad naman ako ay may nahagip ang mata ko kaya napatigil ako at unti-unting tumingin sa loob ng isang restaurant. Nag-init bigla ang aking ulo sa nakita. Kitang-kita ko ang saya at galak sa kanilang mga mukha, samantalang ako ilang buwan nang nag-dudusa. Marahas kong itinulak ang pintuan at pumasok sa loob. May mga napatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Nag-diretso lang ako sa pwesto nilang dalawa habang ang sarap ng higop nila sa kanilang mga kape. Nasa harap na nila ako pero hi
Maghapon akong umiyak nang makauwi ako hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Ito ako ngayon, nakaupo sa harap ng hapag-kainan pero wala akong gana kumain. Nakatulala lang ako sa labas ng aking bintana. Meron akong narealize sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Narealize kong wala na akong ibang maasahan kundi ang sarili ko na lamang. Sa nangyari sa akin, mahirap ng magtiwala akong muli. Napabuntong hininga ako ng makita kong hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko at tumutunog na rin ang tyan ko. Nagugutom na ata ang baby ko kaya kumain na ako kahit wala akong masyadong gana ay kumain pa rin ako. Pagkatapos ko kumain ay linigpit ko na ang pinagkainan ko. Habang naghuhugas ay naduwal na naman ako pero wala namang lumabas sa bunganga ko. Napasandal ako sa pader ng bigla akong mahilo. Unti-unti kong kinapa ang mga bagay na pwede kong masasandal hanggang sa nakarating ako sa kwarto ko at nahiga na. Ipinikit ko ang mata ko at nakaramdam naman agad ako ng antok. Araw-araw, tuwing uma
“Mama, mama wake up,” yugyog sa akin ng napakacute kong anak. Napangiti ako at unti-unti kong iminulat ang mata ko pero wala siya, anak ko nasaan ka? “Mama, mama please don't let me go,” umiiyak niyang Sabi. Umiiyak na rin ako. Gusto ko siyang hanapin para yakapin at patahanin pero hindi ko maigalaw ang aking katawan at nanatili akong nakahiga. “Anastasia,” may tumatawag sa pangalan ko. Napabangon ako bigla dahil pakiramdam ko ay parang nahuhulog ako sa walang kataposang bangin. Malalakas ang aking paghinga at napahawak pa ako sa aking dibdib sa bilis ng tibok nito. “Anastasia,” sambit niya sa pangalan ko at hinawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko ang kamay na humawak sa kamay ko, sinundan ko ito pataas hanggang sa makita ko kung sino ang may-ari ng kamay na iyon. “Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?” nag-aalalang tanong niya. Umiling lang ako habang nakatitig sa mukha niyang nag-aalala. Naramdaman kong may pinunasan siya sa pisnge ko, umiiyak pala ako. “Napaka iy
“We’re here,” basag sa katahimakan ni Dannie. Kanina pa kasi ako hindi kumikibo. Napapaisip kung tama ba itong nagawa kong desisyon. Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyang lulan ko. Namangha ako sa nakita. Ang laki ng bahay na nasa harapan ko ngayon. Sino-sino kaya ang nakatira sa mala mansyong bahay na ito. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng napakalaking bahay na nasa harap ko, napakasimple lang nito kung tignan. Hindi ko natuloy ang pagmamasid ng biglang may sumulpot sa likod ko at nagsalita, “I’m tired, Let’s go inside,” walang ganang sabi ni Dannie at pumasok na sa loob. Napasimangot naman ako, sinulyapan ko muna ang buong bahay bago ko siya sinundan papasok. Pero hindi ko aakalaing mas mamangha ako dito sa loob ng bahay, napakalinis at kumikinang ang buong paligid pwede pa akong magsalamin sa kinang nila. Napakamot ako nang makita kong nakatayo si Dannie sa hagdan at nababagot na nakatingin sa akin. “What?” maang-maangan kong tanong sa kaniya. Umiling lang siya at
"Good morning," bati sa akin ni Dannie ng makapasok siya dito sa kwarto ko. Ilang araw na siyang ganiyan ka sweet sa akin, iwan ko ba nasasanay na ata ako. Mag-iisang linggo na kaming magkasama dito sa bahay. Hindi na ako pinayagan pumasok sa trabaho ni Dannie simula ng muntik akong makunan pati na rin siya'y hindi pa pumapasok sa trabaho. Inaasikaso ako, kami ni baby, pakiramdam ko tuloy para kaming tunay na alam niyo na. Napangiti ako sa isiiping iyon. "Nababaliw ka na naman diyan, ngumingiti mag-isa," sabi ni Dannie. Hindi ko na lang siya pinansin at bumangon na para makapaghilamos ako at mumog. Pagkatapos ko maghilamos ay wala na si Dannie sa kwarto ko kaya nag-pasya na akong lumabas. Sumakay ako ng elevator pababa dahil pinagbabawal ni Dannie na gamitin ko ang hagdan pababa at baka madulas o mapagod raw ako sa taas ng kinaroroonan ng kwarto namin. Pagbaba ko’y binati ako ng mga katulong ng magandang umaga kaya binati ko rin sila. Hinanap ng mata ko si Dannie at ayon nasa gar
“Manang si Dannie po?” tanong ko sa nag-hatid ng pagkain dito sa taas.Simula kasi kaninang umakyat kami dito at may biglang tumawag sa kaniya’y hindi na siya pumunta dito sa kwarto namin.“Hindi ko pa po nakikita ma’am simula ng umakyat kayo dito sa kwarto niyo, wala po ba siya dito ma’am?” sagot naman ni manang habang isa-isang nilipag ang mga pagkain sa harap ko.Sinulyapan ko ‘yong mga pagkain na nasa hapag ko, masarap sila nakakatakam pero wala pa akong gana kumain.“Kanina po kasing paakyat kami dito sa taas may biglang tumawag sa kaniya, ah basta hayaan na lang po natin siya,” sabi ko at sumubo sa grapes na dala ni manang.Baka client niya lang ‘yong tumawag kaya nakalimutan niyang magpaalam sa akin bago ako iwan sa loob ng elevator. Wag na mag-over think Anastasia.“May kailangan pa po ba kayo ma’am?” tanong ni manang sa akin.Umiling ako at magsasalita na sana pero biglang tumunog ang elevator at bumukas ito.Nakangiti akong tumingin sa elevator na bumukas umaasang si Dannie n
DANNIE’S POV Nasa labas na ako ng bahay ko lulan ng sasakyan ko pero hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Ala ona na ng madaling araw ng makauwi ako galling sa condo ni Honey na kababata ko. Si Honey ‘yong tumawag sa akin ng nasa elevator kami ni Anastasia, ibinalita niyang nasa Pilipinas na siya. Matagal ko rin siya hinintay dahil sabi ko noon sa sarili ko bago siya umalis, pagdating niya aamin na ako na gusto ko siya at gusto ko siyang ligawan pero paano ko iyon magagawa kung meron na si Anastasia at ang baby namin na nasa sinapupunan pa lamang niya. Nang makita ko si Honey kanina dahil dumiretso ako sa condo niya pagkagaling ko sa trabaho halo ang naramdaman ko, masaya ako dahil nandito na ulit siya ang babaeng simula noong mga bata pa kami ay mahal ko na at the same time ay naguguilty dahil hindi ko masabi sa kaniya na mahal ko siya dahil kasal na ako kay Anastasia at magkakaanak na kami. Parang nahuhulog na ang loob ko kay Anastasia o sadyang nadadala lang ako dahil dob
DANNIE’S POVKahit madaling araw na ng makauwi ako ay maaga pa rin akong nagising. Pagkatapos ko maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Sinulyapan ko ang kwarto ni Anastasia dahil may kunting awang ito pero wala na siya sa loob.Sumakay na ako ng elevator pababa. Nakapagdesisyon na ako na magtatapat ako ng feelings ko kay Honey ngayong araw. Saka ko na iisipin ang tungkol kay Anastasia at sa baby namin baka maulit na naman ang nangyari noon, hindi ko nasabi na mahal ko si Honey dahil umalis na naman siya.Traveler kasi si Honey, kung saan-saan niya gustong pumunta. Gustuhin ko man siyang samahan hindi ko naman maiwan ang kompanyang ipinamana sa akin.Pagbukas ng elevator nadatnan kong nakaupo si Anastasia sa sala at nanunuod ng tv. Tutok na tutok siya sa panunuod kaya hindi niya ako napansin.Pinigilan ko na lang ang sarili kong huwag ng lumapit sa kaniya para haplosin ang baby namin at halikan siya sa noo. Ayaw ko ng dagdagan pa ang magiging kasalanan ko kay Honey.Dumeritso