Nakatitig lang ang mga mata ni Andrei sa buong mukha ni Lyca. Ang mga tingin nito na nananatiling kalmado ay hindi mo makikitaan ng anumang emosyon. Kahit pa ba sobrang lapit ng distansya nila ngayon, ay hindi mo makikitaan ng kahit na anong bakas ng emosyon. Tatlong taon nang kasama ni Lyca si Andrei, ngunit hindi pa rin niya ito lubos na nauunawaan. "Tingnan mo, pinili mo si Trixie over me. Pinili mo siya para mas lalo mo akong masaktan.” Hindi napigilan ni Andrei na mapakunot ang noo nang marinig ang sinabi ni Lyca. Maya-maya ay ibinaling ni Andrei ang tingin sa balde ng yelo sa mesa at kumuha ito mula roon. Pagkatapos ay inilagay nito ang yelo sa makinis niyang noo. Napasinghap siya nang biglang maramdaman ang lamig, lamaig na nagdulot ng panginginig sa katawan niya. Mahina siyang bumubulong habang inaalis ang kamay ng lalaki, ngunit ramdam niya ang mas lalong tumitinding presyur sa sandaling iyon. Unti-unting natunaw ang yelo, at nag-iiwan ito ng basang marka na dahan-
Ilang sandaling napatulala at tila naaakit ang mga lalaking nakatali nang mapatingin sila magaganda ngunit nakakatakot na mga mata ni Lyca. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Lyca ang ganung klaseng tingin sa kanya ng mga lalaki. Marahil hindi mapigilan ng mga ito ang mapatitig sa mga mata lalo na sa kakaibang tingin na ipinupukol niya sa mga ito. Maya-maya, may narinig na tunog si Lyca mula sa isa sa isang lalaking nakatali na bahagyang tumikhim. Tila nagmamakaawa sa kanya na kalagan niya ang mga ito. Nanatiling malamig ang mga mata ni Lyca. Tiningnan lang niya ang ilang tao at saka nagsakita. "Call the police." Dahil hindi naman sila nag-aalala na palalain pa ang sitwasyon, kaya minabuti na lang ni Lyca na direktang gawin ang huling hakbang na siyang nararapat. At sino pa nga ba ang may kakayahang gumawa ng ganitong kasuklam-suklam at nakakadiring bagay upang sirain ang reputasyon ng isang babae? Pamilyar na pamilyar sa kanya ang ganitong uri ng pamamaraan. Dahil ganito r
Nag-angat ng tingin si Lyca at tiningnan ang boses ng lalaking bigla na lang lumitaw sa harapan niya. “At ano naman ang pakay mo sa pagsunod mo sa akin dito?” Mas lalo naman lumawak ang pagkakangiti ni Dean pagakatapos niya itong tanungin. “Hindi ba sinabi ko naman sa ‘yo? Na liligawan kita,” anito na biglang sumeryoso ang mukha. "Ang klase ba ng panliligaw mo ay ang panoorin ang nililigawan mo na napapalibutan at napapahiya, tapos ikaw ay magkunwari bilang tagapanood na walang pakialam?" aniya. Hindi naman niya sinisi si Dean na pinanood lang siya kanina. Ang totoo ay hindi naman malalim ang koneksyon sa pagitan nila ng binata at hindi naman siya umaasa na ipagtaganggol siya nito dahil kayang-kaya naman niya ang sarili niya. Para sa kanya ang tinatawag na panliligaw ni Dean ay tila higit pa sa isang laro ng pusa at daga. "That’s really interesting,” nakangising sambit ni Dean. Ngising puno ng interes ang mga nasa mata at tila natutuwa pa ito sa biktimang nasa harapan nito ngay
“Hey, it’s just a joke,” agap nito. Sandaling natahimik si Dean at bahagyang napayuko. Marahil nakaramdam ng awa ang lalaki sa puso nito. Ang mga mata nitong palagi nakangiti at masaya ay bahagyang dumilim, ngunit nanatili ang malumanay nitong boses. Bigla ring naging seryoso, malayo sa Dean na laging makulit at pasaway. "Alam niyang ikaw ang biktima, pero kahit na ganoon, pinili pa rin niyang protektahan ang taong nanakit sa ‘yo. Ang taong ‘yon pa rin ang pinatatanggol niya imbes na ikaw, Lyca. Bakit ba patuloy ka pa ring kumakapit sa taong kagaya niya?” umiigting ang panga nito nang matapos magsalita. Kagat-kagat ang pang-ibabang labi ay mahigpit na hinawakan ni Lyca ang gilid ng bintana. Kahit pa nanginginig sa lamig at namumutla ang mga daliri niya. "Hindi ko lang matanggap," mahinang sambit ni Lyca. Sapat na para marinig iyon ni Dean. Ngayon tiyak na maintindihan siya ni Dean kung bakit siya nag-aatubiling bumitaw. Dahil ayaw niyang matalo sa isang babaeng kasing sama ni
"Ate Lyca, bakit mo naman biglang itinapon ang mga bagay na ito? Ang weird mo naman. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito biglang ginawa,” kausap ni Trixie sa kanyang Ate sa isip niya nang makita niya ang ginawa ni Lyca sa damit. Sa sandaling iyon, samo’t-saring tensyon ang nararamdaman ng puso niya. Naroon ang takot at kaba, kaba na baka alam na Lyca ang totoong nangyari at natatakot na baka may gawin si Lyca sa kanya. Hindi kasi niya inaasahan ang ginawa nitong pagtapon sa red dress na na ginupit-gupit pa. Kaya nagtataka siya kung nasisiraan na ba ng bait ang Ate niya. "Nagpapaalam lang siya," mahinang sabi ni Andrei. Kaswal niyang pinulot ang isang piraso ng red dress mula sa lupa. Na para bang nararamdaman pa niya ang mainit nitong balat sa mga sandaling iyon. Alam niyang ang lahat ng ginawa ni Lyca ngayong gabi ay isang pamamaalam sa kanilang nakaraan. Pero ang ginawang ganito ni Luca , para sa kanya, ay parang isang hamon. Bahagyang dumilim ang mukha ni Andrei. Hi
Matapos ang maraming pag-aalinlangan, naramdaman ni Rigor na posible ngang tama ang sinasabi ng anak niyang si David. Tutal, bata pa naman si Max, kaya hindi mahalaga kung mag-aral siya sa kolehiyo nang mas huli ng ilang taon. Maaaring kumita sila ng malaking halaga rito. Pagkatapos mag-isip ng ilang sandali, sa huli ay pumayag din si Rigor. "Bakit bigla mo itong sinabi sa akin, posible bang may kilala ka na?" tanong pa ni Rigor sa anak. "Paano naman kung wala?" nakangising sagot ni David at binuksan ang kanyang cellphone, saka tiningnan ang listahan ng mga pangalan. "Ang lahat ng mga taong ito ay galing sa mayayamang pamilya. Tingnan natin kung sino ang mag-aalok ng pinakamataas na presyo at hayaan na natin si Max na kumuha ng exam para sa kanila. Baka pagkatapos ng exam, makabili na tayo ng bahay,” todo ngiting wika ni David. Ang presyo kasi ng mga bahay sa kanila, kahit na sa malalayong lugar, ay nasa sampu-sampung milyon. Ibig sabihin, makakabili si Max ng apartment sa pa
Pagdating kina Lyca at Joshua, ay maituturing na magnanakaw ang tingin nila kay Trixie. Ninakaw lang naman ng babaeng iyon ang pagmamahal ng kanyang ama, ang kanyang asawa, at ang kanyang posisyon sa kumpanya. Marahil, nais din nitong nakawin ang kanyang pagkakakilanlan at mga koneksyon. “Dapat ba nating tawaging magnanakaw si Trixie? Para kasing hindi angkop eh,” ngising saad ni Lyca. “Mas angkop siguro kung tawagin siyang tulisan kaysa magnanakaw. Dah hindi siya nagnanakaw nang palihim, kundi lantarang nang-aagaw,” dagdag pa niya. Matapos ang pagnanakaw, may gana pa siyang sabihin ito nang may kayabangan. Nakakainis at napakakapal ng mukha. Nagngingit sa inis ang kalooban ni Lyca sa kapatid niya sa labas. “Tama ka. Mas akma talaga ang salitang tulisan,” sang-ayon ni Joshua sa sinabi niya. Ngumiti saka yumuko upang tingnan ang mga dokumento. Maayos naman ang mga impormasyong nakalista, kaya’t madali lang itong maintindihan sa isang mabilisang sulyap. “Ano bang pinag-uusapan
Napahinto sa paghakbang si Lyca nang marinig niyang nagsalita si Andrei.Pumihit siya paharap at napatingin sa dating asawa bago siya dahan-dahang tumango.“Since you said so, I will go back,” pagkatapos sabihin iyon ay muli siyang tumalikod. Nararamdaman niya na kapag tumagal pa siya na kaharap ang lalaki ay lalo lang masasaktan ang puso niya. Walang naiintindihan si Andrei at wala itong nalalaman sa totoong nilalaman ng puso niya. Manhid ito at walang pakialam sa nararamdaman niya.Gusto ng lalaki na pumunta siya sa kaarawan ng ama niya. Ang kaarawan ng daddy niya ay siya ring anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ina. At ang pag-anyaya sa kanya na dumalo sa kaarawan ng ama ay parang pagtarak ng kutsilyo sa kanyang puso.********Ang mansyon ng pamilya Lopez ay matatagpuan sa isang exclusive subdivision na para lang sa mga mayayaman. Nakatayo sa malawak na lupain, ang bawat ladrilyo at tile ay nagpapakita ng karangyaan at kagandahan dito. Idinisenyo at itinayo ito ng isang sik
Habang nakatitig si Max sa babaeng naza harap niya ay may kakaibang pakiramdam sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon pa ngunit hindi niya matiyak kung kailan o kung saan ito. Ang pakiramdam na iyon ay parehong pamilyar at estranghero sa kanya. At habang abala ang mga tao sa paroo’t parito sa paligid nila ay nanatili namang magkahinang ang kanilang mga tingin. ******* MARAHIL napansin naman ni Principal Emily na nakatuon lamang ang mga mata ni Lyca kay Max kung kaya ay may ginawa ito. Tinawag nito ang direktor upang lapitan si Max at anyayahan na lumapit sa kanila para ipakilala ito sa kanya. "Lyca, ipapakilala ko nga pala sa ‘yo si Max Garcia, siya ang pinakabagong henyo rito sa aming paaralan ngayon. Siya ang estudyanteng nangunguna sa klase at may pinakamalaking tsansa na maging top science student ngayong taon," may himig pagmamalaking sabi ni Principal Emily kay Lyca. Ramdam naman ni Lyca ang labis na paghanga ni Principal Emily kay Max at tila ba nakara
CHAPTER 55 “Sigurado ka ba na hindi ito mabubuking? Panloloko ito sa pagsusulit para sa kolehiyo,” tanong ni Rigor kay David, na halatang nag-aalala at kinakabahan. Isa siyang guro kaya alam niya ang kaakibat na bigat ng ganitong klaseng sitwasyon. Ngumiti naman si David sa ama niya at saka umiling dito. “Pa, ilang taon ka nang guro diba? Hindi ako naniniwala na hindi mo alam ang mga ganitong bagay dahil alam naman natin na may mga taong handang magbayad para lang diyan. ‘Yong mga mayayaman at mga makapangyarihan na tao ayaw ng mga ‘yan na lumabas ang mga ganitong bagay,” sagot ni David sa Papa niya. Subalit tila natabunan ang kanyang konsensya nang malaking halaga na ang nabanggit ng anak niya. Umakbay pa sa kanya si David na parang magkaibigan lang sila habang nag-uusap. “Basta sapat ang perang ibabayad ay ayos lang isakripisyo si Max.” Nagpaplano ang dalawa sa sala, pero hindi man lang nila naisip na hinaan ang mga boses nila. ******** HATINGGABI na at kararating lan
Bukod kay Dean, ay wala nang ibang maisip si Lyca na gagawa nito kay Trixie. Hindi pa naman nakakabalik sa bansa si Kyrei. At lahit pa nasa bansa na ito, ay hindi naman ito gaganti sa ganitong paraan. About naman kay Chris, hindi nito papansinin ang isang maliit na tao na tulad ni Trixie. Wala ring alam sina Chris at si Kyrei nasa ibang bansa pa kaya wala silang ideya sa ginawa ni Trixie kay Lyca. Bukod kina Andrei at Dean, ang tanging nakakaalam ng katotohanan ay si Trixie. Pinoprotektahan ni Andrei si Trixie nang sobra, kaya malabo na siya ang nanakit sa babae. Pero hindi niya ginawa ang alinman sa mga ito, kaya ang tanging maaaring gumalaw laban kay Trixie ay si Dean. At kung ikukumpara sa ginawa ni Trixie sa kanya, mas malupit pa ito. ******* SAMANTALA, nakabalik na si Dean sa Bautista Group of Company. Nanlaki pa ang mata ng sekretarya nang makita ang pasa sa mukha niya pero hindi naman naglakas-loob na magtanong. Maingat nitong dinala ang kahon ng gamot sa op
Sa sandaling ito, parang hindi na mahalaga pa kay Trixie kung sino ang may gawa niyon sa kanya. Basta isa lang ang alam niya ang ibato ang lahat ng sisi kay Lyca dahil sa aksidenteng natamo niya. Halatang may galit talaga siya kay Lyca. Alam niyang nasaktan si Lyca noong birthday party nga daddy nila, kaya iniisip niya na naghihiganti ito sa kanya. Wala rin naman kasi siyang ibang nakaalitan kamakailan, at ang tanging tao na nakaalitan niya ay si Lyca lang naman. Kaya kung hindi si Lyca ang may gawa nito sa kanya, sino naman kaya? Wala siyang ibang masisisi rito sa nangyari sa kanya kundi si Lyca lang at wala ng iba. Gusto lang niyang magsumbong kay Andrei at ipakita kung gaano kasama ang puso ni Lyca. “Sa tingin mo ba talaga ay si Lyca ang may gawa nito sa ‘yo?” malamig ang boses na tanong ni Andrei kay Trixie. Naramdaman ni Trixie ang lamig sa boses ni Andrei at parang kinurot nang pino ang puso niya nang mapagtanto na tila ba hindi ito naniniwala sa kanya. “Hindi ba a
"Mr. Bautista." Banggit ng isang sekretarya nang makita nila si Dean. Kaya natigil ang kanilang pag-uusap at pagbubulong-bulungan. Ngumiti naman si Dean sa kanila saka ito nagtanong. “Nasa opisina ba si Mr. Sandoval? “Yes po, Sir. Nasa opisina po si Boss. May kailangan po ba kayo sa kanya?” anang isang sekretarya na sumagot. Ngumiti lang si Dean dito at nagpasalamat. Pagkatapos ay tinungo na niya ang opisina ni Andrei. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya ang lalaking nakaupo sa swivel chair nito at hinihilot ang noo. Naptingin si Andrei sa pinto ng opisina niya nang bigla itong bumukas at nakita niyang si Dean ang pumasok. Saglit niyang tinitigan ang lalaki at ibinalik ang tingin sa dokumentong binabasa nito. “What are you doing here?” seryosong tanong ni Andrei sa lalaki. Nagtataka kung bakit ito nasa opisina niya. "Mr. Sandoval, balita ko magaling ka raw makipaglaban. Gusto mo bang subukan natin?” nanghahamon na sabi ni Dean kay Andrei. Ibinalik ni Andrei ang
Pagkatapos lumabas at makita kung sino ang taong naghahanap kay Lyca ay bumalik na siya sa loob ng opisina. Muli siyang naupo sa office niya at inayos ang suot na salamin sa mata. Umiyak kasi siya kahapon, idagdag pa ang napuyat siya kaya hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mga mata niya. "Hindi ako manghuhula kaya wala akong oras sa mga walang kwentang hula na yan, Dean. Kaya kung may sasabihin ka sabihin mo na. Kung wala naman ay pwede ka nang umalis dahil busy ako,” masungit niyang sabi sa binata. Kahit pa sinabi sa kanya ni Dean na iba ito kumpara kay Andrei at huwag ikumpara ang mga iti ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano. Ayaw na niyang masaktan muli. Alam niya sa sarili niya na hindi siya masasaktan kung hindi na siya magbibigay ng tunay na damdamin. Kaya, hindi na niya bibigyan ng pagkakataon ang sinuman. "Ang sungit mo talaga sa akin, Lyca," wika ni Dean at saka nito tinanggal ang suot na salamin at lumapit sa kanya. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa ibaba
Bakit ang aga mo ‘atang nagising, Senyorita?" tanong ng tagapamahala. Maaga kasi itong nagising at nakita siyang nakaupo sa duyan habang pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw. "Hindi na po kasi ako makatulog," magalang na sagot ni Lyca sa matanda saka ngumiti. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa at iniba na lang ang usapan. "Ano po ang nais niyong kainin sa almusal? Natatandaan kong gustong-gusto niyo ang pea yellow. Bakit hindi tayo magpagawa ng kaunti upang may maiuwi na rin kayo mamaya?" Umiling si Lyca bilang sagot. "Huwag na po, nakakahiya. Isa pa marami pa kasi akong kailangang asikasuhin ngayon at baka hindi ko na rin yan mahintay pa,” sagot niya rito. Sa totoo lang, ayaw na lang niyang magpa abala pa rito. "Naku, wala naman iyon. Lasing si Senyorito Andrie kagabi kaya tiyak na tanghali pa iyon magigising. Baka nga paggising niya mamaya eh tapos na rin ang mga pagkain. Pwedeng siya na lang ang magdala para sa iyo mamaya,” giit pa ng matanda. Mahigpit na tumu
Si Trixie na ang kasintahan nito ngayon, kaya hindi tama na magpatuloy sila sa ginagawa. Dahil mali ito. Maling-mali. Ano na lang ang iisipin nito kapag nagpatuloy pa sila sa maling ginagawa. Na isang halik lang nito bibigay agad siya. Kaya hindi na maaari. Humugot muna siya ng hininga at buong pwersa na itinulak ang lalaki palayo sa kanya. Nagawa naman niya ito, pero habol hininga siya pagkatapos at itinulak palayo ang lalaki. "Andrei, divorced na tayo! Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo!” bulyaw niya rito. Tila natauhan naman si Andrei at natigilan ito. Napako ang tingin nito sa mukha ni Lyca na para bang binabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Napapikit saglit si Lyca bago nagsalita. "Si Trixie na ang kasintahan mo. Si Trixie, Trixie, at hindi ako,” mariin niyang bigkas habang inulit-ulit sa pabsambit ang pangalan ni Trixie. Sa wakas, ay binitiwan siya ni Andrei. Marahil dahil malinaw nitong narinig ang sinabi niya, o marahil dahil napagtanto nito kung sino siya, na hindi
Lahat sila napalingon nang marinig nila ang boses ng matanda. Lahat sila inaasahan na darating ito, kabilang na si Lyca.Bahagyang kumunot ang noo niya, perk sa pagkakataong ito, kusa siyang umupo sa tabi ni Andrei. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki, na para silang magkasintahan na naglalambingan.Kung sinumang makakita sa eksenang ito ay iisipin na silang dalawa ay isang mapagmahal na mag-asawa sa isa’t-isa. Ngunit sino ang mag-aakala na lahat ng ito ay isang palabas lamang?Nang bumukas ang pinto ay tumambad sa paningin nila si Lolo Andres. Nagulat pa ito nang makita silang dalawa ni Andrei na nakaupo sa sofa habang magkahawak kamay. Mabilis na lumapit si Marco rito at binati ang matanda nang may ngiti."Lolo, bakit naman po nagpunta po talaga kayo rito? Sinabi ko naman na po sa inyo na huwag na kayong mag-alala kay Drei, dahil nandito naman po si Lyca. Siya na po ang bahala na mag-alaga kay Andarei,” magalang na sabi ni Marco sa matanda. “Kaunting away lang po nilang mag-asawa at