Sa pasilyo sa ikalawang palapag, kakalabas lang ni Luke ng opisina ni Javier nang saktong makasalubong niya si Kina. Agad na matamis niyang nginitian ito. Sinuklian lang siya nito ng tipid at pilit pa atang ngiti."Kamusta ang pag-aaral?" tanong niya, sinusubukang pagaanin ang namuong atmospera sa pagitan nila."Mabuti naman. Pasensya na kung hindi ako nakaka-reply sa mga messages mo. Kailangan ko lang talagang... ituon ang atensyon ko sa pag-aaral ngayon." malumanay na sambit nito.Batid ni Luke na nagdadahilan lang si Kina. Gayunpaman ay pakunwaring pinaniwalaan niya nalang ito. "Hindi mo kailangang magpaliwanag. Nauunawaan ko."Sinubukan niyang hawakan ang kamay nito pero mabilis na iniiwas nito iyon."B-baka makita tayo nina grandma. Nasa kalapit na kwarto lang sila."Marahang nagpakawala ng mababaw na buntong hininga si Luke habang tinititigan ang napakaamong mukha ni Kina. Naalala niya ang sinabi ni Natalia na isang Divine Maiden si Kina at natutuwa siyang parang isang sagradong
"Anong ginagawa mo rito? 'Wag mo sabihing..."Ang lalaking katabi niya ngayon ay ang kanyang pinsang si Danny Campbell. Anak ito ng kanyang tita Danielle at asawa nitong si Ronald na nagmula rin sa isang prestihiyosong pamilya ng Campbell.Hindi niya lang sigurado kung gaano sila kayaman pero sa pagkakaalam niya noon ay mas mayaman pa ang pamilya Campbell kaysa sa pamilya Cruise. Iyon ang laging ipinagyayabang sa kanya ni Danny noong labing dalawang taong gulang palang sila.Dalawang taon niya lang itong nakasama noon. Isinama ito ng kanyang tito Ronald upang bumisita sa pamilya Campbell at simula noon ay hindi niya na ito nakita."Tama ka ng iniisip. Kasali rin ako sa kompetisyon," Isinubo nito ang kakabukas lang na kendi na iniaalok sana nito sa kanya. "Pero 'wag kang mag-alala, I'm not into your girl. I just want to have some fun. Na-miss ko ang mga araw na nakikipagkompetensya ka sa'kin."Tumaas ang isang kilay ni Luke na sinundan ng pagiging blangko ng kanyang itsura. Si Danny it
Sa lahat ng inaasahan niyang maaaring kakilala niyang dadalo upang manood ay si Veronica pa talaga ang una niyang makikita. Pero anong ginagawa nila rito? Saka pwede ba silang manood kung wala naman silang kamag-anak na kalahok sa kompetisyon?Napataas nalang ang kanyang dalawang kilay nang maupo sa tabi ni Katarina ang lalaking kasama nito noon nang namili ito sa Traelus Apparel boutique store. Iyon ay walang iba kung hindi si Edmund Abad, nangungunang pinakamayamang negosyante sa Makati. Agad niyang naunawaang baka kasali sa kompetisyon ang anak nito.Anong nangyari kay Roger? Hiniwalayan ba talaga ito ni Katarina?"Masaya bang makita ulit ang ex mo?"Nilingon ni Luke si Alona na hindi niya namalayang nasa tabi niya na. "Anong ginagawa mo rito?""Manonood, malamang." pamimilosopo nito."Ang ibig kong sabihin ay hindi ba't kasama mo dapat ngayon si Kina? Hindi mo dapat siya iniiwan lalo na ngayong maraming young masters ang nakapaligid sa kanya."Hindi iyon ang inaalala ni Luke. Ang
Hindi nag-abalang umimik si Zeo. Hindi na rin nag-abala pang magsalita si Luke at nakinig nalang kay Joey.Makalipas ng ilang minutong instruksyon, sa tulong ng ibang taga-asista ay binigyan nina Joey ang lahat ng kalahok ng papel. Ang bawat isa ay ipapaares sa sinumang nakakuha ng parehong numero nila simula sa isa.Nakuha ni Luke ang one hundred twenty one at nagtungo sa pwesto na kasunod ng ika one hundred twenty sa hilera."Hah! Ikaw?"Napalingon siya sa kanyang likod nang marinig ang isang mapanuyang boses. Ang lalaking kanyang kapares ay walang iba kung hindi si Adonis.Binigyan niya lang ito ng blangkong tingin saka muling ibinalik sa unahan ang kanyang tingin."Kapag binibwenas nga naman," natatawang sambit ni Adonis. Tumabi ito sa kanya.Kampante si Adonis na kaya niyang talunin si Luke. Inisip niyang marahil ay hindi naman ang lalaking ito ang tumalo kay Ryle kagaya ng kanyang inaakala. Napagtanto niyang napakaimposibleng maging mahusay sa martial arts ang isang nagmula lang
Napapatanong nalang ang ilan sa napakabilis na pangyayaring iyon. Kalat ang kanilang tingin sa lahat ng naglalaban pero naagaw ang kanilang atensyon sa biglaang paghandusay ni Adonis. Anong nangyari?"Hinimatay ba siya?" tanong ng isang manonood. Nagsimulang umingay ang stadium sa bulungan at tanungan.Walang nakakaalam sa totoong nangyari hanggang sa isang replay ang ipinakita sa napakalaking monitor sa may gilid. Ipinakita roon ang slowmo ng ginawa ni Luke nang umatake si Adonis sa kanya. Simpleng inilagan niya lang ang suntok nito at pumunta sa likuran nito upang gamitan ng chop attack sa batok habang ang isang kamay niya ay nasa likuran lang. Iyon ang dahilan ng mahimbing na ngayong pagkakatulog ni Adonis.Mas lalo pang lumawak ang pagkakaawang ng kanilang mga bibig. Maging si Katarina ay hindi rin makapaniwala sa nakita. Titig na titig lang ito ngayon kay Luke sa nanlalaking mata.Ito ba ang Luke na dating kasintahan ng kanyang anak? Ang lalaking lagi nilang pinipilit na makipagh
"Dinaig mo pa ang nakakita ng multo," puna ni Lance kay Luke na nakatitig lang nang husto rito.Makalipas ng ilang saglit ay bumuntong hininga si Luke. "Sigurado ka ba sa desisyong pinili mo?" kalmado niyang tanong.Ilang segundo bago nakatugon si Lance. "Mukhang alam mo na ang tungkol sa'kin. Alam mo na rin siguro ang tungkol sa organisasyon at kung anong sadya nila.""Alam mo ba kung anong nasa dulo ng landas ng pinili mong tahakin?" muling tanong niya, inignora lang ang sinabi ni Lance. Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay.Saglit na natahimik sila parehas hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. Iyon ang palapag na dapat lalabasan ni Luke pero nanatili siyang nakatayo hanggang sa muling magsara ang pinto. Pinindot iyon ni Lance pabalik sa ground floor."Ikaw ang nagbago ng kapalaran ng aking buhay. Kung hindi ka dumating sa buhay namin ni Kina ay malamang nasa masaya pa kaming pagsasama ngayon."Lumamig ang ekspresyon ng mukha ni Luke. Masaya? Tingin na ni Lance ay naging masaya
Seryoso ang mukhang bahagyang napataas ang mga kilay ni Luke bago ito tingnan. Nasa likuran nito ang isang babaeng sa tingin niya ay kasingtangkad lang ni Alona. Halos kasing katawan lang din. Pero kumpara kay Alona ay higit itong may maumbok na hinaharap na halatang ipinapangalandakan nito dahil sa suot nito.Mas tumaray pa ang ekspresyon ng mukha nito nang mapuna kung saan siya nakatingin. "You, pervert! How dare you stare at my boobies!" pasigaw na sambit ni Harly.Napasimangot si Luke. Hindi ba't iyon naman ang gusto nitong mangyari? Ang pagtinginan ng lahat para sa atensyon?Umiling-iling nalang siya at inignora ang dalawa. Hindi man niya alam kung sino sila ay tingin niya mga kamag-anak ito ni Kina. Wala siya sa mood upang makipagkilala sa kanila lalo pa't alam niya na agad kung anong ugali meron sila."Asshole! We're not done talking yet! Saan ka pupunta? At anong ginagawa mo sa palapag na 'to? This floor is exclusively for important people and Kina's relatives. Naliligaw ka ba
May mabait lang na ngiti sa mukha si Joaquin. Pero mababatid ni Luke ang kakaibang awra nito sa likod niyon.Nakita niya ang naging laban nito kanina. Hindi ito nalalayo sa husay na mayroon si Zeo. Hindi niya akalaing isa ring mahusay na martial artist ang anak ni Randolph na sa unang tingin ay aakalaing walang kahilig-hilig sa martial arts dahil sa napakaporma nitong manamit."Hindi interesadong makipagkilala si Kina kaya—"Nahinto sa pagsasalita si Luke nang pumaunahan si Kina at tanggapin ang pakikipagkamay ni Joaquin. "Hi, nice meeting you," nakangiting sambit nito.Bumagsak ang balikat ni Luke saka napatitig sa magkahawak na kamay ni Kina at Joaquin. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng selos na higit pa man sa naramdaman niya noong nakita niyang magkahawak ng kamay si Veronica at Richard.Bakit siya magseselos kung nakikipagkilala lang si Kina kay Joaquin? Normal lang naman ang makipagkamay habang nakikipagkilala, hindi ba? Dahil ba iyon sa parang sinasadya ni Kina na gawi
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t