Share

8: Evil plan

Inaantok pa ako, pero ginising ako ni Mommy para lang sermonan. Nandito silang tatlo sa aking silid.

Nalaman nila ang nangyari sa club kagabi. Hindi ito ang unang beses na nasangkot ako sa gulo. Pero sa lahat ng mga gulo, never akong nanguna. Nataon lang na mas malakas ako kaysa sa mga babaeng iyon kaya ako ang nagmumukhang masama lagi.

Anak ng kilalang negosyante ay isang warfreak, ito ang lumabas noon na headline patungkol sa akin. Pero hindi pa umabot ng ilang oras, napabura na ni Daddy ang mga articles na 'to.

Nakita na nila ang kuha ng cctv, kung saan nilapitan ako ng mga babae sa labas ng club, pero napagalitan pa din ako.

"Tinalo mo pa ang Kuya mo!" sermon ni Mommy.

Nakatayo lang naman sina Kuya at Daddy sa may gilid, habang patuloy sa pagsasalita si Mommy.

"Napabura na ni Bjorn ang mga lumabas na videos," sabi ni Kuya.

Bjorn? Tama ba ang nadinig ko? At bakit naman ginawa iyon ng lalakeng iyon? Tsk! Malamang, involve ang isa sa flings niya kaya gumawa siya ng paraan.

"Say
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status