Share

C2- The Gift

ZUI

Kanina pa ring ng ring ang cellphone niya at dahil abala siya sa ginagawa ay hindi niya pinansin ito at alam rin naman niya kong sino ang natawag. Kahit 'di niya i-check alam niyang si Luis ang natawag. Kanina pa kasi siya kinukulit ng kaniyang kaibigan.

Nang tumigil sa pag tawag ito natuwa siya at matatahimik na siya kaso nga lang nagulat siya ng biglang pumasok ang kaniyang secretary na walang paalam. Kaya kumunot bigla ang noo niya, sisinghalan niya sana ito ng may i-abot itong cellphone sa kaniya.

"Bakit mo sa akin inaabot 'yan?" pabalang na tanong ko.

"Sir, tumatawag po kasi si sir Luis." sagot nito.

"What???" 'di makapaniwalang sambit nito.

"Okay! Sige, iwan mo muna ako." utos ko rito. Sa totoo lang mabait naman ako takot lang talaga ako na mapalapit sa kanila lalo na sa mga babaw at baka mafall na naman ako at masaktan.

"Ano ba Luis? Kanina mo pa ako pine peste. Ano bang trip mo?" tanong ko sa kaibigan ko na kanina pa ako pinipilit na makipag kita sa kaniya sa hotel. May hinanda raw silang pa party sa akin. As if naman pumunta ako at busy ako sa company. At isa pa wala akong panahon para icelebrate ang birthday ko. I hate my birthday!!!

"Ang KJ mo naman bro. Bilisan muna dyan, marami na kami dito kapag hindi ka pumunta dito kami ang susugod dyan." banta nito at naririnig na rin niya ang boses ng ilang kaibigan sa linya.

"Fine! May tatapusin lang ako sandali. I call you later. Bye!" putol niya sa usapan nila ng bestfriend. Kong 'di lang niya close si Luis matagal niya ng kinalimutan ito. Hindi niya kasi alam kong bakit parati siya nitong ginugulo. Alam naman niya kong bakit, last time lang may pina set-up sila sa akin para sa isang date. Bakit parang mas atat pa silang magka love life ako, hindi pa naman ako matanda. I'm already 35 years old. I'm not getting older para sila ang ma frustrate sa buhay ko. Badtrip!!

Pinatay ko na ang laptop ko at inayos ko ang coat ko na nagulo. Lumabas na ako ng opisina at baka totohanin pa ng gagong 'yong ang bata niya. Nakakahiya pa kong magkaroon ng eksena dito, knowing him puro kalokohan ang naiisip non. Kaya hindi ako nagtataka na i-break siya ng girlfriend.

Sumakay ako ng lamborghini ko at pinasibat ito papalayo ng company. Hindi naman mahirap hanapin ang hotel na sinasabi niya kaya mabilis lang rin akong nakarating dito. At bago lumabas ng kotse nag hanap lang ako nag mapaparking-an. Nang makahanap ako pinatay ko na ang engine ng makina at lumabas dito.

Pumasok ako sa loob ng looby at malayo pa lang tanaw ko ang nakakalokong ngisi ng bestfriend ko. Naglakad ako palapit rito at nang nasa harapan na nila ako kaagad nila akong binati.

"Happy Birthday Bro. Mag-asawa ka na!" bati ng mga baliw kong kaibigan na takas yata sa Mental.

"Salamat, mga asshole!" sagot ko.

"Ano bang meron?" tanong ko. Bukas pa naman aag birthday ko.

"Ano pa ba, e' di salubong ng birthday mo para bukas." singit nito Liam.

"Ah! Okay." walang gana kong sagot.

"Oh! Shot muna 'to para ganahan ka mamayang gabi." wika ni Garry na hindi ko alam kong may laman ang sinasabi nito.

"Ssssh!" saway ni Luis. Parang may naamoy akong hindi maganda sa mga baliw na 'to.

"Tara mag-inom na lang tayo." wika ni Luis para maiba ang usapan.

"Mabuti pa nga." sang-ayon ni Liam.

Sina Luis at Liam ang pinaka close niya, para sa kaniya sapat na ang dalawa at hindi niya na kailangan pa ng maraming kaibigan at sa huli naman ay pagtataksilan lang siya. Ayaw niya ng maulit ang nakaraan kong bakit ganito katigas ang puso niya para sa mga babae.

"Oh! Tahimik ka ata." pukaw ni Luis sa atensyon ko.

"Wala naman bro, kailangan ko lang kasing umalis para sa business expansion sa New York. Kaya baka mawala ako ng five years, kaya kong pwede sana sayo ko muna ipagkatiwala ang company ko habang wala ako. Okay lang ba bro? Alam mo naman na ikaw lang ang pinaka mapagkakatiwalaan ko." ani ko.

"Oo naman bro, ikaw pa ba. Pero, may request lang ako sayo, ngayong gabi lang." wika nito at sa tono ng boses niya ay parang may hindi maganda itong sasabihin sa akin ngayon.

"Kong date na naman, pwede ba Luis okay lang ako. Naka move-on na ako sa sister mo. Tanggap ko na niloko niya ako. 'Wag munang hugasan ang kasalan ng kapatid mo, okay lang ako sapat na sa akin na nandyan ka at 'di ka lumayon." wika ko. Ayoko talaga sa lahat na pinag uusapan ang panloloko ni Queennie sa akin kasi sobrang sakit at kong pwede lang ayoko ng maalala pa.

"Okay bro. Sorry! Pero, last na talaga 'to. Nag hihintay na kasi siya." wika nito.

"Sino??" nagtatakang tanong ko pero imbes na sagutin niya ako inabot niya sa akin ang key card. Binasa ko ito 208, susi ito ng isang unit dito.

"Para saan 'to?" tanong ko ulit.

"Regalo ko sayo bro. Ikaw na ang bahala sa kaniya kong ayaw mo pauwiin muna lang at bigyan mo ng pamasahe." wika niya bago tuluyang mahilo.

"Hoyy! Luis, gumising ka dyan. Anong pinagsasabi mo?" inis na tanong ko kaso lang sa itsura nito wala akong makukuhang sagot mula sa kaniya. Kaya wala akong choice kundi ihatid ito sa condo niya kasi wala na din si Liam at nang babae na. Badtrip!! Happy Birthday to me!" usal ko.

Inakay ko na ito papasok ng kotse ko at pina andar kaagad palalayo sa hotel. Hinatid ko siya sa condo niya.

"Bro, ung susi?" tanong ko kasabay ng pag tapik ko ng mukha niya at nagbabakasakali akong magising ko ito. Nang nag mulat siya inabot niya kaagad sa akin anh susi ng cond niya at halos manlaki ang mga mata ko ng makita na nasa loob si Quennie.

"A...Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.

"Ikaw, ang tatanungin ko, Zui. Bakit ka nandito?" balik na tanong nito.

"Wala hinatid ko lang ang kuya mo at maraming nainom." wika ko.

Aalis na sana ako ng mahiga ko si Luis sa kama niya ng biglang nagsalita ito. "Happy Birthday, Zui."

Napalingon ako rito at nag igting ang mga ugat ko sa leeg. Gusto kong murahin siya ng oras na 'yon. Ngunit hindi ko masabi kaya naman ang nasabi ko na lang ay; "Salamat." Tuluyan ko ng linisan ang condo ni Luis.

Mabilis akong sumakay ng elevator pababa ng parking lot at ng makababa ako dumiresto ako sa kotse ko at pinasibat agad ito.

Halos murahin ko na sa isip ko si Quennie. Bull sh*t siya! Ang lakas ng loob niyang batiin ko ang ngayon, manhid ba siya na walang pakiramdam. Hindi ba niya alam nang dahil sa kaniya nakalimutan ko ng mag celebrate ng birthday ko. Binaon ko na sa limot ang araw ng birthday ko kasabay ng araw na nahuli ko siyang nakikipag sex sa pinsan ko pa. It was supposed my birthday celebration kaso nabalot ng sakit ng nahuli ko sila mismo sa condo unit ng pinsan kong kinamumuhian ko mula pagkabata pa lang ako. Actually, the feeling is mutual, sa lahat ba naman ng pinsan ko si Clark ang 'di ko kasundo. Siya kasi ang pabibo sa angkan namin, masyadong papel sa mga abuelo's at abuela's.

I was remember that night, plano ko na sanang mag proposed sa long time girlfriend ko na Si Quennie, for me she is the one. We're fucking seven years in- a- relationship kaya buong akala ko sapat na ako para sa kaniya. Hindi ko akalain na sa seven years naboring siya sa pagsasama namin, dahil lang sa hindi ko hinahayaang may mangyari sa amin at ini ingatan ko ang virginity niya, dahil para sa akin ang p********k ay ginagawa lang ng dalawang taong mag-asawa na. Hindi ko akalain na ang magandang hangarin ko para sakaniya, sa sarili niya at higit sa pagkababae niya ay magiging dahilan ng unti-unting paglayo ng loob niya sa akin. Pagkukulang na pala sa kaniya na hindi ko kinuha ang virginity niya. Kaya ang sakit sa puso at tanggapin na ganon niya na lang basta basta ibinigay sa pinsan ko.

Sa inis ko nahampas ko ang manobelang hawak ko. Hanggang sa napadpad ako sa bar ng hotel at nagpakalasing. Nag order ako ng pinakamatapang na alak at hinayaan kong malasing ako ng gabing 'yon para makalimutan ko ang araw ng birthday ko. Sa sobrang kalasingan ko nakalimutan ko na kong saang unit ang napa check-in ni Luis. Nahihilo at nanlalabo ang paningin ko kaya nang may makapa akong keycard sa bulsa ko dinukot ko ito at hinanap ang room na ito.

Pumasok ako ng elevator at sumandal sa gilid para hindi ako mabuwal at nang bumukas ito nagmamadali akong lumabas at hinanap ang room 208. Nang makita ko ito kaagad kong pinuntahan at binuksan ang unit gamit ang keycard na hawak ko. Medyo madilim ang paligid kaya at 'diko na inabala ang sarili ko buksan man lang ang ilaw at sumalampak agad ako sa kama. Wala akong kaalam alam na may babae na natutulog dito. Kaya nag hubad ako ng lahat ng damit sapagkat dito ako mas kumportable at mas nakakatulog ako ng mahimbing kapag ganito ang ayos ko. Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa dinalaw na rin ako ng antok.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bratinela17
......... pagod daw po sya.
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha natulog lang agad
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status