Share

Kabanata 0006

Naisip talaga ni Cordy na sumosobra na si John—hindi ito kailangan gawin ni John para sa kanya, lalo na at ang sunog sa hotel ay may malaking epekto.

Gayunpaman, kinuha niya ang kutsara at tinidor habang sinabi niya, “Salamat.”

Kahit na ang pagkain ay higit sa inaasahan niya, si Winston ay biglang nagsuot ng isang pares ng reading glasses at nilabas niya ang isang maliit na notebook, nirecord niya ang lahat habagn inoobserbahan ng mabuti si Cordy. “Pasensya na at hindi niyo gusto ang pagkain. Pwede ko bang itanong kung anong gusto niyo, o mga sangkap na hindi niyo gusto?”

Nabigla si Cordy ng ilang sandali, pero mabagal niyang sinabi, “Hindi.”

Hindi na tinuloy pa ni Winston ang pagtatanong, ngunit inobserbahan niya ng tahimik si Cordy, habang sinusulat sa notebook niya: gusto ni Ms. Sachs ang isda, pero ayaw niya ang carrots at sibuyas…

Habang sinusulat niya ito, lumingon ulit siya para tumingin sa pagkain na kinakain ni Cordy, at sinulat niya: Refer sa mga gusto ni Mr. Richard.

Pagkatapos kumain ni Cordy ng tanghalian, binigay ni Winston sa kanya ang isang box.

May laman itong mobile phone na may kasamang SIM card.

Pinasalamatan ni Cordy si Winston, at umalis na siya dahil tapos na ang trabaho niya.

Samantala, sina Flora at Scarlet ay nanatili dahil dapat nilang pagsilbihan si Cordy.

“‘Wag niyo akong pansinin,” Ang sabi ni Cordy habang umupo siya sa wheelchair at dinala niya ang sarili niya palabas ng ward.

Pumayag siya kay Richard at prinsipyo niya na tumupad sa mga pangako niya, lalo na at may mga bagay na dapat silang pag usapan ni John.

Nang kumatok siya sa pinto sa katabing ward, bumukas ito.

Nasa harap niya si John.

Ang mga balikat niya ay malapad, ang baywang niya ay maskulado, at ang mga binti niya ay mahaba—ang mga manggas ng puting shirt niya ay nakarolyo pataas, pinapakita ang maskuladong mga braso niya.

Gayunpaman, napansin ni Cordy ang bandage sa braso ni John…

At kinarga ni John si Cordy!

Nilayo ni Cordy ang mga mata niya, tinanong niya, “Nasa loob ba si Dicky?”

“Oo, pero natutulog siya,” Ang sagot ni John.

Nagtataka si Cordy kung nilalayo ba ni John ang anak nito mula sa kanya, at tinikom niya ang mga labi niya. “Mamaya na lang ako pupunta…”

Gayunpaman, tila narinig ito ni Richard mula sa loob. Bigla niyang tinanong ng malakas, “Nandyan po ba kayo, Mommy? Pwede niyo po ba akong samahan matulog?”

“Kailangan ko muna lumabas ng sandali. Samahan mo muna siya kung hindi ka masyadong busy, Ms. Sachs,” Ang sabi ni John bago pa makapagsalita si Cordy. “Nagkaroon ng appendix surgery si Dicky, at sinabi ng mga doctor niya na dapat siyang magpahinga sa kama. Tulungan mo akong kumbinsihin siya na matulog kung kaya mo.”

Pagkatapos, umalis si John ng hindi man lang hinihintay ang pagpayag ni Cordy.

Sa kabilang palad, nalito si Cordy sa kinikilos ni John. Hindi ba natatakot si John na ang cute na anak niya ay maaapektuhan?!

“Mommy?” Malambing siyang tinawag ni Richard.

Huminga ng malalim si Cordy at hindi niya itinama si Richard. “Sige na, matulog ka na. Sasamahan kita.”

“Salamat, Mommy,” Ang sabi ni Richard, niyakap niya ang braso ni Cordy sa dibdib niya.

Pagkatapos, pumikit siya at humikab siya, nakatulog agad siya sa sumunod na sandali.

Nainggit si Cordy sa kakayahan ng bata na matulog ng madali—maraming taon na siyang umiinom ng melatonin pills.

Gayunpaman, nang makita niya na tulog si Richard, inalis niya ang kamay niya sa yakap nito.

Mabilis niya dapat itong ginawa, dahil humigpit ang yakap ni Richard sa kanya, binulong pa nito, “Mommy, ‘wag niyo po akong iwanan…”

Nagdesisyon si Cordy na hayaan na lang ito—kahit na nakatingin siya sa maliit at cute na mga pisngi ni Richard, nagtaka siya kung paanong ang walang puso na nanay ni Richard ay kayang iwanan ang batang ito.

Hindi mapigilan ni Cordy na lumapit at halikan si Richard.

Paglingon niya, nakita niya na bumalik na si John si ward, nakatingin ito sa bawat kilos niya.

Naging awkward si Cordy dahil nahuli siya na hinahalikan ang anak ng iba…

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status