Share

CHAPTER 1

"The last princess of the night! She's too innocent and as you can see, she's a bit nervous kaya hinay-hinay lang mga boys." Inakbayan ako ni Madam.

Nagsitaasan naman ang mga kamay nila at kanya-kanya silang pataasan ng presyo. Ano?! One million lang ako? Ang mura ko naman!

15-20 million pwede na! At saka virgin ako, 'no! Mahal dapat ang bayad ko!

"Wow, si Mr. Basco yata ang makakakuha sa kanya since 10 million ang price niya. Mayroon pa bang hahabol para maibigay ko na ang kamay ni Sabrina sa kanya?" Lalong tumibok ng malakas ang puso ko sa sinabi ni Madam.

Ano?! Ibibigay niya ako sa taong malaki ang katawan? Tapos kung makatingin para na akong huhubaran!

"Oh, come on, just give me her—"

"20 million and she's mine now." Natahimik ang lahat nang magsalita ang lalaking nasa pinakasulok na hindi naman nakikisali sa kaguluhan nila kanina. Napaawang ang bibig ko nang bigla siyang umakyat sa stage at hinila ako pababa.

Tama ba itong nakikita ko? Isang gwapong nilalang ang kumuha sa akin?

At bakit pati ang boses niya ang gwapo-gwapo? Nananaginip ba ako?

Idinala ako ng lalaking nagbayad sa akin sa second floor nitong club. Kung gaano kabilis ang hakbang niya ay ganoon din kabilis ang paghakbang ko na halos ikinasubsob ko na. Tinatakpan ko ang sarili ko sa mga taong nadadaanan namin dahil nababangga nila ako.

"Mr., dahan-dahan po," pakiusap ko. Natigil ako sa paglalakad nang tumigil siya. Binalingan naman niya ako ng walang emosyon at kaagad ring bumaling sa harap niya kung saan pinto pala iyon.

Nang buksan niya ang pinto, humampas sa balat ko ang lamig. Hinatak niya ako papasok at nilock niya ito bigla pagkatapos ay iginaya ako sa isang sofa. Mayroong isang table na puno ng mga alak at may mga pagkain din pero halatang hindi pa nagagalaw.

"Why do you look so stupid?" tanong niya kaya ang atensyon ko ay bumaling sa kanya.

"Po?" sabi na nga ba at hindi maganda ang ugali ng isang 'to! Wala naman akong ginagawang masama sa kanya tapos tatawagin niya akong stupid? At saka ang bilis niyang mag-judge, huh? Stupid agad?

"Are you new here?"

Kumuha siya ng baso at ibinuhos ang isang alak pagkatapos ay naglagay ng dalawang yelo. Sumandal siya sa sofa habang iniikot ng mahina ang ulo niya kasabay ang baso niya na may lamang yelo.

"O-Opo, bago lang ako. K-Kakapasok ko nga dito," sagot ko habang napapakagat ang labi. Kanina ko pa tinatakpan ang mga legs ko na kitang-kita na niya. Pati cleavage ko litaw na litaw.

"So, Genevie is right? You're innocent?" Napalayo ako ng bahagya nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Napapalunok ako habang tinititigan ang mga mata niya na kulay asul.

"S-Sorry po," bulong ko at napayuko. Alam ko na madidisappoint siya dahil hindi naman ako katulad ni Teresita na magaling mang-akit ng mga lalaki.

"So that's why you're not even seducing me or to satisfy me? I got it now. Ilang taon ka na?" Medyo lumayo na siya at lumagok sa kanyang alak.

"Twenty-five," sagot ko at kinuha ang unan para ipatong sana sa mga hita ko pero hinablot niya iyon at hinagis sa kung saan.

"I love how you dress like that. Don't cover yourself. I paid for you so you cannot disobey what I want," diretsong sabi niya habang ang mata niya ay nasa dibdib kp.

"Pwede po ba na ibang babae na lang po ang kunin niyo? Wala po talaga akong alam sa ganito. Napilitan lang ako dahil sa kahirapan sa buhay." Ito lang ang tanging paraan para maiwasan ko ang pagka-ilang. Naiilang talaga ako sa presensya niya.

Bigla siyang ngumisi at binitawan ang baso niya. Halos mawalan ako ng hininga nang lumapit siya sa tabi ko at hinaplos ang mukha ko.

"Wala ka pang experience?" tanong niya at dahan-dahan niyang ibinababa ang strap ng suot ko. Napakapit ako sa hita ko ng mahigpit.

"W-Wala," naiilang kong sagot. Akmang yuyuko ako pero itinaas niya ang mukha ko gamit ng kanyang hintuturo.

"You mean even your lips are still virgin?" Dumako naman ang hinlalaki niya sa labi ko. Habang tumatango ako ay dahan-dahan kong inilalayo ang mukha ko. "Really? Edi ang swerte ko pala at ako pa ang magtuturo sa 'yo?"

Ngayon ko lang naramdaman ang init na 'to sa buong buhay ko habang pinagmamasdan ang napakagwapo niyang mukha. Napapakagat na lang ako ng labi ko habang ang kamay niya ay hinahaplos ang hita ko.

"Let's start what we need to do, then."

Hinawakan niya ang panga ko at inangat ito. Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang labi niyang dumikit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon dahil first time kong nakipag-halikan sa lalaki.

Napakunot ang noo ko nang igalaw niya ang kanyang labi. Napahawak ako sa braso niya at hinayaan siyang halikan ako.

"So, this is your first time. Hindi ka marunong humalik?" ngising tanong niya. Nahihiyang napailing ako. "And let me teach you how to kiss properly, baby," bulong niya at hinapit ang baywang ko. Hindi ko mapigilan ang mapatili nang ipaupo niya ako sa kandungan niya. "Open your mouth and let me do the right thing," utos niya. Inawang ko ang bibig ko nang bahagya. "Good girl. I love how you obey my orders."

Muli akong napakapit sa balikat niya nang halikan niya ako ulit. Ngayon ay naramdaman ko ang dila niya na tinatamaan ang dila niya ko. Ang kamay niya ay nasa pwetan ko na, inaangat niya ito ng dahan-dahan.

"Mmm..." hindi mapigilanungol ko dahil nag-eenjoy ako sa ginagawa niya sa bibig ko. Nalalasahan ko ang alak na ininom niya kanina tapos hindi ko alam kung ano ba ang lasa ng laway niya basta't nag-eenjoy ako! Gusto ko itong ginagawa namin!

Kinagat ko ng mahina ang ibabang labi niya bago siya niyakap sa kanyang batok. Nakaangat ang katawan ko habang dinadama ang mainit at mapusok niyang halik. Napansin ko na lang ang sarili ko na nakahiga na sa sofang kinauupuan namin.

"Am I good kisser?" tanong niya at tanging tango ang naisagot ko. Nakakadisappoint lang dahil tumigil siya sa halikan. "Good answer."

Bumigat ang paghinga ko nang hagudin niya ang legs ko gamit ng palad niya. Nasa taas lang ang kamay ko habang pinapanood ang ginagawa niya.

"Ah..." paghinga ko nang malalim nang haplusin niya ang gitna ko kahit na may saplot pa ako. Ito na ba? Ito na ba 'yung mangyayari sa akin ngayong gabi? Good bye virginity na ba?

"You look nervous. Aren't you ready?" tanong niya nang mapansin niyang bigla akong kinabahan sa naiisip ko.

"Pwedeng break muna ng 5 minutes?" pakiusap ko. Bigla siyang humalakhak ng mahina at umalis sa tabi ko.

"Yeah, sure, habang hindi pa ako n*********n ng todo. Kapag nag-aya ulit ako, ayoko nang mabibitin ulit." Kumuha siya ng alak muli sa baso niya. "Here, drink some alcohol. Makakatulong ito para hindi ka na nerbyosin. Just relax, okay? I'll be gentle, I'll take it easy." Inilahad niya ang isang baso ng alak sa harap ko. Dahan-dahan ko itong iniabot at ininom. Hindi ako sanay uminom pero hindi ko pinahalata sa kanya.

"Pasensya na po, Mr., hindi po kita ma-entertain nang maayos," paumanhin ko.

"No problem. Ang cute mo nga. Actually, for picking up girls, I don't find myself joining my bros paying to you, girls, but you caught my attention. Parang gusto mo nang umatras and you have a good body and it attracts me more," honest niyang sagot.

"Ah..." reaksyon ko at tinikman ulit ang alak. Medyo nakaramdam ako ng kilig sa sinabi niya dahil ang cute ko raw.

"Are you sure no one touches you before?" tanong niyang muli at kumuha ng chichirya.

"Hindi ko pa nararanasan ang makipag-relasyon kasi wala namang nanliligaw sa akin," paliwanag ko. Feeling ko maganda siya kausap. 'Yong tingin niya kasi ay hindi naman judgmental tapos ang pogi pa tapos ang sarap niya pang humalik!

"Don't lose your confidence, you are pretty and sexy," puri niya at pinasadahan ang buong katawan ko.

"Salamat. Ikaw pa lang ang nagsabi niyan sa akin bukod sa kaibigan ko na si Teresita," sambit ko habang napapakamot ang ulo.

"Teresita? Isa sa mga babaeng pinipili ko noon kapag madalas ako rito. She's good, you know," aniya at lumagok sa kanyang alak.

"Siya ang nang-alok ng trabaho na ito sa akin. Tinanggap ko na kaysa mamasura na lang ako sa daan. Magiging praktikal na rin ako sa buhay," pagkukwento ko. Hindi ako nahihiya sa kanya at alam ko naman na makakahingi ako ng magandang advice. Walang masamang tinapay ang impression ko sa kanya. Kanina ay naiilang ako, ngayon hindi na.

"Interesting. Then where is your family?" kuryosong tanong niya. Umiling ako na may halong lungkot.

"Itinapon lang ako e."

"Oh, sorry for asking."

"Okay lang!" ngumiti ako para maipakitang maayos lang kahit na malaman niya. At least nabuhay pa rin ako kahit wala akong mga magulang sa tabi ko.

"You're something that I cannot explain."

"Bakit?" hinawakan ko ang mukha ko. Baka may mali na sa mukha ko kaya may something.

"I think I saw you somewhere."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status